"LORAINE," NARINIG niyang sabi nito."Game over." Addy said in a very soft tone. Pigil na pigil siya na apakan na lang ang kaibigan at mag-walk out. Hindi siya papatalo.
"Kaya ko to," bulong din niya bago huminga ng malalim. Kaya niya to. Kaya niya nga ba?
"Ooops. Di mo na ata kailangan ng driver. Mukhang this time around ikaw ang susuyuin ah." Bulong naman uli ni Addy sa kanya bago ito humarap kay Marcus at ngumiti. "Hi Marcus!"
"Hey Adea," Akmang tatawid na ito at lalapit sa kanila pero pinigilan ito ni Lorie.
"Diyan ka lang, bakit ka nandito? Bakit mo alam na andito ako? Dahil ba sa pending na trabaho? Aayusin ko yun bago ako formally magfile ng resigna--" She asked. Kailangan niya naman magpakipot ng kaunti kung ito nga ang magsosorry sa kanya for the first time. She will make it harder this time around.
"Come on Loraine, alam mo naman na I'm not that petty." Tinawid pa din nito ang pagitan nila.
He was standing just a little too close to her. Bumibilis na uli yung tibok ng puso niya. He smells so amazing! Lorie can feel her chest tightening, damn it. May mali ba sa kanya? Alam na nga niyang di siya nito gusto pero heto siya at di halos makahinga dahil magkalapit sila. Have some will power Lorie!
"Dun ka nga," naiinis na sabi niya. She has to save herself somehow. Iiyak lang uli siya kasi kahit ilang beses niya hingin kay Lord ay parang hindi naman ito ibibigay ever sa kanya.
"Galit ka pa din ba sa akin?" He sighed. "Sorry. Hindi ako nagpunta dito for work. You know that. I'm here to say sorry. Nainis lang ako na ganun ka nila itrato sa opisina. You shouldn't be working as much as you already are."
Kinilig naman siya sa sinabi nito. Matagal naman na niyang alam that Marcus cares for her pero hindi naman tatawid yun sa pagmamahal. That's the sad reality of loving your bestfriend, you know them too much to assume that their care for you is more than the usual care they give. For them it's but normal to care kasi kaibigan ka nila pero para sayo, you live for those days kasi kahit papaano you feel, even just for a fleeting moment, that at least half of what you give is reciprocated. It's just enough love or care to satisfy you.
"Wait, anong ginagawa sa kanya sa work? Walang balitang ganyan sa akin." Singgit naman ni Addy. Lorie specifically left that part out kasi malamang ay papagalitan lang din siya nito.
"All her supervisors pass on work to her. Lahat ata ng trabaho ng department niya ay siya ang gumawa at may alam na gawin." Kwento ni Marcus.
"Loraine Gayle Pacifico, hindi mo sinabi sa akin yan. Akala ko ba ay okay ka sa work na yan?" nakapamaywang pa si Addy na humarap sa kanya.
"That is not the point." Humarap siya kay Marcus. Akala ba nito ay successful na ito sa pagre-redivert ng attention nila? "You were point blank angry at me. Sa akin ka pa nagalit talaga."
"Nagalit naman ako sa kanila." He sighed. "I wasn't angry at you. I was more like frustrated."
"Sandali nga guys, para kayong nage-LQ eh." Banat naman ni Addy. Sinamaan niya na ito ng tingin. "Joke lang! Pero paano mo naman nalaman tong condo ko at na nandito si Lorie?"
"I went to their house last night, tapos sinabi sa akin na andito nga siya then they gave me the address." Paliwanag nito.
Hay nako! Minsan talaga ang mga magulang niya hindi alam kung ano ang sasabihin at hindi sasabihin. Hindi niya naman kasi inisip na magsosorry nga si Marcus eh. Last night nga naghahanap na siya ng malilipatan na company kasi alangan naman na ipilit niya pabalik ang sarili niya edi nagmukha pa siyang walang paninindigan.
BINABASA MO ANG
It's Always Been You | ✅
RomanceBFF Series #4: Loraine Gayle S. Pacifico Who would have thought na ang pagiging late ni Lorie for the first time ang magiging cause ng muli nilang pagkikita ni Marcus? Lorie never really had that much self esteem. Hindi niya alam kung bakit ganun...