Chapter 3

67 7 2
                                    

....

Ilang araw nang nakakaraan simula nung naghiwalay kami ni Jacob. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. Sino ba namang hindi diba? Minahal ko siya e.

Pero kahit kailan di ko yun pinakita sa iba. Ayokong makita nila na mahina ako.

Dahil sikat siya sa University at kilala ako ng lahat. At namo namang mga chismosa sa university no! Di naman talaga mawawala ang mga pesteng yan. Kaya kalat na sa buong school na break na kami ni Jacob. Tss..kulang na nga lang malalagay ang mga pangalan namin sa tabloid at ang headlines? "Jacob and Blue happy break up".😑

Why don't they mind their own business instead of minding others? Hays mga walang magawa sa buhay.

And speaking of break up?

Here..nandito na naman ang linta niyang BAGONG GIRLFRIEND na kulang nalang ng red fake nose at magiging clown na sa kapal ng make up sa mukha. At nakabuntot rin ang mga alepores niyang may pagmumukhang hiniram ng aso.😏

At ang nakakapanggigil pa sa lintang ito ay yung pagkakalat niya ng balitang naghahabol daw ako kay Jacob. Pfftt nag papatawa lang diba? Sa ganda kong'to? Manghahabol ako? Hell! Never in my wildest dream! Why would i do that by the way? E marami namang ibang lalaki dyan na nagkakandarapang sagutin ko lang.😏

Hindi naman sa nagmamayabang ako ah but I'm just telling the truth by the way. Walang halong kasinungalingan yan. *smirked

Akmang lalampasan ko sila ng may pumigil gamit ang paghawak ng braso ko. Ayaw ko muna ng gulo ngayon dahil marami pa akong gagawin! Magpa practice kami ng volleyball kasi malapit na ang regional competition.

"Who the hell are you to touch me?"matigas kong sabi sa kanya.

Tumawa siya.

"Oh you already forgot who am i?" Sabi niya at tumawa ng napakalanding tono.

Humarap ako sa kanya at tinaasan ng isang kilay tapos tiningnan mula ulo na mukhang paa. Este mula ulo hanggang paa. Tapos nag smirked ako.😏

"Oh how can i forget about you darlin'. Ikaw lang naman yung walang kwentang higad na kung kumapit sa lalaking matipuhan mo ay parang linta. At ang bruhang sumulot kay Jacob." Mahinahon kong sabi sa kanya,pero sa loob ko ay inis na inis na ako.

Oh diba? Mahinahon pa ako nyan. *smirked

Muntik na akong mapatawa sa hitsura niyang hindi na maipinta. Di niya ata nagustuhan ang sinabi ko e. Pffttt sino ba namang hindi? But she deserved it anyway.😏

"Hahaha,hanggang ngayon ba di ka pa rin maka move on sa BOYFRIEND KO?"inis na inis niya sabi sakin. At pinagdiinan talaga ang salitang 'boyfriend' eh. Let's see..😏

"Haha,me? Hindi pa naka move on? Say what whore! I'm not like you in the first place. Masyado akong maganda para manghabol. At si Jacob? Sayo na siya,kahit ipasok mo pa siya sa bulsa mo at isaksak mo pa sa baga mo,wala na akong pake! Tutal,basura ko na siya,ibig sabihin sa iyo na ang tiratira."nginitian ko siya kaya mas lalo pa siyang naasar.

Tandaan mo! Di pa ako galit niyan.😏

Kulang nalang umusok na ang ilong niya sa galit. Wohoow,mas lalo pa siyang pumangit nyeta!

Pero bago pa siya sumabog ay mabilis akong umalis dahil male late na talaga ako sa practice namin.

Papunta na sana ako sa field kung saan kami magpapractice ng may tumawag sakin.

"Miss Blue!"

Lumingon ako..

"Bakit?"

"Pinapapunta ka ni Coach Sanchez sa basketball court,may sasabihin lang po. Baka tungkol po sa Cheering Squad na iaasign sa face off next week."

Tumango na lang ako. At tsaka patakbong tinungo ang basketball court.

Shit naman oh! Late na talaga ako neto sa volleyball practice namin! Naturingan pa namang captain. Kainis!

Nang nakita ko na si coach ay kumaway siya kaya nang papalapit na ako.. nang biglang..

*Boooggsshh*

Bago pa ako nawalan ng malay ay may narinig pa akong ingay sa paligid.

"Mr. Smith! Anong ginawa mo!" Boses ni coach

Nanlalabo na talaga ang paningin ko..

"Naku tol! Kakatransfer mo pa nga lang sa school na'to may problema ka na agad. MVP ka pa naman. Tsk! Ang ganda pa naman nyan oh!"

Shit! Ang sakit na talaga ng ulo ko. And then..knock out na ang dyosa.

A/N: maikli lang😂😂sornaman.😘Pero nasa fb ko pinost ang story na'to. You can read it if you want. Just add me at my fan account then i'll mention you there.😊
Fb account:
Trinity Mmole Reid Malik

~oh malapit niyo nang makilala si MR. MVP😍

CHEER LEADER MEETS THE MVPWhere stories live. Discover now