SCENE 1: Nueva Ecija. Libing ni Tatay Pong. Nakasuot ng puti sina Alex, Ate Sally at Nanay Sylvia. Katatapos lang magbigay ng sermon at basbas ang pari. Nagsimula nang magsabi ng condolences ang mga bisita sa pamilya at unti-unti naring nagsi-alisan. <Zooms out to the sky>
SCENE 2: Asa bahay na ang pamilya Castañeda na di kasama ang padre de familia. Dumeretso si Alex sa bakuran kung saan andun ang swing na ginawa ni Tatay Pong para sa kanya - nagreminisce habang nakaupo sa swing.
Memory 1: Tatay Pong habang ginagawa ang swing at nung matapos na isinakay si Alex
Memory 2: Tatay Pong nung nag-uwi ng biik na tinapaktapakan ang mga tanim nya sa hardin. Silang apat na humahabol sa biik sabay umulan
Memory 3: Nung namatay ang aso nilang si Polgas at umiiyak si Tatay Pong habang nililibing ang alaga
Alex: *talking to self, started crying* Sorry Tay ha, nahuli ako nang onti. Hindi na kita naabutan sa ospital.
Eventually, sinamahan si Alex nina Ate Sally at Nanay Sylvia. Niyakap nila ang isa't isa.
Alex: Tigil na nga naten 'to! Crying ladies lang ang tres marias ni Tatay? Hindi siya maha-happy pag makikita nya tayong malungkot.
Nanay: Tama na nga ang iyakan. Hali na, at pasok na sa loob.
SCENE 3: Inasikaso ang iba pang natitirang bisita. Nagsimula nareng magligpit ng mga pinagkainan at kalat sa kusina at sala.Anton: Bakla, condolence.
Alex: Salamat Anton! Salamat lagi kang andyan inde lang para sakin kundi para sa buong pamilya.
Anton: Dramarama sa hapon teh? Ano ba! Wala yun! Pamilya ko naren kayo kaya tama lang na andito ako.
Alex: E musta sa work, pinayagan ka ba ng boss mo?
Anton: Ahh oo naman! Mababait ang staff sa i2C Arch and Designs, wish ko talaga someday maging magkawork tayo! Kung bakit ba kasi ayaw mo pa umalis dyan sa pinagtatrabahuan mo, aside sa maliit ang pasahod, antagal mo pang mapromote! Hanuveh, ilang taon ka na ba dyan sa position mo! Nakadalawang promotion nako simula nang nagtrabaho tayo, ikaw andun paren sa simula. Nakakaloka!
Alex: *pilit na ngiti*
SCENE 4: Pumasok si Nanay Sylvia sa kwarto, sinimulan nya tignan ang mga lumang litrato sa photo album. Sumunod si Ate Sally sa kwarto, nakita nyang nagsimula na namang malungkot ang ina kaya dinamayan nya ito.
SCENE 5: Gabi. Nagsimula nang mag-impake si Alex ng mga gamit niya.
Nanay: Anak talaga bang luluwas na kayo ngayong gabi?
Alex: Opo Nay, may meeting kasi kami bukas sa office. Importante daw sabi ng director. Pero wag kayo mag-alala, dadalasan ko ang pagdalaw dito.
Ate Sally: Dapat lang! Tayong tatlo na nga lang natitira sa pamilya anlayo mo pa lagi
Alex: Ate ikaw na bahala kay Nanay ah. Kaw naren bahala sa bahay at sa bukid.
Nanay: Mag-iingat ka lagi anak.
Alex: Opo Nay!
Ate Sally: Kamusta mo naren pala kami kay AJ
Nanay: Oo nga, antagal ko nang di nakikita ang batang yun
Alex: Sige po sasabihin ko pag nagkita kami.
BINABASA MO ANG
You Are The One
RomanceLuck was not on Alex's side. After recently losing her Dad and her job, on Valentine's day when she tried to surprise her boyfriend, AJ, she was the one surprised finding him sleeping with another woman. Meanwhile, Rob has it all -- a good family...