Ch10: House Rules

112 4 0
                                    


Inayos ni Alex ang pagkakapusod ng buhok at mabilis na tumakbo sa banyo para maghilamos at magmumog at pagbalik ay kinuha isa-isa ang mga nakahanger na underwear at bra sa loob ng bahay at itinakbo sa kanyang kwarto. Bumalik siya sa sala at inalis ang mga kalat sa coffee table at sahig. Pagtapos ay umupo sa papag, sa opposite side ng coffee table, kaharap ni Rob na nakaupo naman sa sofa.

Rob: Diko magets anung ginagawa mo dito?

Alex: Anong dito? Dito ako nakatira. Ikaw, bakit ka andito? *sabay tingin sa may pinto kung san andun ang mga maleta ni Rob*

Rob: Ha? Teka. Teka. Panung nangyare yun? E sa lolo ko ang bahay na'to? Umuupa ka ba sa kanya?

Alex: Ha? Anong umuupa? Dito ko nakatira. Dito ang permanent address ko.

Rob: Naguguluhan ako. Ang alam ng Dad ko, wala nang nakatira dito matagal na.

Alex: Binigay 'to sakin ni Lolo Roberto e

Rob: Binigay?!?!

Alex: OO! Teka...

Hinanap ni Alex sa mga drawers sa TV cabinet ang papel na gustong ipakita kay Rob. Habang abala siya sa paghahanap, tumayo naman ang isa at sinipat-sipat ang mga lumang paintings na nakasabit sa dingding at naglakad papunta sa porch at tinignan ang mga wind chimes at mga colored glass lanterns na nakasabit sa mga puno sa hardin.

Alex: Eto!!!

Rob: Alex, pinagloloko mo ba'ko?

Alex: Mukha ba'kong nagpapatawa?

Rob: Ano 'to? Scratch paper?

Alex: Alam ko mukha syang scratch paper. Yan lang paper placemat ang available nung time na yun.

Rob: Paki-intindi nga sa'kin!

Alex: Ayan o nakasulat -- na binibigay ni Lolo Roberto ang bahay na'to kay Alexis Castañeda -- may pirma naming dalawa.

Rob: This is not a valid document. Alam mo yan! Pede kita kasuhan ng trespassing at theft!

Alex: Teka! E bakit inde mo tawagan si Lolo. Susugod-sugod ka dito tapos aangkinin mo nalang nang ganun ganun.

Rob: Wala na si Lolo. He died 8 months ago of pancreatic cancer.

Alex: Was he buried next to your Lola?

Rob: *may pagka-iritang sumagot* Yep. Why?

Alex: Because he told me, your Dad opened up about cremation topic to him before and he was worried he'll get cremated instead being reunited with his one true love, your Lola.

Rob: I don't know that.

Alex: That was his long-time dream. That when he dies, he lay next to her. I bet he's happy now.

Rob: Sure he is.

[Silence]

Rob: Pero bago tayo magkalimutan, you being close to Lolo doesn't mean you can have this house. That piece of paper is just junk! Kaya mag-impake ka na dahil I'll be living here starting today.

Alex: Anong paalisin! Kontrata yan! Pinagkatiwala ng Lolo mo! Tignan mo nakapirma pa siya! Kaya magkamatayan man, hindi ako aalis dito!

Rob: Hindi naman sa'yo to! Invalid naman yang papel na yan kahit sang korte mo pa dalhin. Kaya magligpit ka na at simulan mo nang umalis!

You Are The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon