15: Adventure

4.5K 146 41
                                    


"INGAT KAYONG DALAWA AH, huwag kayo masyado magbababad sa trabaho." Bilin sa kanila ng ama ni Lorie before they left for Pampanga. Instead na mas maaga sila makaalis ay pasado alas otso na sila nakalabas ng bahay. Napakwento pa kasi sila kaya ayun, nagulo ang schedule nila. "Ikaw na bahala kay Loraine, Marcus."

"Yes Tito, you can count on me." He smiled before driving off.

Kanina lang nilinaw niya nanaman sa sarili niya kung ano lang talaga sila ni Marcus. Kailangan ata talaga na ulit-ulitin yun para naman hindi na siya tumatawid sa pag-asa na baka may posibilidad sila. Pabalik-balik naman kasi siya. Ang purpose niya lang ay bantayan, tulungan, and in several occassions make sure that Marcus is well taken care off pero heto siya at naliligaw sa tama niyang kalalagyan.

"We're here," sabi ni Marcus sa kanya noong ginigising siya nito. Nagkunwari na lang kasi siyang tulog para naman hindi na niya kailangan makipag-usap dito. Okay na siya uli, nakapag-reset na siya kaya naman kaya na niya ibalik yung bubbly self niya.

"Ah, sorry nakatulog ako." She said, faking a yawn and stretching her arms.

"It's okay, you did look extra tired kanina. Nakatulog ka naman ng ayos?" He asked with a smile on his face.

"Yeah, di bale mamaya ako na ang magmamaneho pabalik so you can sleep." Sagot niya dito. Ayaw naman niyang isipin nito na ginawa na niya itong driver talaga.

"Ano ka ba, wala yun. I'm happy basta nakapahinga ka." Lumabas ito ng sasakyan and opened her door. Napaka-gentleman talaga nito kaya naman mas nakakatempt na mas ma-in love ka. Si Marcus yung tipo ng lalaki na kahit ilang beses na nagbago ang laman ng bucketlist niya para sa ideal guy ay laging swak na swak.

"Thanks," nilingon niya ang napakalaking bakanteng lote na pinuntahan nila. It looks as if nasa dulo ka ng kawalan when in fact kapag tumalikod ka ay highway na. "This place is huge."

"I told you, maganda ang lugar na ito." He felt proud. Ito kasi ang nakahanap ng bagong lupang ito. He asked her to analyze the pros and cons of the place and indeed maganda ang magiging results kapag nailipat na nila ang planta dito.

"But the cost is huge, bubuo tayo ng bagong planta. We'll stat from the ground up and it may take years bago matapos yun." She said.

"Yun ang isa sa mga downsides ng paglipat na ito but I got clearance from the board to fund this project kasi-" natigil ito sa pagsasalita ng biglang tumunog ang telepono nito. "Wait lang, I have to get this."

Mahigit 20 minutes siyang nakatingin lang sa lote habang hinihintay matapos si Marcus kausapin ang tumawag dito. Nililibot niya lang ang tingin niya. Mukhang wala pa ang agent ng real estate firm na kausap nila para sa lote. They need to survey the whole perimeter para na din sa construction firm na gagawa ng factory.

"Work?" She asked.

"Yeah." Sagot naman nito. "Wala pa yung agent, he'll meet us here around 1 PM pa daw. Kumain na lang muna tayo."

"Sure, saan mo gusto kumain?" Tanong niya dito.

"May alam ka ba dito sa area? I wanna try something new naman." He looks so cheery habang siya parang nasa 50 percent pa lang ng normal attitude niya ang naibabalik niya.

"We can try Korean BBQ if you want, malapit na tayo sa Korean town dito." She smiled at him, mukhang gusto naman nito ang idea niya. Nako, mapapadami nanaman ang kain niya!

"Sounds good, lead the way." Inakbayan pa siya nito habang naglalakad sila pabalik sa sasakyan. He was using his hand to sheild the sun from her eyes. Why is he so jolly today? May hindi ba siya alam?

"Bakit parang ang saya mo naman ata?" She asked. Kanina pa kasi niya ito talaga napapansin.

"Wala lang, masaya lang ako." Nginitian siya nito bago pinagbuksan siya uli ng pinto. "Bakit, hindi ba ako masaya kapag kasama mo ako palagi?"

It's Always Been You | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon