Kanina pa ako palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. Ramdam ko ang kakaibang tensyon sa pagitan ni Zayn at ng nurse.
Pero bakit?
Anong tinatago? Nino? At ano?
Sh*t! Feeling ko mas lalong sumama ang pakiramdam ko.
"No! I'm gonna stay here."
"Excuse us nurse, can you leave us for a moment."singit ko.
"But Ms. Castil-"
"Are you going to leave or I will fire you this instant."matigas kong sabi na ikinaurong niya pero hindi pa rin siya umaalis.
"What? Are you just gonna stand there? O Baka naman inaantay mong kaladkarin kita palabas? Nakalimutan mo ba kung sino ang kaharap mo?"inis kong saad.
Isang tawag ko lang sa lolo ko goodbye ka na. Tss
"I-I'm sorry,I will take my leave now."
Bago pa umalis ang nurse ay tiningnan muna neto si Zayn na ngayon ay nakatayo lang sa may gilid ko habang nakakuyom ang kanyang mga kamao.
Kinalabit ko siya para humarap siya sakin. Ang kaninang madilim niyang awra ay lumamlam na ngayon habang nakatitig sakin.
Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iron.
I missed him. So much.
Hinaplos niya ang buhok ko habang nakatitig lang sakin.
"Are you feelin' okay?"tanong niya then he kissed me on my forehead.
Napapikit ako at tumango.
Tho I'm not really okay. Andaming nangyari ngayong araw. Yung best friend ko pa.
"Do you need something? I will go get it for you ,baby,just tell me."
Umiling ako.
"Nothing..just..stay here."sabi ko at pumikit ako pero minulat ko ulit ang mga mata ko ng may naalala ako. Kanina ko pa gustong magtanong.
"Earlier...what's going on between you and the school nurse? I feel something strange. May dapat ba akong malaman?"tanong ko.
Hindi siya nakasagot agad. At nag iwas ng tingin.
"Zayn?"untag ko.
"N-nothing baby. Wag ka ng mag isip ng kung anu-ano,okay? You need to rest."yun lang ang sinagot niya.
Tf! Bakit feeling ko may mali.
"Zayn,please? Nahihirapan na a-ako."pumiyok ako. "Pwede bang sabihin mo sakin? Kasi Zayn,ang hirap manghula. Di ko alam kung bakit nangyayari satin 'to."
"Bakit? May mali ba sakin? May pagkukulang ba ako? Sabihin mo naman sakin oh?"di ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko habang siya tahimik lang at nakatungo.
"Sabihin mo sakin kung may mali ba sakin at babaguhin ko."
"No baby,there's nothing wrong with you,okay? I love the way you are. You don't have to change."sabi niya.
"Pero bakit?"tanong ko.
"Do you love me?"napatitig ako bigla sa kanya dahil sa tanong niya.
"Kung hindi pa kita mahal. Hindi kita hahayaang makalapit sa akin ngayon sa kabila ng nangyayari."sabi ko at nag iwas ng tingin dahil ramdam ko ang pag iinit ng mga mata ko.
Naiiyak ako,bumabalik yung mga masasakit na eksena na nasaksihan ko kasama ang ex niya.
"K-kung hindi pa kita mahal...hindi kita iintindihin. Kahit sobrang sakit na,tinitiis ko."sabi ko habang pinipigilan na wag pumiyok. Pero yung luha ko yun ang hindi ko napigilan.
"H-hindi ako yung tipo na magpapakababa,alam mo yan. Si Jacob..the moment na sinuko ko siya,alam mo mismong mahal ko pa siya. Saksi ka nun! Pero di ko binaba ang sarili ko para sa kanya at bigyan pa siya ng pagkakataon. Pero alam mo yung nakakagago? Nung nakilala kita! Natuto akong maging tanga!"galit na bulyaw ko sa kanya. Lumabas lahat ng kinikimkim kong sama ng loob.
"KAHIT ANDAMI KONG RASON PARA BITAWAN KA! PERO TANG*NA! HINDI KO KAYA!kahit selos na selos na ako! Kahit sobrang sakit na, kinakaya ko! Kahit andami kong gustong isukmat sayo pero wala kang narinig mula sakin. I'm not the kind of girl na susugurin at ingudngod sa putikan yang babae mo at papatikimin ka ng mag asawang sampal kapag magkasama kayo. Mas pinili ko pang magpakatanga at hayaan ka dahil nag babaka sakali akong one day eo open up mo sakin. One day lilinawin mo ang lahat. Iniisip ko nalang na may mga dahilan ka kaya mo 'to ginagawa!"pinaghahampas ko ang dibdib niya habang sinasabi yun. At di man lang niya sinangga. Tinatanggap niya ang bawat hampas ko.
"Pero tang*na ang hirap mang hula! Yung iniisip ko yung posibleng dahilan mo kung bakit nangyayari 'to. Pero kahit anong sabihin ko sa sarili ko na magiging okay rin ang lahat? Yung sakit sa puso ko...yung sugat na araw araw nadadagdagan habang nakikita ko kayong dalawa na magkasama. Yun yung hinding-hindi ko maiiwasan."
Patuloy ko lang siyang pinaghahampas habang umiiyak hanggang sa mahigpit niya ako niyakap. Napasubsob lang ako sa dibdib niya. Ramdam ko na hinalikan niya ako sa ulo.
"K-kahit gustong-gusto ko nang sumuko-"
"N-no no,baby.I-I'm sorry. No please. Please."pabulong niyang sabi.
Napahagulhol nalang ako.
"Kumapit ka lang okay? Maaayos din ang lahat."dagdag niya."Magtiwala ka lang sakin okay?"
"Kahit ano man ang mangyari gusto ko lang na lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita,baby."
Di ako sumagot at patuloy lang sa paghikbi.
Oo kakapit ako pero sana wag naman umabot sa puntong bibitaw ako. Pero sa ngayon masasabi kong kaya ko pa.
Hangga't kaya pa ng puso ko ang sakit. Kakayanin ko pa.
Pero sana alam niyang lahat may hangganan. Kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao..kung wala ng rason para kumapit pa. Dapat bitawan mo na.
........
~very short update/unedited

YOU ARE READING
CHEER LEADER MEETS THE MVP
General FictionLove can hurt...everybody knows that. But the thing is.. Are you going to stop and close your heart just because you're scared of being hurt again? Or? Are you willing to take the risk ,open you heart and ready to fall in love again? Are you still b...