Chapter 16

65 8 4
                                    


...

"K-kuya.."mahina kong sambit habang nakatungo at abot langit ng kaba na nararamdaman ko lalo pa't nasa harap ko ang dalawang kuya ko.

Walang emosyon na makikita sa mukha nila. At alam kong galit talaga sila.😢

This is what love can do! Shit! At sa maling tao pa. Tsk! Damn you Jacob for putting me on this damn situation. I'll screw you to hell!

"What did you do to us?"malamig pa sa yelong tanong ni Kuya X sakin.

Alam kong alam na niya ang ginawa ko pero tinanong pa niya. Ganyan yan sila kuya,gusto nila na sa mismong bibig mo talaga manggaling ang lahat.

Tumungo ako na parang tuta na pinagalitan sa amo niya.

Naalala ko ang sinabi ni Zayn kanina.

Nagsinungaling ako sa mga kapatid ko at alam kong masakit sa kanila yun.

And it's damn too late for that regrets thingy. I already did it,i'd already lied to them.

Dahil sa walang kwentang lalaki nakagawa ako ng kasalanan sa mga Kuya ko. Punyeta ka talaga Jacob!

Hays..

"I-i'm sorry.."sobrang hina kong sabi. Parang walang lakas ang tuhod ko dahil sa kaba.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ng mga kuya ko sakin. Baka ipatransfer nila ako sa Spain. At ayoko sa ediyang yun.

"That's not what i want to hear from you lady!"

Napapikit ako sa kaba dahil sa tono ng pananalita ni kuya Z. Sobrang lamig.

Nanunubig na ang mata ko. Ayokong magalit ang mga kuya ko sakin. Nasasaktan ako.

"I-i l-lied..i b-broke your rule. I'm sorry kuya."this time inangat ko na ang ulo ko at tiningnan sila.

"HOW LONG? HOW LONG YOU'RE PLANNING TO HIDE IT TO US? HUH? HOW LONG YOUNGLADY?"umalingaw-ngaw ang galit na boses ni kuya Z.

Di ko na mapigilan ang paghikbi ko. Tinakpan ko ang mukha ko sa dalawa kong palad.

Ramdam kong nasasaktan ang mga kuya ko. Ang engot ko talaga! Ba't ba ako nagpadala sa nararamdaman ko kay Jacob?😢

"WHY? WE GAVE EVERYTHING TO YOU BLUE! AT ISA LANG NAMAN ANG HINIHINGI NAMING KAPALIT! AT NAKABUBUTI DIN NAMAN YUN SAYO! WE'RE JUST THINKING AND CARE FOR YOU! SEE WHAT HAPPENED? THAT BASTARD HURT YOU!"namumula na ang mukha ni Kuya X.

At ako ay patuloy lang sa pag-iyak.

"THAT'S THE REASON WHY WE DON'T WANT YOU TO ENTER THAT KIND OF THING! BEACUSE WE'RE SCARED THAT YOU MIGHT GET HURT! AND IT HAPPENS NOW!"mapait na napatawa si Kuya X sa huling sinabi niya.

I know...i know that they only care for me. At yun ang napakalaking pagkakamali na ginawa ko. Ang labagin at saktan ang kuya ko.

"YOU KNOW WHAT? WE FEEL LIKE WE'RE IRRESPONSIBLE BROTHERS TO YOU. DI KA NAMIN NABANTAYAN NG MAAYOS! F*CK THIS!"sinipa ni Kuya X ang gilid ng sofa dahil sa galit na naramdaman niya.

Hindi yun totoo. Mabuti silang kapatid sakin. Mahal na mahal nila ako. Ako yung may mali ako yung dahilan kung bakit ganun ang nararamdaman ng mga kuya ko ngayon. Akala nila naging iresponsable sila dahil sa ginawa ko!

Gusto kong kutusan ang sarili ko. Ang gaga-gaga mo Blue!

Ngayon mas naiintindihan ko na sila.

Narinig ko ang sunod-sunod na mura ni Kuya X at saka mabibigat na hakbang na tumalikod at umalis sa sala.

Wala akong ibang ginawa kundi humikbi. Wala na..nasira na ang tiwala ng mga kapatid ko sakin. At ang masaklap pa ay nasaktan ko sila,ako ang dahilan kung bakit pakiramdam nila nagkulang sila at naging irresponsable silang kapatid.

No..for me,they're perfect siblings. Walang kulang. Ako lang talaga ang mali.

Ano ng gagawin ko?

Naramdaman ko nalang na umuga ang couch na inupuan ko.

Tumabi pala sakin si Kuya Z.

Wala pa rin ang emosyon sa mukha neto.

"You understand why we act like this right?"

This time mahinahon na ang pagsasalita ni Kuya Z.

Tumango ako. Oo alam ko. Naging ganito sila dahil ayaw nila akong masaktan,pinoprotektahan lang nila ako dahil mahal nila ako.

"I've been there few times in my life Princess,that's why i promised to myself that as much as i can,i will protect you. Ayokong maranasan mo ang naranasan ko."

Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ng kuya ko ngayon habang sinasabi niya yun,he still can't move on from his past.

Saksi ako sa pinagdaanan ni Kuya Z nung nabroken hearted siya. Saksi ako sa hirap na pinagdaanan niya kaya naiintindihan ko na sila kung bakit ganito na lang sila kaprotective pagdating sakin.

Napahagulhol ako. My brother loves me so much but what shit i've done to them?

"Im sorry Kuya,im so sorry."sabi ko habang walang ampat ang luha sa mukha ko.

Niyakap ako ni Kuya ng mahigpit.

"No Princess,kami dapat ang nagso sorry sayo dahil di ka namin na protektahan. Nasasaktan ka ngayon dahil nagpabaya kami sayo."

Sabi niya na mas lalong nagpaiyak sakin. Seriously? Ako pa nga ang may kasalanan pero sarili nila ang sinisisi nila?

"No Kuya,it's all my fault why i got hurt,why i feel hurt right now. Kung di ko lang nilabag ang rule niyo di sana ako masasaktan ng ganito."pahikbi kong sabi.

"Sshhh,hush now Princess,you know why me and your Kuya X got mad at you. It's because we hate seeing our only Princess crying and hurt. Hindi kami galit sayo tandaan mo yan. Galit kami sa sarili namin."hinalikan ako ni Kuya Z sa buhok ko.

Iyak pa rin ako ng iyak hanggang sa wala na akong luhang mailabas. Ang daming dahilan kung bakit ako umiiyak ng ganito,maliban sa isyu sa mga kapatid ko ay isa na rin dun ang tungkol sa Jacob. Masakit pa rin. Sobra..

Kailan kaya ako makaka-move on?
Shit! Taenang buhay 'to!

"Go upstairs and rest Princess,di pa tayo tapos mag-usap ng Kuya X mo. Bukas ng umaga bago ka pumasok ay mag-uusap tayong tatlo."sabi nito.

Dahil sa pagod ng nararamdaman ko ay tango lang ang ginawa ko bilang sagot.

Hays..this day is so tiring.

Sana bukas di na galit si Kuya X.😢

....

Pagkatapos kong maghalf-bath ay humiga na ako sa kama.

Pagod na pagod ako. Emotionally at physically.

Ipipikit ko na sana ang mata ko ng nag beep ang phone ko tanda na merong message.

Tiningnan ko kung sino..

Di ko alam pero sa kabila ng nararamdaman ko ngayon ay nagawa ko pang ngumiti.

From: Zayn Khulet

Hi baby! Kumain ka na ba? Wag kang magpapalipas ng gutom. Goodnight baby ko. :* pahinga ka na rin ha? Para bukas may lakas ka sa practice nyo. :* TC

Oo nga pala,last practice namin para sa face off this friday. Hays

Pagkatapos kong basahin yun ay pinikit ko ang mga mata ko ng may ngiti sa labi.

Bahala na kung anong mangyayari bukas.

.....

~to be continued

CHEER LEADER MEETS THE MVPDonde viven las historias. Descúbrelo ahora