Kabanata 24

57 3 0
                                    

¤ ISAY ¤

Maghapon akong wala sa sarili at hindi makapag focus sa lahat ng discussions at topics. Dumaan na din ang lunch, pero wala akong gana kumain, ang sarap pa man din ng baon kong pritong tilapia na may kamatis at toyo. Kaso ang ending, pinakain ko na lang kanila Star at Natalie.

Napansin ko nga din na hindi maingay si Heidi sa buong maghapon. Malamang, apektadong apektado din siya kay Caleb sa nangyari. Gusto ko siyang kausapin tungkol rito, kaso naisip kong mas mabuti nga palang huwag na lang siyang pansinin kaysa pansinin pa.

Naghiwalay na din kami ng mga kaibigan ko. Sabi nila sa'kin ay gusto man nilang dalawin si Caleb ngayon sa ospital, pero baka bukas na lang daw since ayaw din naman ng pamilya ni Caleb na maglabas ng updates about sa kalagayan niya. Ipinangako din naman nila Star at Natalie na hindi nila babaliwalain ang updates kay Caleb dahil sobrang nag-aalala din sila pareho. Sadyang baka lang daw hindi pa panahon ang dumalaw sa kanya.

Naglalakad ako ngayon papuntang sakayan ng jeep, ngunit mabagal ang lakad ko. Tama ba'ng sumakay ako ng jeep pauwi sa amin? O baka mas tama yung sumakay ako ng jeep patungong West Medical Center?

Ang hirap na dala-dala ng konsensya mo ang nangyari. Hindi ka nito patatahimikin hanggang sa malaman mo ang sagot kung paano mo ito pawawalain. May parte sa'kin na gustong sundin ang mga sinabi ng dalawa kong mga kaibigan, pero mas malaki ang parte sa'kin na dapat kong kamustahin ang lagay niya. Ang lagay ng taong mahal ko.

Natatawa na lang ako sa isip ko na kung bakit ko nasasabi ngayon ang mga katagang mahal, na kung tutuusin nga ay hindi ko pa naranasan sa ibang tao sa buong buhay ko. Maliban kay Inay syempre, ngunit hindi ko pa naranasang makita mula sa ibang tao, pero oo nararamdaman ko.

Nasa sakayan na ako ngayon ng jeepney habang naghihintay ng mai-pa-para na maghahatid sa pupuntahan ko. Nakita ko na ang signage ng kulay silver na jeepney at ito ang tamang lugar na pupuntahan ko. Madali naman na akong sumakay.

"Manong, magkano po hanggang West Medical?" Tanong ko doon sa konduktor.

"Pitong piso lang, estudyante." Sagot niya.

Dumukot naman ako sa coin purse ko ng tag-pi-pisong siyete at iniabot ito kay manong konduktor. Binilang ko ulit ang mga natitirang barya ko at mayron pa namang bente pesos na buo. Kasyang kasya pa para sa pamasahe pauwi.

Habang nasa byahe naman ako ay naisipan kong i-text si Inay, magpapaalam lang ako na dadaan akong ospital bago ako umuwi. Hindi ko na din pala muna babanggitin sa kanya kung bakit ako dadaan sa ospital, saka na ako magpapaliwanag kapag nagkita na kami sa mata.

"Oh, West Medical!" Sigaw ni manong konduktor. Bumaba naman na ako kaagad, malapit lapit lang pala 'to sa PEA.

Tinignan ko muna ang paligid at ang labas ng ospital. Napakalaki pala talaga nito kung susuriin, eh nuong mga panahon kasing nandito ako ay hindi ko naman alintana ang laki ng ospital. May time pa ba ako nuon mag masid kung naghihingalo na ako?

Pagkapasok ko ay kaagad akong lumapit sa front desk. Umubo pa muna ako ng mahina bago magsalita.

"Magandang hapon po." Pagbati ko sa nurse. "Um, saan po ang room ni Caleb Del Valle?"

"Sorry, pero ka-anu ano ka ng pasyente?"

"Ka —" Kaibigan? Katuwang? Kaklase? Kaaway? Ano ba'ng sasabihin ko sa nurse na 'to? Kasintahan? Hala! Nananaginip ka yata, Isay!

"Ka-Kaklase po niya ako, I mean, kaibigan na din." Sagot ko. Madiin lang na nilapat nito ang lip lines niya.

"Sorry, pero hindi muna nagpapatanggap ng mga katulad mong bisita si Mr. Del Valle. For security purposes lang." Sambit ng nurse. Napabuntonghininga na lang ako at tumango na lang. Baka naman kasi hindi pa talaga panahon na makita ko siya?

The Princess and His Magic (Fantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon