Hindi ko alam kung anong saltik nitong Wattpad ngayon. Huhuhu. Hope you can read it na! Please VOTE for the chapter again kasi zero votes na uli siya and it just makes me sad. 😭😭😭 Should you have any problems still just let me know. Thank you!
"SINO KA?" SHE ASKED pulling in her arms back to herself. After one man harassing her hindi niya alam na kung bakit magtitiwala siya sa isang to. Looks can be deceiving, kahit na mukha itong mabait ay baka hindi rin naman pala.
"Relax, I'm Kenneth Arthur Salva." May kinuha ito sa bulsa ng suot nitong coat. "Here's my ID. Tumawag na ako ng pulis para kuhain yang lalaking yan."
"T-thank you." She said bago lumabas ng tuluyan sa sasakyan. She was still somehow shaking from what happened to her. Hindi naman kasi niya akalain na magagawa sa kanya iyon ni Carlos.
Napansin niyang hinubad ng lalaki ang coat nito bago ipinatong sa kanyang balikat. He smelled nice and his coat felt warm, baliw man pero may sense of safety siyang nararamdaman. It's nowhere near what she feels kapag kasama niya si Marcus pero it's still comforting. Maya-maya lang ay may mga guards at ilang pulis ng dumating sa dulong parte ng parking lot na iyon. In an instant may malaking commotion na doon. Siguro dahil kilalang area ito kaya ganun.
"May masakit ba sayo or anything? Pwede kitang dalhin sa hospital." Sabi nito sa kanya.
"No, I'm fine. Okay naman ako. Salamat talaga sayo." She smiled.
"Wala yun, I couldn't resist lalo na nung nakita kitang umiiyak." Paliwanag nito. "You shouldn't be going on dates with guys like that and men like them shouldn't be allowed to date. At all."
"I agree. Pasensya ka na sa abala. Ikaw ba nasaktan? You knocked him out pretty good." Nilingon niya uli si Carlos na itinatayo naman nung security guard at nung pulis. Kung hindi lang siya nakabestida ay malamang sinipa-sipa na niya ito.
"Hindi ko nga pala natanong pangalan mo." Sabi ni Kenneth.
"I'm Lorie—"
"Lorie! Lorie!" Nilingon-lingon niya kung saan nangagaling ang boses and there she saw Marcus running towards her. Ang ikinagulat niya ay kasama nito si Tita Ingrid looking equally concerned. Walang kaanu-anong niyakap siya bigla ni Marcus. "There you are, anong nangyari sayo? Tinatawagan kita. You had me scared."
"O-okay na ako. Sorry ikaw kasi ang nakalagay sa SOS alert ng phone ko." Pigil naman niya ang pag-iyak. Wala na siyang paki kung hindi tamang yakap siya nito. She needed him to hug her tight. Okay na siya kanina eh, bakit ngayon para siyang bata, clinging on to Marcus like crazy?
"Wag mong babaguhin yun. I will go wherever you are lalo na kung emergency." Bumitaw ito sa pagkakayakap para tingnan siya. "Anong nangyari?"
"W-well," hindi niya masimulan kung papaano magkukwento. Tama bang ikwento pa niya? Tapos naman na.
"That man almost raped her," sabay nila halos nilingon si Kenneth na nakatayo sa gilid ng sasakyan ni Carlos.
Hindi niya maipaliwanag yung biglang pagbabago ng expression sa mukha ni Marcus hanggang sa biglang pagdilim ng hitsura nito. He was angry. Nilingon nito si Carlos na ngayon ay nakabangon na at hawak na ng isang pulis. Hindi niya nahawakan bigla si Marcus kaya sumugod ito kay Carlos, punching him again. Kahit ata yung pulis hindi mapigilan si Marcus sa pagbugbog nito sa lalaking yon.
"Marcus tama na, ikaw naman ang makakasuhan niyan eh!" She said as he was pulling him away from Carlos katulong ng isa pang pulis. Natataranta na talaga siya kasi nakita niyang may panibago na itong sugat sa mukha.
"Walang hiya ka! What the hell did you do to her?" Sigaw ni Marcus habang pinipigilan niya ito. They can barely contain him.
"Marcus, please. Tama na. Halika ka na!" She pulled him by his hand. Hinawakan na niya iyon to make sure na hindi na ito tatakbong pabalik kay Carlos. Kakaibang galit ang nakikita niya sa mga mata nito. He was so furious. "Tama na, please!"
BINABASA MO ANG
It's Always Been You | ✅
RomanceBFF Series #4: Loraine Gayle S. Pacifico Who would have thought na ang pagiging late ni Lorie for the first time ang magiging cause ng muli nilang pagkikita ni Marcus? Lorie never really had that much self esteem. Hindi niya alam kung bakit ganun...