"GOOD MORNING PO TITO, TITA." Pigil na pigil ang tawa ni Lorie dahil sobrang pormal na pormal ang pagbati ni Marcus sa mga magulang niya. Ngayon niya kasi napili na ipaalam sa mga ito na boyfriend na niya ang lalaki. Feeling naman niya ay nahulaan na ng mga ito kasi she's been over the moon lately pero gusto niya ay formally ipakilala na ito. Aalis din kasi sila kaya this is the best time."Kuya naman, ang pormal mo naman kina Mama at Papa. Ano meron?" Tanong ni Lena, ang sumunod kay Lorie.
"Hi Lena," ngumiti lang si Marcus as response. "Paul, Clarence, Sammie, and Luke."
"Upo ka muna Marcus." Sabi ng Papa ni Lorie.
"Ah, thank you po." Then he sat down at tsaka naman niya tinabihan ang lalaki.
"Ma, Pa, nasabi ko naman na po kanina. Gusto ko lang po na formally sabihin sa inyo habang kasama si Marcus na kami na." She smiled. Napansin niyang napanganga ang mga kapatid niya sa rebelasyon niyang iyon.
"Kayo na? OMG! Sa wakas! Akala ko tatanda ng dalaga ang ate ko!" Parang loka-loka si Lena, akala mo naman nanalo siya ng lotto. "So pwede na din ako mag-boyfriend Pa?"
"Tumahimik ka nga diyan Maria Elena, bata ka pa. 27 na ang ate mo eh ikaw wala ka pang 20." Pagalit ng ama nila dito.
"Hijo, sana alagaan mo yang anak namin na yan. Mula't sapul naman ay gusto na kita para diyan eh." Nakangiting sabi ng nanay niya kay Marcus. "Hindi kagalingan mag-luto niyan at hindi bihasa sa gawaing bahay—"
"Lorna, nobyo pa lang ng anak mo para naman gusto mo na agad sila ipakasal." Hirit ng kanyang ama. Natawa sila lahat dun kasi nga naman parang pinamimigay na siya.
"Doon din naman kasi tutuloy iyon. Alangan naman na hanggang pagiging mag-nobyo lang sila," sabi ng nanay ni Lorie bago humarap kay Marcus. "Diba? Dapat iyon ang nasa plano mo. Hindi na ako papayag kung plano mo lang na hanggang girlfriend itong panganay namin."
"No doubt po Tita, when the time comes aayain ko po siya. Kapag ready na siya para sa commitment na yun." Sagot ni Marcus. It felt good na nasa plano nito iyon, na hindi lang itong present ang nakikita nito. Lorie is comforted by the fact na he's looking forward to that part in their lives. Mahigit isang buwan na silang mag-nobyo pero hindi pa din nagbabago yung kilig niya para sa lalaking to.
"Ako naman ang gusto ko lang ay masaya ang anak ko, parang anak na din ang turing ko sayo kaya aalagaan mo yan at palagi mong irerespeto. Alam ninyo ang mga limitasyon ninyo at matatanda na kayo kaya matuto kayong umakto sa edad niyo. Okay?" Nakangiting sabi ng ama niya. Alam naman ni Lorie na formality na lang to kasi boto naman ang pamilya niya dito.
"Maaasahan niyo po ako." Sabi ni Marcus.
Kagabi noong nag-uusap sila ni Marcus habang pauwi galing sa trabaho ay kabadong-kabado ito as if it was the first time na makikilala nito ang pamilya niya gayong tambay uto sa bahay nila mula pa noong college. She assured him na okay lang ang lahat and that she just want to formally say na sila na sa mga magulang niya. It's important na aprubado ng mga ito ang ginagawa niya, not that it's needed pero gusto niya lang talaga. Mahirap pumasok sa isang commitment na may kontra kaya naman ang goal niya ay matanggap siya fully ng ama ni Marcus.
"Kinabahan ako kanina." Sabi ni Marcus habang nagmamaneho, papunta sila ngayon sa favorite spot daw ni Marcus and by the looks of it ay alam niya na kung saan iyon. They're heading to the resort kung saan niya nakita si Marcus noong hindi ito umuuwi.
BINABASA MO ANG
It's Always Been You | ✅
RomanceBFF Series #4: Loraine Gayle S. Pacifico Who would have thought na ang pagiging late ni Lorie for the first time ang magiging cause ng muli nilang pagkikita ni Marcus? Lorie never really had that much self esteem. Hindi niya alam kung bakit ganun...