PROLOGUE

18K 234 11
                                    

DEAR DIARY,

Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang magkaganito. Hindi ko lalo alam kung bakit ko nararamdaman to. Mula naman noong simula ay parang normal lang hanggang sa hindi na pala.

Ako kasi yung tipo ng babae na hindi gustuhin ng isang lalaki kaya hindi na ako nag-eexpect na may magkagusto pa sa akin. Unlike my friends mas mabigat ako, mas malaki yung legs ko at arms, may bilbil din ako. Hay buhay, sayang yung beauty ko, nababalutan na ng taba. Matangkad naman ako than most, 5'7" ako at namana ko kay Daddy na six footer ang tangkad. Sabi nila big-boned lang daw talaga ako kaso di ko pa rin masyadong feel ang body ko, di naman ako matakaw pero ang bilis ko tumaba! Nakakaloka.

Okay, nalihis nanaman sa landas ang sasabihin ko. Nakakainis kasi yung katawan ko. Okay, eto na. Ayun nga, mula kasi noong matanggap ko na di ako gustuhin ng lalaki I became just of them pero di ako tomboy! What I meant was I became close with a lot of them kasi mabilis nila ako makasundo dahil parehas kami ng takbo ng utak tapos wala pa yung isyu na baka maging kami nung ka-close ko. Tapos dumating si Marcus Timoteo A. Sy.

Leche, alam mo yung tibok ng puso ko parang nag-triple kaso ang type niya ay yung isa sa mga best friends ko, si Celest. He tried and tried pero settled na si Celest na ang una niyang mamahalin na lalaki ay yung in-arrange sa kanya ng mga ninuno niya. Imbes na ma-off kasi may gusto siya kay Celest ay parang mas magustuhan ko pa ata siya kasi iba yung effort at care niya. Yun nga lang I'm invisible to him, well, sa lahat naman ata. Ako si Lorie na nobody, ako yung pinaka-wallflower sa aming magkakaibigan.

Hanggang one day, natamaan ako ng bola sa ulo. As in solid, solid talaga, umikot ata yung mundo ko noon. Ang unang lumapit sa akin ay si Marcus, hininto niya yung sasakyan niya at nilapitan ako. He asked if I was okay at kung may masakit daw ba sa akin. Grabe di ko maexplain yung feeling kasi hindi ako makasagot noon, di dahil sa may masakit o umiikot yung mundo ko kundi dahil si Marcus yung kaharap ko. Instead na mainis at magwalk out na lang kasi di nga ako nagsasalita inalalayan niya na lang akong tumayo at isinakay sa sasakyan niya.

Busy sa pagbabasa si Lorie habang naglalakad siya papunta sa building nila. Bumili kasi siya ng notebook doon sa kabilang kanto kaya naman kailangan pa niyang maglakad ng malayo at dumaan sa field para makabalik sa building. Usually naman ay walang tao sa field ng ganoong oras kaya nakakapag-shortcut siya at dumadaan mismo across the field pero unlike most days ay may mga naglalaro ng softball doon. She was minding her own business habang naglalakad sa sidewalk ng biglang may matigas na bagay na tumama sa ulo niya. Feeling niya nabiyak yung ulo niya sa sobrang sakit ng pagkakatama noon kaya naman napaupo siya sa sidewalk.

"Miss! Ayos ka lang ba?" Sigaw nung isang lalaki dun sa may bandang gitna ng field.

Naisip ni Lorie na tumayo at subukang batuhin ito ng katulad ng pagkakatama sa kanya. Baka sakaling maisipan ng mga iyon na lapitan siya at tulungan. Noong akmang tatayo na siya ay may lumapit sa kanya at lumuhod sa may bandang tabi niya.

"Loraine, are you okay? May masakit ba sayo?" Tanong nung lalaki.

Hindi makapaniwala si Lorie sa nakikita. Si Marcus ba to? Si Marcus ba to? She kept asking herself habang nakatitig lang sa mga singkit na mata nito. His face looks so good malapitan kaya naman wala atang mabuong sentence or response ang utak ni Lorie.

"Halika, kaya mo bang tumayo?" Tanong uli nito. "Gusto mo buhatin kita?"

Doon na natauhan si Lorie. Baliw ba tong si Marcus? Okay, he has a great body na mukhang batak sa gym at mukhang almost six feet ang tangkad nito pero ang bigat-bigat kaya niya! Mabilis na tumayo si Lorie kaso sumakit nanaman yung ulo niya at nasapo niya ito. Bwiset na mga tao yun! Di man lang siya inasikaso! Kaloka!

It's Always Been You | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon