Chapter 2

70 7 2
                                    

~continuation

Dali dali akong nagpunta sa basketball court.

Malamang dahil basketball player siya. Guard siya ng team. 8 months na kami. Ni minsan ay di kami nag-aaway,syempre may tampuhan,pero di namin pinapalaki para walang gulo.

Si Jacob,siya yung tipo ng lalaking hinahangaan ng mga kababaihan kaya hindi na bago sakin kung maraming naghahabol sa kanya at may nang aaway sakin dahil naiinggit sila. Ang haba ng hair ko diba?

So let's get back to reality. Nandito na nga ako sa basketball court pero walang Jacob ang nadatnan ko dun. Ni anino niya ay wala.

"Hays,saan ko pa ba siya hahanapin?"mahinang sambit ko habang inaabala ng mata ko ang paghagilap ng boyfriend kong miss na miss ko na.

"Miss Blue!"narinig kong tawag sakin kaya nilingon ko kung sino.

Kateam mate 'to ni Jacob e.

Good thing para matanong ko kung nasaan na siya.

Patakbo itong lumapit sa akin.

"Si Jacob ba hinahanap mo?"tanong ng lalaki.

Malamang diba? Alangan naman ang bola ang hinahanap ko? Tsk! Kaloka!(sa isip-isip ko.)

I smiled at him and nod.

"Andun siya sa may locker room. Goodluck."sabi nito na may makahulugang ngisi.

Kahit hindi ko siya maintindihan ay tumango ako at nag thank you sa kanya.

Hays! May tama ata sa utak yun e! Para saan ang goodluck na yun?

Parang nae excite na kinakabahan ako. Yieee baka may surprise sakin ang Bf ko kung ganun.

Ngiting-ngiti akong naglakad patungong locker room. Excited na akong makita ang Bf ko. Ilang raw rin kaming di nagkakausap e kaya miss na miss ko na siya.

Malapit na ako sa locker room nila. Nakita kong nakaawang ng konti ang pintuan.

Papasok na sana ako ng may narinig ako...

"No...no.." mahina kong sambit habang napapailing ako sa narinig ko
.
.
.

"Jacob naman! Kailan mo ba sasabihin kay Blue!"

"Baby! Sorry! Oo hahanap ako ng tyempo. Promise!"malambing na sabi ni jacob sa babaeng kasama niya sa loob.

Pailing akong napaatras.

Ano 'to? Hindi totoo ang narinig ko diba? Sabihin niyong hindi totoo.

Naramdaman ko na lang na nag-uunahang tumulo ang mga luha sa pisngi ko.

No! Hindi! Hindi kayang gawin ni Jacob yun! Mahal niya ako e! Kaya hindi totoo ang naririnig ko.
Baka ibang Jacob yun.

Mahal ako ni Jacob,hindi niya magagawa yun.
(Paulit-ulit kong sambit sa utak ko. Ayokong maniwala.)

I decided to enter the room. Gusto kong malaman kung si Jacob nga yun.

Pinahiran ko ang mga luha sa pisngi ko at huminga ng malalim.

Habang papalapit ulit ako sa room na yun. Abot langit ang kaba ko na di ko maintindihan. Natatakot ako na si Jacob yun. Natatakot akong malaman ang totoo dahil hindi ko alam kung kakayanin ko ba at tatanggapin kung sakaling totoo man.

Sinikap kong ayusin ang sarili ko. Yung hindi mahahalata na narinig ko ang pag-uusap nila. At tinuyo ang basa kong pisngi.

I managed to smile before i open the door..

Then there...

Parang may bombang sumabog sa harapan ko na hindi ko naiwasang masaktan.

Pati sila ay napahiwalay sa paghahalikan nila!

Mga hayop!

Gusto ko mang umiyak pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Ayokong umiyak sa harapan nila. Ayokong mag mukhang kawawa.

Pareho silang gulat na gulat na nakatingin sakin.

Kahit nasasaktan ako ng sobra,pinilit ko pa ring ngumiti sa kanila na para bang hindi ako naaapektuhan sa nakita ko.

Pero sa totoo lang at sa loob ko parang kinakatay na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

"Wow! Nakakaistorbo ba ako?"pilit akong ngumiti.

Kahit gusto ko na silang sugurin at saktan. No..not now. Darating din ang oras na magagawa ko rin yun. I swear.😏

Akmang lalapit si Jacob sakin ng umatras ako at hinarang ang kamay ko para di siya lumapit..

Di ba niya nakikitang nasasaktan ako? Deputa!

"No! Stop right there..don't come near me." Sabi ko sa kanya habang nandidiri akong napatitig sa kanya.

How could you do this to me Jacob!(gusto ko sana yung isumbat pero pinipigilan ako ng pride ko)

"Please..let me explain."sabi ni Jacob na parang nagmamakaawa na pagbigyan ko siyang magpaliwanag.

Tinaasan ko siya ng kilay at taas noong tumingin sa kanya.

"Explain what Jacob? What i saw earlier already explains everything! So why should i bother myself hearing your damn explaination!"may diin kong sabi sa kanya.

Alam.kong nakikita niya ang galit sa mga mata ko.

Hayop kayo! Manloloko!

Kahit gusto ko yung isigaw sa harap niya ng malaman niya ang sakit na dinulot niya sakin.

Tumungo siya.

"I'm sorry.."nakatungong sabi niya.

Nawalang ng emosyon ang mukha kong nakatingin sa kanya. That two words,kill the hell out of me. Hindi lang puso ko ang inapakan niya kundi ang pride ko.

Sobrang sakit! Parang pinagpipiraso piraso neto ang puso ko sa sakit!

Minahal ko siya! Oo! May pagkukulang din ako sa kanya bilang nobya dahil busy ako sa studies ko! Pero mahal ko siya! Minahal ko siya!

Nagawa ko pang magsinungaling at labagin ang rules ng mga kuya ko dahil sa mahal ko nga siya!

Pero ito lang ang igagante niya sakin?

Tinitigan ko siya ng matiim.

"You know what Jacob? Saved it! I don't need your sorry!" At saka ako tumalikod at aalis na sana ng may naalala ako.

I faced them halfway. At ngumiti.

"Thanks for this Jacob,i just realized some things by now.."pabitin kong sabi at binalingan ng tingin ang babaeng kahalikan niya kanina.

"..i realized that..you don't deserved me. You know why?"tiningnan ko muna si Jacob pagkatapos tiningnan ko naman ang babae mula ulo hanggang paa.

"..because i am too beautiful and good to be yours." I give them a smirked.

Iniwan ko silang dalawa ng nakanganga.

Oo nasasaktan ako pero,mas nag uumapaw ang galit sa dibdib ko. Wala akong oras na magmukmok,kailangan kong ipakita kay Jacob ang pagkakamali niyang saktan ako.😏

#TapangBlue
~nakakatanga talaga ang pagmamahal. Hahaha,kaya kayo ah,hinay hinay lang.😉

CHEER LEADER MEETS THE MVPWhere stories live. Discover now