Chapter 33

33 2 0
                                    


Buong klase tulala lang ako. Wala nga akong ni isang naintindihan. Lunch break na pero wala akong ganang kumain. Kaya napagpasyahan kong magtambay muna sa rooftop. Sana naman ako lang ang tao dun. I really need to be alone this time, gusto kong makapag-isip ng maayos.

...

As i reached the rooftop. Pasalamat ako at ako lang ang nandito.

Kaya umupo na ako. Ang sarap-sarap lumanghap ng sariwang hangin. I get my phone and headset on my pocket.

I am now listening I Love You by little mix.

"..I just wanna scream out 'til my voice breaks..
Even if the tears fall and my heart hates me..baby I love you."habang kinakanta ko ang chorus ay di ko na napigilang mapaluha.

"Aish..ba't ba ako nakikinig sa ganitong mga kanta."saway ko sa sarili ko.

Pero yung luha ko walang tigil pa rin sa pag-agos. At ang malala pa ay napahagulhol na ako.

I need Jen right now. Pero wala naman siya.

I want to put all my trust to Zayn. Pero natatakot ako. Marami akong what if's na gumugulo sa isip ko.

What if may gusto pa siya kay Mary?

What if may feelings pa siya kay Mary ngayong bumalik na ito?

What if iwan niya ako dahil sa Ex niya.

Andami pang what if's na nakakatakot isipin.

I don't want to lose him. I love him so much. I need him. I want to be with him right at this moment.

Kung may telephatic power pa ako gusto kong sabihing 'puntahan mo ako dito,pls? Miss na kita.'

Umagos na naman ang mga luha ko sa isiping imposibleng mangyari yun. Alam kong magkasama na naman sila ni Mary. He didn't even bothered to text where the hell is he.

Yeah i know. Im being paranoid. Pero can you blame me? I just don't wanna lose him. Not now. Never.

Mas may karapatan naman ako kasi ako yung present at past na siya. Make sense right?

Para akong nabuhayan. O para na akong baliw. I have to fight my right. Lalaban ako.

....

Kanina pa ako nagpaikot-ikot pero di ko mahagilap kung nasaan ang boyfriend ko. Kaya napagpasyahan kong pumunta sa basketball court.

"Hi Ms. Blue!"bati agad ng mga basketball player sakin ng dumating ako.

"Have you seen Zayn?"tanong ko kasi wala rin siya rito.

Asan ba yun? Imposible namang di siya nag insayo.

"Hindi rin namin alam eh,kanina pa nga namin hinahanap pero wala siya."

Bagsak ang balikat kong umalis sa court. Asan na ba kasi yun?

Nag-init na naman ang mata ko.

Galit ba siya sakin dahil kanina? Sorry na kasi. Bumalik ka na please?

Nag-uunahan na namang bumagsak ang mga luha ko.

Hindi naman ako ganito dati eh. Ba't ba pagdating kay Zayn ang hina-hina ko?

Napaupo nalang ako sa isang bench na walang masyadong tao sa paligid at dun na ako umiyak.

...

Hanggang sa mag-uwian na ay di ko na nakita si Zayn. Pero di ako sumuko. I have to wait.

Nasa loob lang ako ng kotse at tinatanaw ang bawat estudyanteng nasilabasan at nagsiuwian.

Konti nalang ang mga estudyante at walang senyales sa boyfriend ko.

I sighed. Maybe i should go. Bukas nalang siguro. Kaya binalingan ko si Kuya Jeff,bagong driver namin.

"Kuya, let's go hom--"

Napatigil ako sa pagsasalita at tulalang napatitig sa labas ng kotse.

No! Im just hallucinating right?

Akmang lalabas na ako para lapitan sila ng nakapasok na ang dalawa sa kotse. Anong ibig sabihin neto?

"Alis na po ba tayo,Ma'am?"tumango lang ako kasi di ko maibuka ang mga bibig ko.

Tulala lang ako hanggang sa nakarating ako  ng bahay. Agad akong nagtungo sa kwarto ko at dun na ako umiyak ng umiyak.

Paulit-ulit na nagf-flashback sa isip ko yung nakita ko kanina. At parang hinihiwa sa dalawa yung puso ko sa sakit.

Why Zayn? How could you be so happy to think that we're not okay?

How could you let someone hold you and lean on you,to think that we are still in a relationship? How could you?

How could you hurt me like this?

Narinig kong may kumatok sa kwarto ko pero hinayaan ko lang.

I don't want them to see me like this. I am totally mess.

Ilang minuto na ang lumipas at may kumatok na naman.

"Princess?"it's Kuya Z.

Di ako sumagot.

"May naghahanap sayo. Lumabas ka muna sandali. Nandito siya sa labas ng kwarto mo. Alis na ako."

Hays..wala akong ibang choice kundi ang ayusin ang sarili ko bago lumabas.

"What are you doing here?"galit na tanong ko.

"Baby,let's talk,please?"pagmamakaawa niya.

Pero galit parin akong nakatingin sa gwapo nitong mukha.

"Umalis ka na. Wala tayong dapat pag-usapan pa."pagkasabi ko nun. Agad kong isinara ang kwarto ko.

~to be continued

CHEER LEADER MEETS THE MVPWhere stories live. Discover now