IT WAS PURE WEDDED BLISS for Chesca and Calvin, love at first sight ata itong dalawang to. They look so happy, looking at each other's eyes, that's the magic of love. Kanina sa wedding ceremony all they had were kind words and strong promises for each other. Hindi mo maipagkakaila na mahal na mahal nila ang isa't isa. Medyo naiinggit nga siya kasi buti pa ang majority ng mga kaibigan niya may mga love life na, may mga taong binabalik yung pagmamahal nila habang siya heto hinuhulaan pa din kung ano nga kaya ang meron sa kanila ni Marcus."Hey, tulala ka na diyan?" Tanong ni Marcus sa kanya.
"Ha? Hindi no." She smiled. "Kain ka pa? May gusto ka pa ba?"
"Wala naman," he assured her. "Ikaw? I can get you anything."
"Sus, wag na. Okay na ako. Kahit nting kain pa baka mahalata na ang tiyan ko sa suot kong to." Medyo tight fitting kasi ang suot niya kaya ayaw niyang kumain masyado dahil baka maging masagwa ng tingnan sa kanya.
"Kumain ka kung gutom ka pa, you've been up and about since early this morning. Masama naman na gutumin mo ang sarili mo. You'll still look gorgeous in that dress regardless." Ngumiti ito sa kanya and her heart skipped a beat for the nth time. Lecheng lalaki to, it's as if he knows all her heart's trade secrets.
"Okay! Hello again everyone! We are on to the last leg of the party!" Anunsiyo ni Addy na siyang host ng wedding reception. She's been out and about since she and Jake Francisco became an item, ibang energy ang nabibigay ng pagmamahal talaga. Hindi man nila lantaran na pinapaalam makikita mo naman sa kilos nila na mahal nila ang isa't isa. "Time for all you single ladies and single men out there to come on up and join us for the garter and bouquet toss."
Masayang nagtayuan ang mga tao, some were her friends, yung iba kamag-anak ng mga kinasal. Si Lorie naman ay hindi man lang gumalaw sa kinauupuan niya. She was well hidden behind a concrete post kaya naman hindi na siya mapapansin na andoon.
"Wait lang kulang to, may nawawala." Narinig niyang sabi ni Addy sa mikropono. "One of our friends is missing Ches, hahanapin ko ba para sumali?"
Loko talaga ang mga kaibigan niyang to. May mga angkin din na kalokohan kasi sumigaw halos sabay-sabay ng oo. Gusto na niyang magtago sa ilalim ng la mesa ng biglang tawagin ang pangalan niya.
"Tinatawagan po ng pansin si Ms. Loraine Pacifico! Request ng bride na sumali ka dito. Halika na. Malay mo may prince charming na makasalo ng garter!" Nagtawanan ang lahat kaya naman napatayo na lang siya kaysa naman hanapin pa uli siya. "There she is!"
"Baliw." Pabulong niyang sabi kay Addy ng makalapit siya. Tinawanan lang siya nito bago nagsalita muli.
"Para naman mas exciting at may thrill sabay na sasalo ang mga single ladies natin at single men. You know the drill, lahat ng single diyan na mga lalaki please come on over and join us."
Nagulat siya ng makita niyang sinundo pa ni Jake si Marcus sa kinauupuan nito. May mga saltik talaga ang mga tao dito. Huminga na lang siya ng malalim at pumwesto sa may bandang gilid para naman medyo sure na hindi mapupunta sa kanya ang bouquet pero parang tanga lang talaga ang tadhana na parang bolang binato lang sa kanya ang bridal bouquet. It hurled towards her kaya naman wala na siyang nagawa kundi saluhin ito. Everyone cheered kasi may mga nakasalo na and to her horror ay ang kapatid ni Calvin ang nakasalo noon.
"Uy, looks like we have our pair! Lorie and Charles!" Anunsyo ni Addy sa lahat.
Nilingon niya si Marcus only to be confused by how he looked. Nakakunot ang noo nito at mukhang inis pa. He did not look pleased, at all. Akmang maglalakad papalapit sa kanya si Marcus ng magsalita bigla si Charles.
BINABASA MO ANG
It's Always Been You | ✅
RomanceBFF Series #4: Loraine Gayle S. Pacifico Who would have thought na ang pagiging late ni Lorie for the first time ang magiging cause ng muli nilang pagkikita ni Marcus? Lorie never really had that much self esteem. Hindi niya alam kung bakit ganun...