Kabanata 10

85 1 2
                                    

¤ ISAY ¤

Second day dito sa PEA, at bahala na kung ano ang kapalaran ko ngayong araw na 'to. Iba kasi yung nararamdaman kong kaba sa ngayon kumpara kahapon, dahil na din sa mga kuwentong nasabi sa'kin nila Star at Natalie. Nasa locker na nga pala ako at ngayon ko lang ito binuksan, hindi ko kasi ginamit 'to kahapong first day. Malinis at halatang inayos ito nang inalis ang mga gamit ng dating gumagamit nito. Nilagay ko na ang iilang libro na hindi naman kailangan sa first subject ko. Parang gusto ko tuloy lagyan ng designs 'tong locker ko? Mag gupit kaya ako ng mga papel sa bahay at idikit ko dito sa locker? Hm, pwede.

"Good morning, Isay!" Pagbati sa akin ni Star. Mukhang wala pa si Natalie dahil hindi niya kasama 'to.

"Good morning din sa'yo." Pagngiti ko sa kanya. Nag beso naman siya sa'kin. Hindi man ako sanay sa ganitong batian, eh mukhang masasanay na ako ngayon. "Nasaan nga pala si Natalie?"

"Wala pa siya. Maya-maya nandito na din 'yon kasi hinahatid siya ng mommy niya." Sagot ni Star. "Ito pala ang locker mo?"

"Oo, ngayon ko lang kasi binuksan."

"May pupuntahan ka pa ba? Hali na sa classroom?" Pagaaya niya at sumang-ayon naman ako. Sabay na din kaming lumakad papuntang classroom.

Papasok na kami ng pintuan ng classroom namin nang matanaw namin si Natalie sa 'di kalayuan at sabay na din siyang pumasok sa classroom. Madami na ding mga kaklase namin ang nandito at lahat sila'y busy sa daldalan at kung anumang ginagawa nila.

"Oh, the stupid girl?" Pagkakarinig kong sinabi sa bandang pwesto nila Heidi habang nakatingin sa'kin. Nakakaamoy ako ng hindi maganda.

"She was the girl." Sambit nung isang kasama niyang mukhang grade three na naghihintay ng service, eh paano ba naman kasi ang lalim ng eyebags. Nakatingin lang sila sa'kin at nakangiti ng sarkastiko. Naku naman talaga, oh? Good na good ang morning sa akin.

"Isay, do not mind them." Sabi ni Natalie at napatingin na ako sa mga kaibigan kong nakasimangot at patingin tingin ang mga mata sa grupo nila Heidi. Ano 'to!? Power Puff Girls versus Wonder Pets?

"They're psychopaths, so 'wag mo na lang silang pansinin." Naiinis na sabi ni Star. Ayaw ko namang pagsimulan ng gap o gulo ito nang dahil sa'kin.

"Tinuturuan pa talaga ng mga feelingerang social climbers." Narinig ko na namang sinabi ni Heidi. Ay, iba na talaga ang babaeng ito. Gulo talaga ang hanap niya sa buhay.

Napansin ko namang huminga na lang ng malalim si Star at bumulong na lang si Natalie ng curse at hindi na nila pinansin pa ang sinabi ni Heidi. Ano kayang tama nito't ganito ang ugali ng taong 'to? Subalit tama naman ang sinabi ng dalawa kong kaibigan, huwag pansinin ang mga gustong magpapansin kasi lalo lang silang magpapapansin.

Ilang minuto din kaming natahimik nila Star at Natalie. Napansin ko namang nanahimik ang ibang estudyante bigla. Pagkalingon ko sa may unahan ay lumalakad pala papasok ang lalaking kinaiinisan ko. Tinignan ko ang paligid at nakita ko ang bulungan ng mga babaeng kinikilig habang nakatingin sa kanya at habang pinaguusapan siya. Tumingin ulit ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa'kin habang naglalakad papalapit. Paglagpas niya ay narinig ko pa ang kaunting galabog ng upuan niyang nasa likuran ko lang.

"Good morning, Caleb." Ngiting-ngiting sinabi ni Heidi. Nakakasira ng umaga talaga yung kaartihan niya.

"Yeah." Rinig ko lang na sinabi ni boy arogante. Bakit ba ang daming nagkakagusto sa kanya kahit ga-pangit naman ng ugali?

Ilang minuto pa ang lumipas at napunan na ng mga estudyante ang lahat ng upuan sa classroom namin, kasabay nito ang pagdating ng professor namin at kaagad namang nagsimula ang klase.

The Princess and His Magic (Fantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon