35: Pledge

4.3K 140 9
                                    


"HINDI MO PA DIN BA GUSTO UMUWI?" Marcus asked for the nth time. Kanina pa itong dinidistract ni Lorie kasi hindi pa daw tapos nag pag-aayos dun sa venue kung saan gagawin ang surprise 29th birthday nito.

Everything has been all and well for the past few months for them, doble kayod sila to get the merger running. Hahayaan ba naman niya na si Marcus lang ang busy para dun? Lorie has taken over majority of the job of Selbago's CEO para naman mas makapag-focus si Marcus sa gusto nitong mangyari para sa merger. He's doing his very, very best para naman maging proud din ang ama nito for what he can achieve.

"Wait lang, mga 11 PM tapos na ako. Alam mo naman na ayaw kong may maiiwang trabaho." She did her best sad puppy look imitation with matching batting of her lashes pa. Hindi pupwedeng umalis na sila. Paano na yung party? "Pleaseeee?"

"Oh how can I resist? Pero may kapalit." He smiled and she knew, medyo tumayo siya ng kaunti to meet his lips. Isang kiss lang naman ang katapat nito eh.

"Yan ah, I sealed the deal." She smiled.

"That and one more thing, wala naman tayo pasok bukas. Can we go on a date?" Tanong nito, mukhang may birthday plan na ito ang kaso she has to let him on na hindi niya natatandaan ang birthday nito.

"Bukas? Nagpapasama si Mama sa mall eh. Bibili daw siya ng susuotin sa graduation ni Lena, malapit na yun eh." She said without even looking at him.

"Ha? Pwede ko naman kayo sunduin tapos after nun ihahatid natin si Tita tapos date na tayo."

"Can't we go on Sunday? Whole day free ako. Minsan lang mag-request si Mama eh." Tiningnan niya ito and you can really see na malungkot ito at disappointed.

Sorry love, di na happy yung surprise kung makikita mo yung sobrang excitement ko.

"I guess," he sighed. "You're right, minsan lang magrequest si Tita sayo. If you get home early maybe we can eat dinner."

"More like it, you always see me here love. Ma-miss mo naman ako ng kaunti. Sabi nga nila, absence makes the heart grow fonder." Nginitian niya ito bago muling nagfocus sa ginagawa. She has to pretend na sobrang halaga pa din ng ginagawa niya kasi may twenty minutes pa bago sila umalis. Saktong-sakto lang siguro ang dating nila sa venue if they leave by then.

Matagal din silang nag-brainstorm ng Mama ni Marcus hanggang sa naisip nila ang isang massive birthday salubong surprise para dito. They wanted to do something out of the box kaya naman inimbita nila lahat ng mga kaibigan ni Marcus, mga katrabaho, at ang mga pamilya nila para salubungin ang birthday ng binata. His father even flew home with Marcus' sisters para lang sa party na ito. She can feel him warming up to her little by little.

"Okay na ako, we can go." Kinuha niya ang susi na nakapatong sa table niya. Coding kasi ang sasakyan ni Marcus ngayon kaya siya ang driver. Sinundo niya ito kaninang umaga bago pumasok sa office.

"Ah, okay." Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa couch. He's been so quiet the past few minutes na feeling niya ay nagtatampo na ito. "Let me drive."

"Wag na, ako na lang." She smiled. "Plus, I have another favor. Alam ko pagod ka na pero I requested the care taker of the venue I rented for Selbago's anniversary if pwede ko masilip yung lugar. Ito na lang kasi yung time na meron ako. Pumayag siya kasi may event daw bukas ng 6 AM kaya may catering na din doon na nag-aayos. Hanggang 1 AM daw may tao kaya pwede ba tayong dumaan?  I need your opinion din kasi. At least may design na natin makikita."

"For the company anniversary in three months? Inaasikaso mo na yun?" He wondered. Kaya ang dami mo na nakakalimutan eh." May himig ng pagtatampo ang boses nito. Alam niyang ang birthday nito na supposedly nakakalimutan niya ang pinagmumukmok nito.

It's Always Been You | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon