SCENE 1: Alex is back in Manila. Still feeling a bit down, she turned the TV on and took her favorite canned drink at the porch and started thinking. Kasabay ang ingay na galing sa palabas sa TV, inisip nya na tama si Anton at ang Ate nya, tama na ang pagmumukmok. Kelangan bumangon siya ulet. Kailangan buuin nya ulet ang sarili nya. At balang-araw pag nagharap silang muli ni AJ, ipapamukha nyang nakaya nya kahit wala siya at hindi siya worth it sa lahat-lahat.
Tumayo siya at sinimulang kunin ang lahat ng mementos na may kaugnay kay AJ *insert senti song* -- mga pictures, stuff toys, basketball jersey ni AJ, pares nya ng couple shirt from HK, pati ang converse sneakers na niregalo sa kanya ni AJ noon, na maski na gutay-gutay ay paborito paren nyang suotin. Nilagay nyang ang lahat ng iyon sa isang kahon at inilagay sa basurahan. Pagbalik ng bahay ay kinuha naman nya ang isang kahon na puno ng mga sulat, pictures, concert tickets, movie tickets, Enchanted Kingdom entrance bracelets, domestic at international flight tickets sa mga trip nila together, birthday at valentines cards, natuyong rose mula sa dozen na pinadala nya dati sa org tambayan nung nagsisimula palang sila. Kinuha nya ang posporo at sinimulang sunugin ang lahat sa bakuran. Kumuha ng paborito nyang drink at napansin ang flyer na bigay ni Anton. Kinuha ito at umupo ulet sa porch habang tinatanaw ang mga nalulusaw na alaala, habang nililipad ng hangin ang mga abo ng kahapon at tinignan ang flyer mula sa kaibigan.
SCENE 2: Sabado. Napagdesisyunan ni Alex na subukang puntahan ang bagong bukas na library sa The Fort na sinasabi ni Anton
Sa may library entrance, tinignan nya muna ang front façade ng building bago pumasok sa loob. Pag lampas sa main entrance, sumakay siya ng elevator pataas para puntahan ang main lobby. Habang asa elevator, panay parin ang titig nya sa mga wall designs, sa ceiling, at sa over-all structure ng place. Nang marating nya ang taas, nabangga nya si Rob na nakatambay mismo sa dulo ng elevator habang asa telepono at natapon ang coffee na hawak neto sa isang kamay sa kanyang cream coat.
Rob: Oh sh*t!
Alex: Ayyy, sorry. Sobrang sorry talaga. *kinuha ang panyo na nasa bulsa at sinubukang punasan ang coat*
Rob: Please.. Please.. Just stop! Stop it Miss.
Alex: I can buy a new coat if you want, malapit lang naman yung mall. Sorry talaga.
Rob: No need. *he walks away*
Lumayo si Rob ng kaunti kay Alex at habang asa telepono paren, nag-sorry na lamang sya sa kausap sa kabilang linya. Sinusubukang punasan ang nadumihang coat pero parang wala nang pag-asa.Samantalang si Alex naman ay kumuha ng tissue mula sa bag at pinunasan ang sahig na natapunan ng kape. Pinulot naren ang coffee cup at tinapon sa basurahan.
Alex: *to self* Sino ba naman kasi ang tumatambay sa dulo ng escalator! Urgh! Antipatiko! Willing naman ako na palitan ung coat nya, arte-arte pa! Arrrgh!
Pinagpatuloy ni Alex ang pag-tour sa library. At si Rob naman ay nagpuntang men's room baka sakaling malinis pa nya ang namantsahang coat. Hinubad na lamang nya ang coat at ni-loosen nang kaunti ang pagkaka-tucked-in ng dark blue v-cut shirt na suot.
Nang marating na ni Alex ang main lobby~~
Alex: *to self still looking at ceilings, walls, etc.* Sobrang plain naman ng building. Kulang sa appeal. I think a guy designed this building. Puro sharp edges. On the side note, kung ako ung student or someone na gagamit ng facility na'to, I want this to be like the comforts of home but with accessibility to everything...books, internet, periodicals, and all.
*Naglakad si Alex sa mga book shelves*
Alex: This library is too much of a library -- mashadong serious ung tone. Hmmmm...
BINABASA MO ANG
You Are The One
RomantikLuck was not on Alex's side. After recently losing her Dad and her job, on Valentine's day when she tried to surprise her boyfriend, AJ, she was the one surprised finding him sleeping with another woman. Meanwhile, Rob has it all -- a good family...