Chapter 11

59 7 4
                                    


Ano 'to? Kulang pa ba ang pananakit niya sakin?

Ilang balde pa ba ang gusto niyang iiyak ko?

Ang sama talaga ng hudas na'to! Pagkatapos ng ginawa niya sakin? At may lakas loob pa siyang makipag-usap? Ang kapal!

Oo may pagmamahal pa rin ako para sa kanya pero hindi na yun sapat para maging okay kami at patawarin siya.

Yung nararamdaman ko ngayon,parang sasabog ang puso ko sa sakit at galit.

"Talk to him."napaiktad ako ng nagsalita si Jen sa gilid ko.

Tapos na pala siyang magpatake out.

I heavily sighed.

Kaya ko ba? Kaya ko kayang makipag-usap?
I'm still hurt. My heart's still bleeding for Goodness'sake!

"What if-~"Jen cutted it.

"Face him Blue,you both need to talk."sabi niya

Oo nga pala,simula nung araw na naabutan ko sila ng hitad na si Rufa sa locker room ay di na kami nagkakausap. Kahit nagkikita kami dahil nagpa practice kami ng Cheer dance at sila naman ay may play out. Pero di ko hinayaang magkalapit kami baka kasi di ko mapigilan ang sarili ko e.

"Kaya ko ba?"hesitation filled me.

Bumuntong hininga si Jen saka umupo.

"Kailan ka pa ba sumuko sa isang bagay Blue? Yung Blue na kilala at best friend at yung tipong tao na walang inaatrasan na kahit ano. Asan na yung Blue na kilala ko? Yung Blue na palaban. Yung Blue na kahit nahihirapan na ay di umaatras."pinisil niya ang kamay kong hawak niya.

At nginitian ko siya.

"Face him Blue,alam kong andyan pa rin yung dating ikaw. Nakatago lang dahil sa sakit na nararamdaman mo. Talk to him,i know you can do it."

Ngumiti ako habang may mga luha sa mata ko. Im so blessed to have Jen in my life. Ni hindi niya ako iniwan kahit kailan. She's there to cheer me up when im physically and emotionally down. Pinapalakas ang loob ko at pinapalabas niya ang tunay na ako.

Tumango ako sabay punas ng luha sa pisngi ko at tumingin sa labas kung saan nandun pa rin si Jacob na nakatanaw.

"I'll talk to him. We need closure." Pagkasabi ko nun tumayo ako at niyakap si Jen

"Thank you for being here for me,Jen." Sabi ko at kumalas sa yakap at hinarap siya.

"Anytime Blue,ano pa't naging magkaibigan tayo diba? Iwanan ka man ng lahat,asahan mong mananatili pa rin ako sa tabi mo."sabi niya habang nakangiti.

Di ko napigilan ang sarili kong mapaiyak sa sinabi niya at niyakap siya ulit. Wala ang paki kung may nakatingin samin habang umiiyak.

"Sshhh,wag ka na nga umiyak dyan! Baka akalain nila na inaway kita e. Basta pagkatapos niyong mag-usap alam kong iiyak ka na naman kaya tawagan mo ako pagkatapos ah? Im only one call away ika nga. Hahahaha"natatawang sabi niya. At kumanta pa e. Kalog talaga.

"Hahaha,yeah thanks Jen,i have to go then."paalam ko sa kanya at tumango lang siya.

Habang palabas ako ng McDo di ko maiwasang isipin kung tama pa ang gagawin ko.

Pero sa tingin ko naman tama lang 'to. Para magkaroon kami ng closure. May time pa kaming mag usap bago mag umpisa ang next class ko e.

Nang makalapit na ako sa kanya. Di ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Halo-halo kasi,sakit,galit at pangungulila. Di ko maitatanggi sa sarili ko yun.

Namiss ko siya,oo. Ako na ang tanga. Pero alam ko kung saan ko ilulugar ang mga pakiramdam kong yun.

Pinanatili kong walang emosyon ang mukha ko,para malaman niya na hindi ko gusto ang presensya niya but i have no other choice anyway? Kailangan talaga naming mag-usap.

CHEER LEADER MEETS THE MVPWhere stories live. Discover now