Ch14: Almost Busted

107 4 0
                                    


Nagharap-harap sina Nanay Sylvia, Ate Sally, Alex at Rob. Nagsimulang mag-explain ang dalawa sa kung bakit sila magkasama sa iisang bahay at bandang huli, naintindihan naman nina Nanay at Ate Sal ang sitwasyon.

Alex: Kaya Nay, Teh, sikretong malupet to, okay?

Ate Sal: Pano si Anton?

Alex: Di niya alam.

Nanay: Naku kayong dalawa, mahirap itago ang lihim na ganito lalo na sa opisina. May makakakita at makakakita sa inyo.

Rob: Saka nalang po namin iisipin pag nangyari.

Ate Sal: Pero alam ng driver mo?

Rob: Oo, si Mang Nestor lang may alam

Pagtapos maliwanagan ang lahat at nasagot ang kanya-kanyang tanong, nagpaalam si Alex para magpaload sa convenient store sa labasan ng subdivision. Aalis rin sana si Rob para mag-grocery ng pwede maluto for lunch pero pinigilan siya ni Nanay Sylvia dahil marami silang dalang gulay, prutas at kakanin mula Nueva Ecija; nakabili ren sila ng buto-buto sa may palengke on the way. Kaya nanood na lang ng TV sina Ate Sally at Rob sa may sala habang nagsisimula nang magluto si Nanay~~

Nanay: Rob, hijo... asan ang patis nyo?

Rob: Ayy naubos na po kagabi.

Nanay: E sabihin mo nga ke Sally na itext si Alexis at bumili habang asa labas yung isang yun

Rob: Ako nalang po ang lalabas. Kelangan nyo na po ba ngayon na ngayon na?

Nanay: Kaya pa namang makapaghintay. O siya, sige at ikaw nalang ang bumili at hanapin mo kung san napadpad yung batang yun

Naabutan ni Rob si Alex mga ilang metro bago mag-convenient store~~

Rob: Huy, Alex... nakapagpaload ka na?

Alex: Hindi pa. Papunta palang ako dun. Nakipagkwentuhan pa kasi 'ko dun sa tindero ng taho. E ikaw bakit ka andito?

Rob: Ahh, pinapabili ako ng Nanay mo ng patis. Kelangan nya sa niluluto niya.

Alex: Bakit di mo nalang tinext sakin, marereceive ko naman~~

Pagpasok ng convenient store, inabot ni Alex kay Rob ang 500 pesos at isang piraso ng papel na may number nya at inutusan itong pa-load-an ng 300, habang siya nalang ang kukuha ng patis. Pagtapos magbayad ay ibinulsa ang sukli habang hinihintay si Alex sa labas ng tindahan.

Rob: Eto sukli mo.

Alex: Salamat.

Rob: Bakit hindi ka magpa-line.

Alex: Mahal

Rob: Meron naman ata ung pinakamurang line. Para hindi ka nawawalan ng load. What if need sa work na on phone ka nang matagal

Alex: Di pa naman nangyayari e, so keri lang ang prepaid.

...

...

...

Nang matapos maluto ni Nanay ang sinigang na buto-buto ng baboy, ay naisipang sa may bench nalang sa garden sila kumain dahil medyo maliit ang mesa sa kusina para sa apat.

Rob: Wow, ang sarap po neto! Antagal ko nang di nakakakain ng sinigang.

Nanay: *smiles* Anung paborito mong mga pagkain hijo?

Rob: Sinigang po saka Kare-Kare

Nanay: Etong si Alex masarap din yang magluto, tamad lang.

You Are The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon