"GOOD MORNING LORAINE," bati sa kanya ni Mr. Pontefino noong pumasok ito sa opisina niya."Uy, hello Mr. Pontefino. How are you? Madami na ba uli akong deadlines?" She asked. Nagkikita lang naman sila kapag may trabaho itong ibibigay sa kanya eh.
"Deadlines? Kailan ka ba wala nun?" He laughed. Sanay na siya sa sense of humor nito kaya naman tinawanan na lang din niya.
"I'll forward all the files by tomorrow. I just need to get to the airport a bit earlier today kasi traffic." Sabi niya dito.
It's almost 3 pM at nag-aayos na siya ng mga gamit niya, nakapagpalit na nga din siya ng low cut canvas sneakers niya para naman mas madali na siyang makapagmaneho, mukhang pwede naman na iterno sa white polo niya na naka-tuck in sa knee length niyang itim na pencil skirt. In fairness, with matching kulot pa siya ng mahaba niyang buhok, akala mo hindi susundo sa airport kung hindi makikipag-date. Malay niyo naman sa date na nga ito papunta.
"No worries." He smiled. "Ikaw pala ang susunod sa kanila?"
"Kanila? May kasama po ba si Marcus?" She wondered, parang wala naman ito nabanggit sa kanyang kasama nitong uuwi. He's been texting her since the day he left until last week at wala naman itong nabanggit sa kanya.
"Yes, kasama niya ang Mama niya at si Ms. Chloe Mirabelle." Natigilan siya sa sinabi nito. Sino daw? Chloe Mirabelle? Why does that name ring a bell? "Chloe Mirabelle?"
"An ex-girlfriend, sabi ng tatay niya ay mukhang gustong makipagbalikan ni Chloe kay Marcus and she's been very present in his life these past few weeks." Parang nabingi naman siya ng saglit dahil sa sinabi nito. Akala niya ba ay okay sila? Binibiro ba siya ng langit?
"Ah. Ganun po ba?" She just nodded. Hindi niya man lang ma-process ng buo ang idea. Sabi niya dati lalayo na siya kung may iba na uli pero ang masakit kasi dun ang daming itinanim ni Marcus na pagpapaasa sa kanya eh. Kung may ex na nagbabalik ano ba ang panlaban niya dun?
"You better head on out, ma-traffic papuntang airport." Ngumiti ang nakakatandang lalaki sa kanya.
"Ah opo," pero instead na iiwan niya sana ang mga trabaho para sa inaakala niyang quality time with Marcus ay kinuha na lang niya yung extra tote bag niya at pinuno iyon ng trabaho.
"Oh, akala ko susundo ka?" Tanong ni Mr. Pontefino sa kanya. "Bakit parang idadamay mo na diyan ang trabaho para sa ibang araw?"
"Narealize ko po na sayang sa oras kung wala akong gagawin. Dadalhin ko na lang. Susundo lang naman ako." She smiled bitterly bago tumayo.
"Sabay na tayong lumabas." Sabi nito sa kanya. "Tutulungan na kita diyan sa bitbit mo."
"Salamat po," at inabot niya dito ang isang totebag na hawak niya. Hindi pa din niya matimpla kung ano ang mararamdaman niya. She just really feels betrayed by everything right now. Malaking paasa talaga ang mundong to. Pero may parte pa din ng puso niya na umaasang hanggang sa pagpaparamdam lang ang babaeng yun, baka naman wala lang diba? Nakakainis ang umasa, alam naman niyang dati pa lang umaasa na siya.
"I think Sandro is thinking of marrying off Marcus to Chloe." Punyemas, kung pwede lang magwala baka nagawa na niya. Hindi na alam nito na nasasaktan na siya?
"Ah," wala na siyang ibang nasabi, wala ng lumabas sa bibig niya eh.
"It'll be good for the business and they have history kaya mas okay." Tumatango-tango pa ito. Noong makalabas sila ng elevator ay nagsalita muli si Mr. Pontefino. "May pinabibigay daw sayo ang Papa ni Marcus. He thought you'd go with him. One of these days daw ay bibisita siya dito sa Pilipinas. He wants to meet you."
BINABASA MO ANG
It's Always Been You | ✅
RomanceBFF Series #4: Loraine Gayle S. Pacifico Who would have thought na ang pagiging late ni Lorie for the first time ang magiging cause ng muli nilang pagkikita ni Marcus? Lorie never really had that much self esteem. Hindi niya alam kung bakit ganun...