....
Dumating na lang ang uwian ay di ko nakita si Zayn. Kahit mga kasamahan niya sa basketball team ay di din alam kung asan si Zayn. Hindi rin daw nagpractice.
Shit! Asan ba kasi siya. I want to talk to him.
"Miss Blue,ah-eh ahm.."lumingon ako kung sino yun kasi nakaharap ako sa field.
Di ko 'to kilala e. Pero familiar na yung mukha niya di ko lang matandaan kung saan.
"..pinatawag ka sa d-dun s-sa basketball court."
Itatanong ko sana kung sino pero kumaripas na ito ng takbo. I am wondering kung bakit nauutal siya na parang kinakabahan na ano.
Hays,sino ba kasi yun. E ba't ako pa ang papupuntahin dun? Wow ha! Kainis!
Naglalakad na ako patungo sa Gym ng school kung nasaan ang basketball court. Medyo malayo rin yun mula sa field. Tsk!
May nakikita pa akong mga estudyante pero konti na lang. Gusto ko rin naman ng umuwi e,kaso pumunta pa ako sa SSG department para sa meeting para sa gagawin bukas bago mag start ang face off ng Green at Red team,pinauna ko na nga lang si Jen umuwi kasi baka matatagalan pa ako. Tapos dumating pa yung taong yun ngayon! Bwesit lang e. Siguraduhin niya lang na importante 'to. -_____- Ayokong nagsasayang ng oras sa mga walang kwentang bagay.
Tinext ko na lang si Jen na pupunta pa ako sa Gym. Baka kasi mag alala pa yun. Nagreply naman siya at tinanong kung sino ang kasama ko. Kaso nasa Gym na ako kaya inilagay ko na lang ang phone ko sa coat uniform ko.
Hays! Wala namang tao e.! Pinagloloko ba ako ng hinayupak na yun? Medyo madilim na ang loob ng gym. Nakapatay ang ibang ilaw sa loob maliban sa isang ilaw malapit sa exit area which is yun lang ang nagbibigay liwanag sa loob.
Tangina! Pag yung lalaking yun nakita ko ulit lagot talaga siya sakin! -_____-
Pipihit na sana ako patalikod nang may narinig ako tumikhim. Gamit ang mic?
Yun ang narinig ko e. Anong trip 'to? Magdidilim na oh! Baka naman minumulto na ako. Waahhh no!
This time,kakaripas na sana ako ng takbo ng biglang naging maliwanag ang loob ng Gym. Naka on lahat nang ilaw kaya inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid.
Pinaglalaruan ba ako? Arghh!
Pagnalaman ko kung sino may pasimuno nito! Maghukay na siya para sa libingan niya! Pucha! Nakahithit ba yun ng katol? Takas sa mental? -______-
Natigil lang ako sa pagdada sa utak ko nang may nagsilabasang christmas tre--este mga tao pala.
0_o
Members 'to ng cheering squad ah! Anong ginagawa nila dito? Uwian na ah? At bakit parang may tinatago silang lahat sa likuran nila?
At teka? Bakit papalapit silang lahat sakin?
Last time i checked wala akong naging atraso sa kanila e. Huhuhu teka lang naman. Iniisip ko pa kung may nagawan ba akong mali sa isa sa kanila.
Pero nabigla nalang ako ng isa-isa silang nag-abot ng pulang rosas sakin.
Sa bilang ko ay walo sila lahat.
Di ko napigilang magtanong sa pang-apat na nag abot ng rosas.
"Who's responsible to this?"walang emosyong tanong ko.
Pero nginitian lang ako ng pinagtanungan ko.
Argghh! Nakakainis na ah! Baka hindi naman para sakin 'to! At isa pa! Sino namang mag uutos na bigyan ako ng mga ganito? Tsk! Kaembyerna ah! -_______-

YOU ARE READING
CHEER LEADER MEETS THE MVP
General FictionLove can hurt...everybody knows that. But the thing is.. Are you going to stop and close your heart just because you're scared of being hurt again? Or? Are you willing to take the risk ,open you heart and ready to fall in love again? Are you still b...