Kinabukasan..habang pababa na ako ng hagdan ay nakita ko si Kuya sa baba at parang hinihintay niya ako.Nang maramdaman niya ang presensya ko ay tiningnan niya ako ng matiim,parang sinusuri niya ako.
"What's with that look,brother?"pairap kong sabi.
Imbes na sagutin ako sa tanong ko ay iba ang sinabi niya na nakakapagputla sakin.
"You broke our rule lady!"may diing sabi ni Kuya at galit na tiningnan ako.
Bigla akong namutla at di ko maigalaw ang mga paa ko.
Paanong nalaman ni Kuya Z yun?
Oh my God! Have mercy on me.
Dasal ko nang makita ang galit na galit na si Kuya Z. Di ko alam ang isasagot ko. Dahil nagi guilty ako.
Dumating na rin ang kinakatakutan ko. Anong gagawin ni Kuya sakin? Ikukulong niya ako dito sa bahay? Maga grounded ba ako? Walang kotse? Walang credit cards? GOD wag naman sana.
Tumalikod sakin si Kuya Z at humakbang paalis pero tumigil ito and he faced me half way.
"Your Kuya X is on the way. Prepare your self younglady!"malamig pa sa yelong sabi ni Kuya Z.
No!
No!
Si Kuya X..papanong? Bakit nila nalaman?
Hanggang makarating ako sa school ay yun pa rin ang iniisip ko. Tulala ako..di ko man lang alintana ang nangyayari sa paligid ko. May naririnig akong tumatawag saakin at bumabati ng magandang araw pero wala lang sakin.
Natatakot ako..natatakot ako baka kung anong gawin nina Kuya Z at Kuya X kay Jacob.
*Blaaaggg
Napangiwi ako ng may nabunggo ako at napaupo ako sa sahig.
Dun na lang akong nagising sa realidad. Nakita ko na may napapatingin sa akin at napasinghap ng mapaupo ako. May nagtatanong kung okay lang ba ako.
Di ko lang sila sinagot at tumayo na ako.
"So? Andito na ang babaeng malandi!"
Nag angat ako ng tingin ng makatayo ako para tingnan yung nakabangga ko..at sa pagkamalas-malas ng araw ko? Dumagdag pa ang bruhang si Rufa. At ano? Malandi? Says who?
Tinaasan ko siya ng kilay. Alam kong sinadya lang niyang bungguin ako. Tss whatever!
"Malandi? Are you reffering to your self whore?"malditang saad ko at tinaasan ko pa rin siya ng kilay at tiningnan mula paa hanggang ulo.
Pinaningkitan niya ako ng mata. Halatang inis na inis na.
"Bakit? Hindi ba?"naiinis na balik niyang tanong sakin.
Natawa ako bago nagsalita. Tangnang babae to e. Patawa lang.
"Last time i checked,wala akong inagaw na boyfriend. So? Pa check sa sarili mo kung nagawa mo na yun?"sarkastiko kong sabi.
Gigil niya akong tiningnan at kulang nalang ay sugurin niya ako pero pinigilan siya ng isa sa alepores niya.
"HINDI BA! E BAKIT NAKIPAGBREAK SAKIN SI JACOB! IBIG SABIHIN INAGAW MO SIYA ULIT!"nagsisisigaw na si Rufa. Di man lang siya nahiya.
Tss sabagay,kapal naman kasi ng mukha ng babaeng 'to.😏
So nakipagbreak pala si Jacob? Hahaha lol! Paki ko naman?
"So? Kasalanan ko pang nakipag break siya sayo?"pataray kong saad na parang wala lang sakin ang sinabi niya.
"OO! OO! KASALANAN MO TO BRUHA KA!"
Nginitian ko siya ng pagkaaaatamis tamis.
"Bakit ko naging kasalanan yun? Kasalanan ko bang ako pa rin ang hinahanap-hanap niya? Kasalanan ko bang ako pa rin ang gusto niya? Kasalanan ko bang ako pa rin ang mahal niya?"nakataas kong kilay na sabi.
Hahaha at ang mukha ni Rufa ay di na maipinta dahil sa inis.
"WALANG HIYA KA TALAGA! AKO ANG MAHAL NIYA! AKO ANG MAHAL NI JACOB! NAGHAHABOL KA LANG KASI! WALANG HIYA KA!"sigaw niya ulit.
"Ows talaga? Ikaw ang mahal niya? E bakit siya nakipag-usap sakin kahapon at nagmakaawang balikan ko siya?"nang aasar kong sabi na mas lalong kinagalit niya.
"HINDI YAN TOTOO! AKO LANG! AKO LANG ANG GUSTO AT MAHAL NIYA!"naririndi na talaga ako sa kakasigaw niya.
"But don't worry Rufa,kahit magmakaawa pa siya sakin habang buhay ay di ko na siya tatanggapin pa. Kaya wag kang mag alala,sayong-sayo na siya."nakangiting sabi ko.
"At tsaka,paki bantayan yang si Jacob ha? Para di na sunod ng sunod sakin."sabi ko at nginitian ng sobrang tamis kaya di na siya nakapagpigil at susugurin na niya ako.
Pumikit na lang ako at hinintay na may dumapo sa mukha ko o sasabunot sakin.
Pero pagsinghap lang ang narinig ko at walang dumapo kahit na ano sakin kaya nagmulat ako ng mata.
Ganun nalang ang paglaki ng mata ko sa nakita ko.
.....
~to be continued
DU LIEST GERADE
CHEER LEADER MEETS THE MVP
Aktuelle LiteraturLove can hurt...everybody knows that. But the thing is.. Are you going to stop and close your heart just because you're scared of being hurt again? Or? Are you willing to take the risk ,open you heart and ready to fall in love again? Are you still b...