¤ CALEB ¤
I can no longer take it. This is the first time I've only felt this pain by words. Yung mga salitang sinabi niya sa'kin.
You never stayed, Caleb. At sino ba'ng may sabi na manatili ka?
Wala pang sinuman ang nakapag sabi sa'kin ng words na nasaktan ako. Harmless sila sa'kin, mapagpanggap, plastik. Pero si Isay lang ang literal na nakapagsalita na nasaktan ako.
Hindi ko alam kung ano'ng gusto kong gawin ngayon. Kung saan ko gustong maglibang, pero alam ko na ito yung daan pauwi sa bahay. Malakas ang pagpatak ng ulan at naririnig ko ang pagbagsak nito sa windshield kasabay din ng ingay mula sa wipers. Hindi ko din alam kung bakit ayaw tumigil ng luha ko. Siguro sa kakaisip ng sakit na nararamdaman ko ngayon. First time kong maranasang manghina, first time kong naging mahina sa isang tao.
I don't bother what's happening right now, alam kong madulas ang kalsada. Basta ang alam ko lang din ay madiin ko nang inaapakan ang gas. Gusto ko lang makalimutan yung bigat sa dibdib ko.
Narinig ko ang isang napakalakas na busina galing sa right intersection, at ngayon ko lang napansin ang stop light na nakapula. Huli na, pero naka go pa din ako.
Naramdaman ko na lang ang isang malakas na impact galing sa kanang bahagi ng sasakyan. Sobrang lakas ng pagkakabangga at hindi naging slow motion sa'kin ang lahat. I failed to control the steering wheel at ramdam ko ang pagpapaikot-ikot ng sasakyan.
Isang malaking lagapak ang naramdaman ko sa ulo ko at tumalsik sa'kin ang bubog ng nabasag kong windshield. Dama ko din ang mga patak ng ulan na tumatalsik sa'kin.
Now, everything's blurry. It was slowly getting blurry. I was having hard time breathing, and everything went black.
¤ EDEN ¤
"Hey, nandito na tayo." Sabi ni Sin. Nasa tapat na kami ng bahay.
I don't know, but bigla na lang akong kinabahan. Parang may malamig na hangin na bumubulong sa'kin.
"Um, yeah. I'm going inside. Thanks." Sagot ko habang dinudukot sa bag ang payong. Hinatid niya ako, as usual. Galing din kasi kaming restaurant bago umuwi from school.
"Thanks lang? Walang kiss?" Nagkunwari pa siyang nagtatampo. Hay, my baby boy. Pasaway talaga.
"Ah, sy-syempre, I'll give you goodbye kiss." I smiled a bit. Ewan ko bakit biglang naging uncomfortable ang feeling ko. This is very rare.
Lumapit na ako and gave him peck of kiss sa cheek niya. Ngumiti naman siya and simply kissed me back on to my lips, madiin na halik. It didn't last long.
"Take care at madulas ang daan." Sabi ko na lang.
"Yes, madame. I will." Pagkasabi niya'y mabilis naman siyang bumaba kasabay ng pagbukas ng umbrella at pumunta sa side ng door ko. He opens it for me.
Bumaba naman ako and ngumiti ulit sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko habang pinapayungan ako. Ang lakas ng ulan ngayon at biglaan.
"Are you OK?" He suddenly ask while staring at my eyes. Sinusukat kung may mali ba.
"Oo naman. Why am I not be OK?" Buti nasabi ko ng maayos. Ayaw ko na kasing magisip pa siya na hindi ako OK or whatever. Uuwi na din naman siya.
"Oh, sige na. Pumasok ka na aking reyna." Ngumiti na naman siya ng matamis.
Hinatid niya ako hanggang porch at kumaway kaway pa siya bago sumakay ulit ng car.
Pagkapasok ko ng front door kaagad ko namang hinanap si Kuya Caleb. Nasa bahay na siguro 'yon?
BINABASA MO ANG
The Princess and His Magic (Fantasy)
FantasyAir, Water, Earth and Fire: Ang apat na elemento at simbulo na bumubuo sa buong kaharian ng Gladiol, kung saan naninirahan ang mga dugong bughaw na may taglay na mahika. Sa pagkawasak ng kaharian ng Ria, Hidro, Lios at Gonus na sumisimbulo sa apat n...