Ch18: Watta Weekend Part 1

111 2 0
                                        

Mid-week, nakareceive ng importanteng tawag si Alex~~

Ate Sally: Huy, pinapatanong ni Nanay kung nakabili ka na daw ba ng ticket pauwi?

Alex: Ahhh hindi pa. Busy kasi sa work, inde ako makaalis ng lunch time para magpunta sa ticketing office. Baka naman pede ung wag na bumili ng advance ticket.

Ate Sally: Pyesta kaya!

Alex: Kelan?

Ate Sally: Sa Sabado na!

Alex: O sige bukas susubukan ko bumili.

Ate Sally: Wag mo subukan, gawin mo! Umuwi ka! Magagalit si Nanay!

Alex: Oo, pramis! Me papabili pala kayo?

Ate Sally: Si Nanay gusto ko nung Neri's bottled tuyo, bilhan mo raw siya.

Alex: O sige titingin ako bukas. Kaw may papabili ka?

Ate Sally: Hanapan mokong bag bunso.

Alex: Anung klase?

Ate Sally: Yung maliit na buddy bag, para pag nangolekta ako sa palengke -- kasya bolpen, notebook at perang panukli

Alex: Okay.

Ate Sally: O sige na, mawawalan nako ng load. Itext mo sakin kapag nakakuha kang ticket.

Alex: Oo na.

Ate Sally: Bye.

Alex: Babay.

...

...

...

...

Kinabukasan~~

Alex: Ton, samahan mo naman ako sa Market-Market

Anton: Bakit? Anmeron?

Alex: Me pinabibili sina Nanay at Ate. Saka check ko kung may ticket pa-Nueva Ecija

Anton: Uwi ka?

Alex: Oo, this Friday after work.

Anton: Me something ba?

Alex: Pyesta pala. Gusto ni Nanay umuwi ako. Ikaw, sama ka ba?

Anton: Naku, cannot be ako girl. May lakad kami ni Luke this weekend.

Alex: Hala, todo ang rampa!!!

Matapos mabili lahat ni Alex ang bilin ng Nanay at ni Ate Sally, ay pumila naman sila sa ticketing office. Nataon na wala ng byahe sa oras na gusto ni Alex at Sabado nang tanghali na ang susunod na schedule. Pagkabalik ng opisina ay sinubukan din nyang tawagan ang bus companies sa Cubao para magtanong pero fully-booked na ang mga byahe. Hindi ngayon malaman ni Alex anung gagawin kaya nakatulala lang sya sa desk nang buong hapon. Pinatawag ni Rob si Anton sa office nya~~

Rob: What's happening outside? May problema ba kayo ni Alex?

Anton: Ahhh, need kasi nyang umuwi Nueva Ecija pero fully-booked na lahat ng byahe. Yung susunod naman, sabado na ng tanghali. Too late...

Rob: Too late for what?

Anton: Ahhh pyesta kasi. Yung parokya nila ang toka sa prusisyon and all.

Rob: Can she hire a van or car to take her there?

Anton: Ayyy mahalia yang iniisip mo Rob. Pero nag-iisip naman sya ng way. Pede kasi siya mag-Pampanga tapos from there take another bus or FX. Sana lang meron available.

You Are The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon