Chapter 18

62 6 0
                                    


....

Oh? Bakit namamaga yang mata mo?"tanong ni Jen sakin.

Hays..kaya yun sinabi ko lahat lahat ng nangyari kagabi at kanina sa bahay.

"Sana hinayaan mo nalang na patayin nila si Jacob!"panenermon niya.

Baliw talaga!

"Tss,karga de konsensya ko naman yun habang buhay! Nag-iisip ka ba?"sabi ko at akmang babatukan ko na.

Tss,para na rin namang ako ang pumatay diba? Hays

"Malamang nag-iisip!"

Pilosopa talaga! -_-

Tumahimik nalang ako kasi wala ako sa mood makipagbangayan sa kanya.

"How about yung tungkol kay Zayn? Paano yun?"tanong niya.

Hays,isa pa yan. Waahh ano bang gagawin ko?

Napabuntong hininga nalang ako kasi di ko alam ang isasagot sa tanong niya. Hays saka na nga kang yun. Magpa practice pa kami sa cheering squad para bukas e. Bukas na ang Face-off.

"Nga pala Blue,nabalitaan kong may member daw sa cheering squad na di makakasali bukas."sabi ni Jen na ngumunguya ng chewing gum. Mukha talagang kambing ang bruha!

"And why? Bakit di sakin sinabi?"

Ito talaga ang pinakakinaiinisan ko. Yung magba back out na nga lang di pa sakin diretso sasabihin. Sa iba ko pa malalaman! Urrgh!

"Aba malay ko ba?"pairap niyang sabi.

Tss mga tao talaga ngayon!

"If that's the case,i will kicked her out of the cheering squad,hinding-hindi na siya pwede pang sumali!"naiinis kong sabi. Lintek! Hina highblood na naman ako!

"Woah! Nagbalik na ang Blue na bestfriend ko. Kyaaahh!"tili niya at tumalon talon at yumakap sakin.

Minsan talaga may pagka isip bata 'tong si Jen. Pero tumawa nalang ako at niyakap siya pabalik. Alam ko namang naaapektuhan din siya masyado sa nangyari sakin e.

"Baliw ka talaga!"natatawang sabi ko nung kumalas siya sa pagkakayakap.

"Dyosa naman!"nakangising baliw na sabi niya. Haha😂

Mahangin rin e.😑

"Sige na Jen,sa court na ako baka nag aantay na sila dun."paalam ko at tumango siya at naunang umalis.

Nang makarating ako sa court andun na ang mga members ng cheering squad. Nakahanda na.

Dahil nabadtrip ako sa pagback out ng isa sa kanila. Naka pokerface lang ako habang palapit sa kanila.

Ramdam nila siguro na iba ang aura ko kaya nakatungo lang ang iba pagkatapos nilanh bumati. Iniisa isa ko silang tiningnan..kahit marami sila kabisado ko ang mga mukha at pangalan nila. At may isa ngang kulang.

"Where is Nicole Gomez?"malamig kong tanong. Kabadtrip talaga! Bakit ngayon pa siya nagback out e bukas na kami magpe perform? Leche talaga! Nakakapanggigil!

Wala ni isa ang sumagot! Kaya marahan akong pumikit para pigilan ang galit ko.

"She back out.."

Napamulat ako ng tingin at nakita ko ang mga kasamahan kong nakatingin sa likuran ko kung saan nanggaling ang boses.

Hell no!

Paglingon ko.

Tsk! Sabi ko na nga ba e. Siya yun.

Nagsmirked ako ng nakita ko ang pagngisi niyang di ko nagustuhan.

"So? And why are you here?"mataray kong sabi kay Rufa at hindi naman nakaligtas sa gilid ng mata ko ang pagtingin ni Jacob sa gawi namin.

Nagpapractice din sila ang Red team. Tss,matalo sana kayo!

"I'm here to be the substitute."nakangiti pa rin niyang sabi.

Hays,sarap sapakin ng bruha. Sa dinami dami pa na hahalili e ito pang malantod na 'to!

Wala na naman akong magagawa. Kailangan din naman na may hahalili na kaagad! Tsk! Bahala na nga!

Pero mamaya kailangan kong makausap si Nicole,she's one of the best dancer i've ever known,kapag wala ako siya ang ginagawa kong in charge,kaya naman nakakapagtaka ang pagba back out niya na di man lang ako sinabihan.

"Oh ano Ms. Cheerleader? Tatayo ka nalang ba dyan?"

Kumulo ang dugo ko habang nakatingin kay Rufa! Kapal talaga ng mukha!

Pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

"At sino ka naman sa tingin mo?"mataray kong sabi na nakapaglaho sa ngiti ng bruha.

Oh? Nagtatanong ngalang ako e. Problema ne'to. Hahaha

Pero bago pa siya sumabog sa inis ay umalis na ako at nagpunta sa locker room para magbihis.

Habang naglalakad ako ay nakita ko si Jacob na nakatingin sakin.

Bakit ang lungkot niya?

Ayts! Pake ko ba naman!

.......

~to be continued

CHEER LEADER MEETS THE MVPWhere stories live. Discover now