Nakatapos na ako ng kain at lahat,hindi pa rin umiimik si Zayn. Di ko alam kung bakit. Hays."Tahimik mo.."sabi ko
"May iniisip lang.."tipid niyang sagot.
Hindi ako sanay na ganito siya. Sa ilang linggo ng pekeng relasyon namin,hindi ko pa siya nakikitang ganito ka seryoso.
"Mind sharing it to me? But if not,it's okay Zayn,no hard feeling tho."sabi ko na lang kahit gusto ko talaga malaman kung ano ang bumabagabag sa kanya.
Hindi siya sumagot bagkus ay tumingin siya sa malayo. Nasa rooftop kami ng isang expensive restaurant. Niyaya niya kasi ako e,tsaka weekends naman at wala akong ginagawa.
Pinagmamasdan ko siya habang malayo ang tingin at parang ang lamim ng iniisip niya. At hindu din nakaligtas sa mga mata ko ang napakagwapo niyang mukha. Yung perfect nose,yung jawline niya at kissable lips.
Nag-init ang pisngi ko ng maalala yung first time na hinalikan niya ako. Waaahh,ayoko na! Ano ba 'tong iniisip ko.😣
Pero shucks! Bakit ang gwapo ng ungas na 'to. Asan ang hustisya? Baka naman anak 'to ni Zeus o di kaya ay ni Apollo? Woah,anak siya ng greek God. hahaha
Hays ano bang nangyayari sakin.
"Baka naman matunaw na ako nyan."sabi niya ng nakangiti.
Im sure ang pula na ng pisngi ko. Waaahhh
"Ang hangin mo! Alam mo yun!"galit-galitan kong sabi. Pampawala ng hiya. Hahaha
"You find me handsome? C'mon babe,there's nothing wrong to tell the truth."he grinned from ear to ear.
Ayst,ano bang ginagawa mo sakin ha Zayn? Yung "BABE" talaga e. Para tuloy nagmamarathon yung puso ko sa lakas ng tibok.
Inirapan ko na lang siya at uminom ng juice.
"Pangit mo nga e!"pagsisinungaling ko.
"Lying is bad baby,you should know that."sabi niya at pinisil ang cheeks ko.
Oo na gwapo nga siya.
Lord forgive me for lying. Eh sa nahihiya ako e. Alangan naman sabihin ko na 'oo sobrang gwapo mo Zayn,at sa kagwapuhan mo,lumuwag ang garter ng panty ko.' Sheyms lang diba? Ang landi ng dating ng pinagsasabi ng utak ko.
Di naman ako ganito noon e. Sa kanya lang talaga. Hays.
Remember BLUE,peke lang 'to! PEKE!
Nagpakawala ako ng buntong hininga.
Kaya napatitig sakin si Zayn,na parang nagtatanong ang mga mata niya kung may problema ba ako.I just smiled at him. This is just a physical attraction,i know. Naa attract lang ako sa kagwapuhan niya,no less,no more. Hanggang dun lang yun.
Hanggang ngayon kasi nasasaktan pa rin ako. Naaalala ko lang lagi si Jacob,lalo na kapag mag-isa lang ako. At isa pa,pareho lang kami ng University. Syempre diba? We've been 8 months din ang relasyon namin,matagal din yun compare sa ibang relasyon sa panahon ngayon. Di naman agad-agad mawawala ang feelings pagkatapos magbreak diba? Yun nga lang,mas lamang na ang galit na nararamdaman ko. Kung ikaw kaya ang lokohin diba?
"You really okay?"
Napapitlag ako ng nagsalita si Zayn.
Hays,napalalim 'ata ang pag-iisip ko.
Makakalimutan din kita Jacob. As soon as possible. Swear on heaven,i'll move on.😏
"Yeah i'm fine,so?..saan na tayo pagkatapos neto?"tanong ko.
Ngumiti siya nang parang may naisip na na maganda. Tumayo siya at kinuha ang kamay ko at hinila paalis.
Sheyt! Ramdam niyo ba? Sabihin niyo? Ramdam niyo ba ang tibok ng puso ko habang hawak niya ang kamay ko?(akala ko physical attraction lang,blue?)
Hays,ewan!
"Uy! Gago! Saan mo ba ako dadalhin?"pagalit kong tanong.
"Stop talking,just follow me."sabi niya habang hila-hila parin niya ako patungong terminal ng jeep.
As in? Magje-jeep?
Alam niya pala ang ganito?
Third time ko na rin 'to.
Ako yung una niyang pinapasok,at sakto dalawa na lang ang bakanteng upuan sa may malapit sa pintuan. At syempre ako yung unang sumakay kaya bale kapag nakasakay na si Zayn,mula sa pinto ako yung pangalawa tapos yung pangatlo na katabi ko ay lalaki.
Nang nakapasok na siya,tiningnan niya kung sino yung katabi ko. Bigla nalang naging blanko ang ekspresyon ng mukha niya,di ko alam kung bakit.
"Baby! Ako dyan."seryoso niyang sabi habang ang mata niya ay nakatingin sa lalaking katabi ko.
"Bakit? Pwede naman na dito lang ako e. Ano bang meron?"tanong ko.
Pero wala talaga e. Hinila niya ako patayo at siya ang umupo sa inupuan ko.
I have no choice. Kaya sumunod na lang ako. Hay naku! Anyare ba sa ungas na'to?
Pagkaupo ko..
"Stop staring at my woman!"
Napatingin na lang ako ng wala sa oras kay Zayn at sa mga pasahero na nandun.
Nakita ko ang pagngiwi ng lalaking katabi ko kanina.
Luhh! Anong nangyayari?
Bigla nalang akong napatingin sa pinagsiklop naming kamay ni Zayn.
Yung totoo? Nagseselos ba siya? Wala naman 'atang ginagawa si Kuya ah!
Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at bumulong.
"Anong problema mo?"tanong ko. Pero umingos lang siya na parang iritang-irita talaga e.
Naramdaman ko nalang ng paghigpit ng pagkahawak niya sa kamay ko.
OMG!
I kennat!😂😂

DU LIEST GERADE
CHEER LEADER MEETS THE MVP
Aktuelle LiteraturLove can hurt...everybody knows that. But the thing is.. Are you going to stop and close your heart just because you're scared of being hurt again? Or? Are you willing to take the risk ,open you heart and ready to fall in love again? Are you still b...