....
"Ayss! Ewan ko sayo! Di ko alam kung totoong matalino ka ba talaga o sadyang tanga ka lang Blue!"
Napairap nalang ako.
Kanina pa niya akong sinesermonan. I told her everything. Mula sa simula hanggang sa huli ng kwento ay sinabi ko.
Gusto ko na ngang magtampo kasi hindi nila ako kinakampihan! Pati ang mga Kuya ko.
Eh wala naman akong ginawa ah! Si Zayn nga ang nanakit sakin eh. Siya ang pumutol. -___-
"Ano pa bang signs ang hinihintay mo? Kitang kita naman na totoong mahal ka niya eh!"inis niyang sabi at niyuyogyog ang balikat ko na tila nanggigigil siya at gusto niyang kitilin ang buhay ko.
Ang sweet nya lang na bestfriend. -__-
"Masasabi mo lang yan kasi hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko Jen."sabi ko at bumuntong hininga.
"Naiintindihan naman kita Blue e,ang sakin lang din naman..bakit hindi mo muna pinakinggan ang side ni Zayn."
Umirap ulit ako.
"Pinutol na nga niya di ba? Ano pa ba ang sasabihin niya? Ano pa bang explaination ang gusto niyang marinig ko?"sabi ko.
"Malay mo din diba? Puro ka kasi negative thoughts!"sabi niya sabay hampas sa braso ko.
Sakit nun ah!
"Sayo na nga nanggaling diba? The word 'malay mo'..you're not really sure too. May chance na masaktan ako. Kaya inunahan ko na."sabi ko ulit at tumingin sa mga estudyanteng pumapasok na sa gym para sa face-off.
"Ewan ko sayo babae ka!"sabi ni Jen na parang suko na talaga sa pangungumbinsi sakin na kausapin si Zayn.
"Masisisi mo ba ako kung bakit ako ganun? Masisisi mo ba akong natatakot na akong magtiwala?"nag-iinit na naman ang mga mata ko.
Pag kasi ganun,naaalala ko lahat ng nangyari sakin.
I heard Jen sighed and faced me.
"Yeah i know Blue,but there's nothing wrong to open your heart again."mahinahon na sabi niya sakin.
"For what? For another pain? Ayoko na Jen,natatakot na ako."tumulo na talaga ang luha ko. Kaya umusod siya para yakapin ako.
"Sshhh,i understand you. Pero sana alalahanin mong hindi lahat ng tao ay pareho. Alam kong natatakot kang tuluyang papasukin si Zayn sa buhay mo dahil sa ginawa ni Jacob sayo.."humiwalay siya at saka tiningnan ako sa mata.
"..wag mong ikumpara ang ibang tao kay Jacob,Blue. Oo,pareho silang lalaki pero magkaiba ang pagkatao nilang dalawa."
"..you can't describe Zayn by comparing him to what Jacob did to you. Kasi nga magkaiba sila."
I sighed. Tama si Jen,magkaiba nga sila. Pero hindi ko pa rin maiiwasang matakot.
Sa ngayon talaga ayoko pa.
"Sorry Jen.."sabi ko at tumungo.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at pinatong niya ang kamay niya sa balikat ko.
"I understand Blue,siguro hindi ka pa talaga handa sa ngayon. Pero sana wag dumating ang araw na magsisi ka."
Inangat ko ang mukha ko at nakita ko ang pagngiti ni Jen sakin pero may lungkot sa mga mata niya.
Sorry Jen..alam kong iniisip mo lang ako. Pero ayokong pilitin ang sarili lalo pa't alam ko naman na hindi pa talaga ako handa.
"Sige na,pupunta na ako sa mga kasamahan ko Jen. Kita nalang tayo pagkatapos ng laro."nakangiti kong sabi at nakipagbeso na sa kanya bago tumalikod paalis.

ŞİMDİ OKUDUĞUN
CHEER LEADER MEETS THE MVP
Genel KurguLove can hurt...everybody knows that. But the thing is.. Are you going to stop and close your heart just because you're scared of being hurt again? Or? Are you willing to take the risk ,open you heart and ready to fall in love again? Are you still b...