Ipinasok ni Alex ang house-rules-slash-kontrata nila ni Rob sa kwarto, tinignan ito at napailing lang, saka idinikit sa likod ng pinto ng closet.
Paglabas ay bumungad agad sa kanya ang mga cleaning materials sa sala pati narin si Rob na handa nang sumugod sa gyera. Panay ang bangayan habang naglilinis ang dalawa. Nang matapos ay sumalampak na lamang sa sofa dahil sa kapaguran pero pinuri ang mga sarili dahil sa aliwalas na nakikita nila sa paligid.
Napagkasunduan na maliligo na si Rob habang si Alex naman ay magwawalis ng mga tuyong dahon sa hardin. Pagtapos nya, ay kumuha sya ng dalawang ginger beer sa ref at umupo sa may porch sabay labas naman ni Rob ng kwarto.
Alex: Gusto mo? *sabay abot sa isang can ng ginger beer*
Rob: Thanks! *sabay upo rin sa porch* Mahilig ka rin sa ginger beer?
Alex: Uhm
Rob: Adik na adik ako dito nung high school.
Alex: Ngayon di na?
Rob: Umiinom parin pero di ganun kadalas. Coffee ang pumalit
Alex: I don't like coffee, I mean, I don't like drinking it but I love the smell of coffee
Rob: *smiles*
Rob: Anyway, about last time sa office~~
Alex: *silent*
Rob: Sorry. My fault. I wasn't myself that day. And yes you're right, hindi ko dapat ginawang excuse yun to blame it on you guys.
Alex: Wag ka sakin mag-sorry. Sa kanila.
Rob: I already did. But not with you. I didn't get the chance.
Alex: Hayaan mo na yun. Okay na yun.
Umalis si Alex kinahapunan para umattend ng Saturday anticipated mass at dinner kasama ni Anton sa UP Town Center.
Anton: Huy, kanina ka pa tulala. Anyare sa'yo girl?
Alex: Wala, may iniisip lang ako.
Anton: Work?
Alex: Hindi, about sa bahay.
Anton: Ha? Diko gets.
Alex: Naalala mo, diba binigay yung bahay na yun sakin nung may-ari~~
Anton: Yep, when you met him in Cebu. Asan na nga pala siya?
Alex: Nabalitaan ko namatay na raw 8 months ago... Hmmm, e pano Ton kung isang araw may dumating tapos sasabihin kukunin na yung bahay?
Anton: E binigay na sa'yo diba. So pakita mo ung papers na tinransfer sa'yo at pirmado nya.
Alex: E pano kung hindi valid ung papeles?
Anton: Ha? Pano magiging invalid?
Alex: Diko alam. Pano lang kunwari
Anton: Kung feeling nila invalid ung papers, need mong kumuha ng lawyer, pero magastos yun girl. Kung tunay naman ung papers at dumating sila na inaangkin ung property, edi sampal mo sa kanila ung titulo
Alex: Sasampal talaga?
Anton: Paranoid ka lang!
Alex: Napamahal na kasi ung lugar na yun sakin kaya natatakot lang ako
Anton: Adik ka lang. Dami na ngang iniisip sa opisina, dinadagdagan mo pa.
Pag-uwi, di pa ren makapaniwala si Alex na hindi na siya nag-iisa sa bahay lalo pa't ang boss nya ang housemate nya. Napabuntong-hininga na lamang siya pagpasok sa loob. Naabutan nyang kumakain ng dinner ang isa.
Alex: Bango nyan ah, mukhang masarap
Rob: Sorry, I only cooked just enough for me
Alex: Okay lang. Nag-dinner na din naman ako
Rob: And besides, we didn't talk about sharing food and cooking for each other or anything like that diba?
Alex: Yep! Wala sa contract! *tumambay muna sa sala at nanood ng TV*
Rob: Ahhh oo nga pala, I called PLDT to install DSL
Alex: *tahimik lang*
Rob: Some electricians will be here tomorrow to do all the wirings
Alex: *tahimik parin*
Rob: I know you don't want use the internet when you're home, so since ako naman ang gagamit, I will pay for it
Alex: Okay. In case I will need it, babayaran nalang kita.
Rob: Okay, sounds good to me. They'll be here around lunchtime or afternoon.
...
......
.........
Kinabukasan, maagang nagring ang alarm ni Rob. Nagising si Alex sa ingay at sa sobrang inis ay malakas na kumatok sa pinto ni Rob~~
Alex: HOY! YUNG ALARM MO! ANO BA! ROB! Ang aga-aga wala naman pasok kung makapag-alarm clock ka! HOY! ROB! ROB!
Dahil walang sumasagot ay binuksan na lamang ang pinto at sumugod sa loob habang naglalabas parin ng galit at inis. Pero napansin nyang wala ang isa sa kama nito kaya pinatay nalang ang alarm. Napatingin sya sa kwarto ni Rob at nabilib kung gaano ka-organized ang mga gamit at libro, pati narin ang pagkakatupi ng comforter. Nakita nya ang ilang mga photo frames na nasa shelf -- picture ng isang buong pamilya (si Rob, isang lalaki na mas matanda ng konti kesa sa kanya, isang babae na katabi ng lalaki at dalawang medyo matanda na pares na sa tingin ni Alex ay ang tatay at nanay nito, at isang matandang lalaki na kilala niya - si Lolo Roberto); may isa pang picture si Rob na may kasamang batang babae na nakayakap sa kanya.
Sabay pasok ni Rob sa kwarto at ganun nalang ang gulat ni Alex~~
Rob: Alin sa house rules ang di mo gets, Ms Castañeda?
Alex: E kasi naman po, ung alarm nyo ayaw tumigil sa pagring! Nagising na ang buong subdivision! Linggong-linggo nag-aalarm clock!
Rob: Diba rule number 6, privacy?
Alex: Opo, I get it! Sino ba naman kasing mokong ang nagigising before the alarm clock! Kaya next time po, please paki-turn off bago umalis. *sabay walk-out*
Naubos ang buong araw sa pag-aasikaso ni Rob ng internet habang si Alex naman ay sa pagtambay sa porch at nagsasagot ng mga crossword at word-hunt sa magazine. Napaidlip din sya sa porch dahil sa kaantukan. Hapunan na nang magising sya at kumakain na si Rob. Nagluto lang ng instant noodles si Alex at wala parin silang imik sa bawat isa.
...
......
Lunes, maagang pumasok si Rob sa opisina. Nang pumasok naman si Alex, napatingin lamang sila sa isa't isa at bumalik na sa kanya-kanyang trabaho.
Rob: *to self* Tignan mo 'tong isang 'to. Sino makapagsasabi na sobrang unorganized nya... Sa bahay naka-jogging pants lang at napaka-kalat... Pero sa opisina, parang taga ibang planeta.
Work mode on lang ang buong araw -- asikaso ng kaliwa't kanan na projects. Halos sabay lang sila nang makauwi ng bahay dahil sa trapik. Kanya-kanyang buhay. Ni-microwave ni Rob ang leftover food from last night at si Alex naman ay okay na sa take-away chinese food na binili nya along the way.
At from Rule #3, 8pm is Alex's TV time. At this same time, Rob goes to his room to read and reply to emails. After ng teleserye, nagtambay si Alex sa may porch drinking ginger beer while polishing her dream house plate in autocad. She then suddenly fell asleep. Paglabas ni Rob ng kwarto para kumuha ng baso ng tubig~~
Rob: *malapit sa tenga ni Alex* Lagi ka bang natutulog sa porch? Wala ka bang kwarto?!
Napabalikwas si Alex sa pagkagulat, took all her stuff and went to her room.
BINABASA MO ANG
You Are The One
RomanceLuck was not on Alex's side. After recently losing her Dad and her job, on Valentine's day when she tried to surprise her boyfriend, AJ, she was the one surprised finding him sleeping with another woman. Meanwhile, Rob has it all -- a good family...