Nakauwi na ako sa bahay pero hanggang ngayon,iniisip ko pa rin yung sinabi sa akin ni Mary.
Anong bitag? Ano 'to? Teleserye?
This girl is gettin' on my nerves,srsly! Hays,makapag shower na nga lang,bwesit!
....
Pagkatapos kong mag shower umupo na ako sa harap ng salamin para e blow dry ang buhok ko.
Habang nagbo blow dry ako,may napansin akong pouch bag.
Di naman sakin yun kaya alam kung kay Jen yun. Wala namang ibang nakakapasok sa kwarto ko kundi siya lang.
Di ko nalang yun pinansin. Ibibigay ko nalang yun pag pumasok na siya ulit sa school.
Kainis ang babaeng yun,akala ko isang araw lang mag a absent pero magtatatlong araw na bukas wala pa rin siya. Ni text wala rin. Humanda ka talaga sakin jen. -,-
Natapos ko namg e blow dry ang buhok tsaka nagbihis pantulog. At sumalampak sa kama.
Mag o online nalang ako kesa mag-isip ng kung anu-ano. Hays
Kaya nag log-in ako sa fb account ko.
And as usual,ang daming notifications,messages at friend requests. Pero inuna ko yung messages.
Yung puro groups lang ng school at sa SSG,kila mommy at Daddy. At--wait,himala at nag message si Jen. Kaya yun ang unang binuksan ko. Nung Satuday pa to eh nung umuwi siya sa kanila galing sleep over dito.
Jen
Active Saturday'Babae! Naiwan ko yung pouch bag ko. Paki tabi nalang ah. Wag mong bubuksan ha?'
Aba! May sekreto na siya sakin ngayon? Tsk! Baliw 'to. Di naman ako nangingialam ng ibang gamit eh.
Pero miss ko na siya kaya naisip kong tawagan si Jen. Naka apat na ring muna bago sinagot.
["Hello? Hija?"] Sagot ng kabilang linya.
"Tita?"pagsisiguro ko. Malamang di naman hija ang tawag sakin ni Jen eh.
["Ahm oo,ako nga 'to."]mahinhin na sabi ni Tita Marga. Mahinhin kasi 'to eh. Nagtaka nga ako kung bakit di nagmana si Jen. Hahaha
"Asan po si Jen?"
Matagal bago sumagot sa kabilang linya.
"Tita? Still there?"akala ko kasi naputol na.
["Y-yeah,a-ahm,natutulog na kasi ang anak ko hija. Tawag ka nalang ulit."]
"Ganun po ba? Sige po."pinutol ko na ang tawag.
Bakit iba yung pakiramdam ko? Bakit nauutal si tita Marga? Something's wrong.
Alam ko,may mali dito. Kaya tumayo ako at nilapitan kung saan ko nilagay ang pouch bag ni Jen at binuksan yun.
N-no! This can't be! No no! Di totoo 'to. Mali lang yung iniisip ko.
Pikit mata kong sinara ang pouch bag. Ramdam kong may tumulong luha sa mga mata ko. Habang nagf-flash back yung nangyari nung nandito siya.
FLASHBACK
*"What's that? And don't try to lie to me b*tch!"pinangunahan ko siya. Baka magsinungaling eh."A-ano..wala--nabangga kasi ako kaninang umaga sa mesa namin kaya nagkapasa ako."sabi niya ng hindi tumitingin sakin.*
END OF FLASHBACKWala sa sariling umupo sa gilid ng kama.
Bakit? B-bakit may ganong gamot si Jen?
Cytoxan? Naalala ko ang gamot na yan. Yan yung iniinom ng mga taong may c-cancer.

YOU ARE READING
CHEER LEADER MEETS THE MVP
General FictionLove can hurt...everybody knows that. But the thing is.. Are you going to stop and close your heart just because you're scared of being hurt again? Or? Are you willing to take the risk ,open you heart and ready to fall in love again? Are you still b...