Alas-singko ng umaga, nagsisimula nang lumiwanag. Nagising si Rob sa mga tilaok ng tandang. Napansin niyang may ilaw na sa labas at mukhang gising na ang pamilya.
Rob: Good morning po.
Nanay: Ahh Rob, nakatulog ka bang mabuti hijo?
Rob: Opo.
Nanay: Hindi ka ba nilamok?
Rob: Inde naman po. Mukhang napasarap nga po tulog ko, inde ko napansin gising na kayo.
Nanay: Ah, nagsimula na kasi akong magluto ng toka namin para dalhin dun sa kainan mamaya sa basketball court.
Rob: May maitutulong po ba'ko.
Nanay: Magkape ka muna. E, nagkakape ka ba? Si Alexis kasi'y inde.
Rob: Opo, nagkakape ako.
Nanay: O sige, andun sa likod si Alex, nag-lilinis ng manok. Andun din ung mainit na tubig.
Rob: O sige po, ako nang bahala.
Lumabas si Rob from the front door at tinungo si Alex sa likod ng bahay habang minamasid-masid ang paligid - natanaw ang malaking puno na nilagyan ng swing at ang garden na puno ng kamatis, talong, okra at iba pang gulay sa bahay-kubo.
Rob: Hey...
Alex: Hey... Morning.
Rob: Morning...
Alex: Nag-breakfast ka na? May mainit na tubig dun sa takure na nasa ibabaw ng apoy. Ingat lang baka mainit. Andun ung coffee or milo sa may ibabaw ng mesa sa loob ng kusina. May pandesal din dun.
Rob: Ok.
Alex: Sensya na ah. Wala kaming full breakfast with eggs or pancakes.
Rob: Ok lang, I don't mind.
Nagtimpla ng kape si Rob at kumuha ng tinapay, lumabas uli at umupo sa bangko sa tapat ni Alex.
Rob: Anong ginagawa mo?
Alex: Ahhh, eeee, hindi ba obvious? Nag-lilinis ng manok?
Rob: Wait, can I try?
Alex: Ha?
Bago pa kumontra si Alex, hawak-hawak na ni Rob ang isang manok na nasa palanggana.
Alex: Hmmmm... Hatakin mo lang ung malalaking balahibo. Parang ganito~~ *demo*
Naputol ang kwentuhan at asaran ng dalawa over sa paglilinis ng manok when Nanay Sylvia eventually called the two.
Nanay: Oy Alex, Rob. Tapos na ba kayong dalawa diyan sa manok? Ipasok nyo na yan at maligo na kayong dalawa. Malapit na tayong pumunta sa prusisyon.
Alex: Mauna ka nang maligo, liligpit ko lang 'to.
Rob: Hmmmm.. Kasi..
Alex: Ano? Sumakit ba tiyan mo sa tubig? Naku! Bibili nalang ako ng bottled water mamaya~~
Rob: Hindi, okay lang ako.. Ano kasi e--
Alex: ...
Rob: I don't have extra clothes. I didn't expect to stay here kasi so I didn't bring any.
Alex: Ohhh, oo nga! I'll check if may damit akong kasya sa'yo?
Rob: What?! You will make me cross-dress?
BINABASA MO ANG
You Are The One
RomanceLuck was not on Alex's side. After recently losing her Dad and her job, on Valentine's day when she tried to surprise her boyfriend, AJ, she was the one surprised finding him sleeping with another woman. Meanwhile, Rob has it all -- a good family...
