"ANAK, HALIKA NGA MUNA." Tawag sa kanya ng tatay niya bago pa siya nakapasok sa kwarto niya para ayusin ang gamit niya para sa pagpasok niya maya-maya.It has been two weeks since the Cebu business trip that she had and that kiss from Marcus. Hindi niya naman maipaliwanag ang saya na nararamdaman ng puso niya everyday mula ng araw na iyon. Marcus is courting her right now and he's doing everything right yun nga lang ayaw naman niyang hayaan lang na hindi nito paghirapan ang pagsuyo sa kanya. Ilang beses kaya siyang umiiyak dahil dito tapos sasagutin niya lang agad? Di naman ata fair yun.
On the other hand tuloy pa din si Chloe sa pangungulit kay Marcus. They've settled it among themselves na may the best woman win. Hindi siya mga baliw na magsasabunutan o magsisigawan dahil kay Marcus. They will do this in the way na walang eskandalo o walang pahiyaan. Hahayaan nila si Marcus magdecide and deep inside she believes that the attention she's been getting from Marcus makes it clear kung sino ang pinipili nito. Hinahayaan niya lang si Chloe na matanggap din ang desisyon ni Marcus.
"Yes Pa?" She smiled and approached him. Hindi naman ito galot or mukhang inis, his face just looked and calm and collected kaya she did not think anything of it.
"May gusto lang sana akong itanong sa iyo." Sabi nito.
"Ano po yun?" She waited until he spoke again.
"Nanliligaw ba sa iyo si Marcus?" Hindi siya makapagsalita agad dahil nagulat siya sa tanong nito. It really caught her off-guard.
"Uhm, ano po kasi—"
"Sagutin mo lang ako ng totoo anak, hindi naman ako galit." Ngumiti ito. He did look happy, okay lang ba dito si Marcus?
"Ahm, opo." She said hesitantly.
"Tinatrato ka ba naman niya ng ayos?" Her father asked.
"Opo Papa, palagi naman po kahit dati pa." She smiled. Ang tagal na nilang magkaibigan, ang tagal niya na din na dinasal to kaya ang saya niya na finally tinupad na ni Lord yun.
"Nagpaalam sa akin yang batang yan noong dinala yung kotse na ginagamit mo." Ngumiti ang kanyang Papa. "Masaya ako na masaya ka anak, alam namin ng Mama mo na matagal mo na siyang gusto."
"Papa naman," nahihiya niyang sabi dito.
"Anak, matanda ka na. Alam mo naman na ang tama sa mali. Mabait na bata yang si Marcus at kita kong mahal ka niya. Ang mahalaga ay maging masaya ka. Okay?" Hindi niya napigilan na yakapin ang kanyang ama bigla. She is and will always be a Daddy's girl.
"Oh, anong drama niyong mag-ama diyan?" Lumabas bigla sa kusina ang kanyang ina. Alam na din kaya nito na nililigawan siya ni Marcus?
"Etong anak mo tinanong ko tungkol kay Marcus."
"Umamin naman? Noong isang linggo pa yan parang nanalo sa lotto ang ngiti eh." Natatawang sabi ng nanay niya. "Sinimulan na bang manligaw?"
"Ma!"
"Nako anak, natural lang yan. Basta magpakipot ka naman ng kaunti ah? Alam namin na college mo pa siya gusto." Hindi niya akalain na matagal na pala alam ng mga magulang niya ang pagsintang pururot niya kay Marcus. Bakit kaya wala man lang sinabi ang mga ito sa kanya noon?
BINABASA MO ANG
It's Always Been You | ✅
عاطفيةBFF Series #4: Loraine Gayle S. Pacifico Who would have thought na ang pagiging late ni Lorie for the first time ang magiging cause ng muli nilang pagkikita ni Marcus? Lorie never really had that much self esteem. Hindi niya alam kung bakit ganun...