Chapter 12

60 7 3
                                    


Nakita ko ang sakit sa mata niya. Pwes! He deserved it.

Atleast ngayon gumaan na ang pakiramdam ko.
Bago pa ako umalis ay tinitigan ko muna siya at..

"By the way Jacob,may nakalimutan akong sabihin sayo noong nasa locker room tayong tatlo ni Rufa."

Nakakunot-noo siyang tumingin sa kin at hinintay ang sasabihin ko.

I smiled at him.

"Happy break-up.."

Pagkatapos nun ay umalis na ako at nilabas ang cellphone ko para tawagan si Jen.

Pag katapos naming mag-usap ni Jacob ay agad kong tinawagan si Jen at dun ko na binuhos ang sama ng loob ko at umiyak ng umiyak.

Masakit..sobrang sakit.

Hindi ko alam kung kaya ko pang magtiwala ulit. Natatakot ako na baka masaktan ulit.

Ngayon naiintindihan ko na si Kuya Z.

Galit ako kay Jacob at galit din ako sa sarili ko. Kung bakit nagtiwala akong masyado sa kanya.

Mahal ko e? Ganyan din naman kayo diba? Pag mahal mo ang isang tao,ibibigay mo ang buong tiwala mo sa kanya dahil nga mahal mo siya.

Bwesit! Ngayon ko lang naranasan ang ganitong sakit sa buong buhay ko.

Simula ngayon,di na ako magtitiwalang muli. Kahit na sino..

.....

Parang lantang gulay ako nang nakauwi ako ng bahay. Buti wala pa si Kuya Z.

Baka makita niya ang hitsura ko at magtanong pa siya. Di pa ako handang sabihin na nilabag ko ang rule nila.

Hays..

Umakyat na ako sa kwarto ko para makapagshower.

Nang matapos akong maligo..habang bino blow-dry ko ang buhok ko ang bigla nalang tumunog ang CP ko.

Message from Zayn..

Di ko namalayan na napangiti ako habang binabasa ang message niya.

Gusto kong kutusan ang sarili ko. Ayoko nang magtiwala diba? Baka mahulog pa ako kay Zayn tapos di niya ako sasaluhin,magpapakamatay na ako kung mangyari yun.

From: Zayn Khulit
Hey baby,sorry di tayo nagkita this day. Masyadong mahigpit si coach e. Alam mo na malapit na ang face off ng Red at Green team. :(

Natawa tuloy ako sa gamit niyang emoticon.

Ayan,di ko na napigilang kiligin. Kahit di naman talaga kami,nag e explain siya sakin.

Tss,di tulad ni Jacob.

Hays,ang layo lang nila.

Oo nga pala,yung face off ng university namin. May dalawa kasing team ng university namin. Team Red at Team Green. Maglalaban sila para kung sino ang mananalo ay siyang dadalhin sa Inter high. Which is Team Green si Zayn,siya ang captain ng team nila at nasa Red team nabibilang si Jacob. Buti naman at di sila magkasama. Tsk!

Oh shit!

Red team...red team ang iche-cheer ko? Hell! Makakaatras pa ba ako? Eh si Miss Claire ang magsabi sakin.

Ayst! Di naman pwedeng magback out ako at lilipat sa Green cheering squad. Ano nalang sasabihin ko kung tatanungin ako ni Miss Claire kung bakit?

Alangan namang sasabihin kong dahil lang sa break na kami ni Jacob? Naturingan pa naman akong president ng Cheering Squad tapos mag i immature ako?

Hayst bahala na. Sana nalang manalo ang Green team para pag sa Inter-high na,makakapagcheer ako kay Zayn.

(Kay Zayn lang talaga Blue ha? Di ba pwedeng buong Green team?)

Ayst,basta!

Magta type na sana ako ng reply kay Zayn ng may nagpop-up na message galing sa isang unknown number.

From: 090765xxxxx

Can you give me a second chance honey,please?

Bigla nalang naningkit ang mata ko habang nagsink in sa utak ko kung sino yung nag text sakin. Wala lang naman akong ibang ex e!

Bigla ko nalang tinapon sa kung saan ang CP ko. Wala na akong paki kung nasira ba o wala. Basta kumulo na lang ang dugo ko.

Okay na sana ang mood ko e. Epal talaga!

Di ko na tuloy na replyan si Zayn! Kainis talaga!

Kaya ang ginawa ko. Inopen ko ang facebook account para magmessage nalang ako kay Zayn.

Di pa kami friends sa facebook kaya magme mesaage request na lang ako.

Woah,daming messages. Tsk!

Kadalasan ay Group Chat ng section namin. Di ko nalang sineen. Kapagod e! Di ko hilig mag net.

Mute Notification..haha para di istorbo.

Meron ding galing kay Mommy at Daddy..nangangamusta. At kay Kuya X.

Di ko na lang sila nireplyan. Kailangan ko pang magmessage kay Zayn e.

Nagsearch ako ng Zayn Craig Smith.

At shoot,kaagad ko ding nahanap kaya agad din ako nagmessage.

~hey,napagod ka ba sa practice kanina?

Yun lang haha,di ko alam ang sasabihin ko e tsaka kinakabahan ako ng di ko alam.😂

Mga two minutes lang siguro ay agad na siyang nagreply.

Wow,inaaccept niya message request ko. Akala ko ee ignore niya e. Hahaha

Zayn Craig: Accept mo friend request ko baby.

Me: ok(seen)

Kaya yun inaccept ko na at balik na naman ako sa messenger.

Zayn: Thanks baby.

Okay..nagblush ako. Haha(landi)

Me: WC

Zayn: Tamad mong magtype baby.

Me: Haha,just deal with it. 😜

Zayn: Ahm baby?

Me: Yes?(seen/typing..)

Zayn: My Mom and Dad's Silver Anniversary next week..i just to ask you,if you wanna come.

Napanganga ako..

Hala! Why would he asked me? We're not a real couple tho! It's his parents anniv.

God! Should i come?

Nakakahiya yun. Baka akalain nilang mag kasintahan talaga kami at di yun maiiwasang makapagsinungaling kami.

Natigilan ako ng nagmessage si Zayn.

Zayn: It's ok if you don't want to.

Nang nabasa ko yun,di agad ako nakareply. E ano bang ire reply ko? Naguguluhan ako e. At feeling ko parang nagtatampo siya nang wala akong reply sa tanong niya. I can feel it.

Nakakakonsensya.

Nang magrereply na sana ako...

*Zayn Craig Smith
Active 2 minutes ago

Napabuntong hininga nalang ako at pinukpok ang sariling ulo.

"Ang tanga mo talaga Blue! Baka nagtampo sayo yun!" Sabi ko sa sarili habang pinukpok ulit ang ulo ko. Hayst!

Kakausapin ko nalang siya bukas.

~to be continued

CHEER LEADER MEETS THE MVPWhere stories live. Discover now