"KAILANGAN TALAGA NATIN SABAY NA MAGLAKAD?" She asked Marcus. Natatawa siya kasi naglalakad sila ngayon sa BGC habang pinapayungan siya nito. Sinundan kasi siya nito dito dahil may meeting siya sa labas. Hindi niya naman maintindihan talaga ang trip ng isang to. Persistent sa pagpapakilig sa kanya."Nakisabay lang ako papunta dito." He smiled. "Miss na kita eh. Coding yung sasakyang dala ko kaya iniwan ko na lang sa office."
"Sus. Bumalik ka na sa office kasi may meeting pa uli ako at wala din akong dalang sasakyan." She smiled back at him, mocking him slightly. She liked commuting at times at isa ito sa mga panahon na ito, it helps her think about things.
"Aw, really? Magpapadala ako ng sasakyan." Akmang kukuhain na nito ang cellphone mula sa bulsa.
"Okay, you go ahead. Mag-MRT ako papuntang QC." Kinuha niya ang payong sa lalaki at huminto sa designated bus stop patungo sa MRT. "Dun ka na lang sa coffee shop dun at baka pawisan ka."
"Are you kidding me? Wag na. Mabilis lang darating yung sasakyan. I can drive you anywhere." Pagpupumilit nito. It would be more convenient pero di niya feel ngayon.
"Kulit. Ayaw ko nga." She stopped and looked around. "Oh, ayan na yung bus oh. I'll go ahead."
Hindi na niya nilingon pa si Marcus, sobra na ata ang intake niya sa lalaki kaya kinikilig nanaman siya. Iiwan niya muna at baka naman hindi na siya makapag-isip para sa susunod niyang meeting. Lorie didn't bother to sit anymore kahit na may mga upuan pang libre and she just looked out the window para tanawin si Marcus but he wasn't standing there anymore.
"You think maiiwan mo ako ng ganun kadali? You're stuck with me." Nagulat siya kasi iginiya siya nito sa upuan at pinaupo. He stood up beside her as if protecting her sa mga pwedeng bumangga sa kanya while sitting. Ngiting-ngiti lang ito na parang baliw.
"Hindi ka naman marunong mag-commute eh. Bumalik ka na sa office." Mapapagod lang ito.
"Edi turuan mo ako." Ngumiti lang ito. Baliw nga naman. Ayaw pa naman niya sa coach na kasama yung mga lalaki kasi masikip. Hay nako, di naman niya to matitiis diba?
Nang makarating sila sa MRT ay madaming tao pero hindi kasing dami kapag umagang rush hour talaga. Tolerable pa lalo na at alas onse na ng umaga, medyo humawan na ang mga pasahero.
"Eto yung card mo, okay? Ipasok mo siya dun sa slot sa entrance papunta sa train platform." Inabot niya dito ang isang single journey card bago sila naglakad sa turnstile kung saan ipapasok ang card.
It was definitely fun watching Marcus experience all these things. Sanay na sanay kasi ito na hatid-sundo or nagmamaneho ng sarili. Maganda naman kasi na ma-experience nito ang ganitong lifestyle. It's sort of humbling kasi for him.
"Bakit ka dito? Hindi ba hiwalay ang coaches for women?" Tanong nito noong pumula din siya sa mixed coach, mukha naman kasing may space at hindi overly jam-packed kaya doon na lang siya para samahan ito, baka mawala pa to kung hahayaan niyang mag-isa.
"Sasamahan kita." She smiled. "Tsaka hubarin mo na yang coat mo please. Ang init na kaya."
"I like that you're concerned for me."
"Kailan ba ako naging hindi concerned sayo, aber?" She asked him, palagi naman siyang may paki dito kahit na sa anong situation.
"You made a point there," sabi nito bago hinubad ang coat.
"Hindi ko naman kasi alam kung bakit ka naka-coat. Mainit sa Pilipinas, wala ka sa office kaya okay lang na relaxed ka." Inayos niya ang collar ng suot nitong polo na puti. Kinikilig ulit siya kasi parang legit girlfriend level na siya. Well, siya naman ang ayaw pang gawin legit yung relationship nila kaya kailangan panindigan niya. She has to give herself and Marcus time to figure out if this is really what they both want.
BINABASA MO ANG
It's Always Been You | ✅
RomanceBFF Series #4: Loraine Gayle S. Pacifico Who would have thought na ang pagiging late ni Lorie for the first time ang magiging cause ng muli nilang pagkikita ni Marcus? Lorie never really had that much self esteem. Hindi niya alam kung bakit ganun...