Chapter 21

48 6 0
                                    

.....

"..we have to end this game."

Tila bigla akong nabingi. Ang tanging nag e echo lang sa pandinig ay yung sinabi niya.

Shit! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?

Parang namanhid ang buong katawan ko. Bakit ganito? Alam ko namang peke lang 'to. Alam kong laro lang to. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

(Laro lang ba talaga ang tingin mo?)

Hays,siguro nabigla lang ako. Hindi ko inakala na ganito kaaga.

Aga? Matagal tagal rin ang relasyo- este pekeng relasyon namin.

Nanumbalik lang ako sa realidad ng naramdaman ko ang pagpunas niya gamit ang kanyang kamay ng luhang tumulo galing sa mga mata ko.

Shit! Umiyak ako.

"Hey,why are you crying?"he asked while looking at me as if he care for me...as if..

..he Loves me.

Parang may karayom na tumusok sa puso ko. Ngayon alam ko na. Umasa pala ako.

Umasa ako na may nararamdaman siya para sakin. At ngayon ko lang napagtanto na unti-unti na pala akong nahuhulog kay Zayn.

Nagpakatanga na naman ako sa pangalawang pagkakataon.

Mapakla akong tumawa sa isip ko.

Shit! Mas masakit pa ito sa naranasan ko kay Jacob.

"A-ah eh,napuwing lang a-ako."takte! Anong palusot yun Blue!

Mahina akong napamura sa isip ko dahil sa ginawa kong pagsisinungaling.

Tama na..tama na 'to. Ayoko nang masaktan ng sobra!

Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko ang sarili ko. Pinilit kong ngumiti para di mahalata na nasasaktan at sobrang apektado ako.

"Hey,bab-"i cut him.

"Sige na,aalis na ako Zayn. Baka hinahanap na ako ng mga Kuya ko.

"Baby,hear me out firs-"i cut him again. He looks like begging me to listen first. But all i want to do is to escape from the pain that im feelin' right at this moment. Gusto ko ng umalis baka di ko makayanan at bumigay pa ako sa harapan niya.

Bakit ganito kasakit ang nararamdaman ko ngayon? Wala naman talagang kami e! Ako ang mali! Ako ang umasa!

Kaya titigilan ko na to habang maaga pa.

Pero shit! Maaga pa pero sobra ang sakit na nararamdaman ko. Mas masakit pa sa naranasan ko kay Jacob noon.

Tama na.. T^T

"M-mag-ingat ka pauwi."sabi ko at bago pa tumulo ang nagbabadyang luha ko ay tumalikod na ako at naglakad paalis.

May sinasabi pa siya pero di ko na narinig dahil tila wala ako sa sarili habang palabas sa gym.

Naguguluhan ako habang inaalala ang mga araw na magkasama kami.

Parang totoo lahat.

Kapag magkasama kami,di ko naiisip na peke lang pala ang relasyon namin.

Lahat ay parang totoo. Yung mga ginagawa niya para sakin. Yung pagiging sweet niya. Ang pagdala niya sakin sa mga romantic places. Akala ko totoo ang lahat ng yun.

Pero 'akala ko' lang pala.

Masakit...

Umasa ako kahit konti. Inaamin ko na yun ngayon.

CHEER LEADER MEETS THE MVPDonde viven las historias. Descúbrelo ahora