"YOU HAVE BEEN AVOIDING ME." Nagulat siya ng biglang may maupo sa harap niya habang kumakain siya sa Jollibee."Jusko naman, papatayin mo ba ako Marcus?" she nearly shouted dahil sa kaba. Nakakahiya naman kung nangyari yun. Trademark na nito recently na gulatin siya via sitting right in front of her in random places.
"Kilala mo pa pala ako." He sighed.
"Wag ka ngang madrama, ang OA mo." She just said as she continued eating her food.
"Why are you avoiding me?" he suddenly took her drink and took a sip from it. Anak ng tekla talaga tong isang to. Alam ba niyang indirect kiss na yun? Pero oo nga pala, asa naman na alam nun yun and if ever na alam nga nito malamang wala naman siyang pakialam. Kalma ka lang Lorie.
"Hindi kita iniiwasan no." Kumain na lang siya, avoiding eye contact kasi baka kung anu nanaman ang makita niya sa mga mata nito at di nanaman niya mapigilan na magustuhan ito. Malamang ay 'one look at ayun iba na' nanaman ang drama niya. Kalokang buhay to. "Kumakain ako ng matiwasay dito. Kumain ka din kung gusto mo."
"Pero bakit lagi kitang di naaabutan before lunch? Lagi kang may pinuntahan na staff pero wala ka naman sa area o minsan nag-CR. Did I do anything to offend you?" Eto na, wala nanaman siyang choice at kailangan na niyang tingnan ang lalaking to. Di ka talaga makakatakas sa kanya Lorie. Laki ng problema kasi nagustuhan mo ang bestfriend mo.
"Wala no," she smiled. "Palagi lang talaga tayo nagkakasalisi."
"Such coincidence," he said sarcastically. "Baka naman iniiwasan mo lang talaga ako."
"Bahala ka nga diyan, di kita iniiwasan. Clingy mo." If Lorie's anything like Pinnochio siguro ay mahaba na ang ilong niya. She is avoiding him if only for the sole reason of keeping herself in check. Ayaw niyang lumala pa ang pagkagusto niya sa lalaking ito.
"Nagtatampo na ako sayo." He said.
"Ano ka 7 years old?" she asked while holding back a laugh. "Masyado ka ng matanda para magtampo."
"Masyado ka na din matanda para umiwas sa akin." Sabi nito. "Look at me Loraine."
"Ooops, Loraine na tawag mo sa akin." She mocked him, baka kasi mainis at umalis na lang. isang linggo na din niyang ginagawa to. To break character would be a terrible sin.
"Loraine, isa. Tingin ka sa akin." The she indulged him finally, praying to God na mabalik niya pa yung No-Marcus streak niya. Apat na taon niya ginawa yun pero bakit ngayon parang 4 minutes lang yun?
"Ano?"
"What's up?" he asked.
"You wanna know what's up?" she dared him.
"Yes, kaya nga kita tinatanong."
"Ikaw kasi..." then she paused para mas dramatic. "Everyone's asking me about you. Who are you, how were you back then, what do you prefer, what type of people do you usually feel comfortable with, kulang na lang yung what are you eh."
"So?" kinunot pa nito ang noo. "Don't you wanna answer them?"
"Responsibility ko ba na sabihin sa kanila lahat ng sulok ng buhay mo?" she asked.
"Well, no." Tapos napaisip ito. "Eh, bakit mo nga ako iniiwasan."
"The less they see of me with you, baka less questions. Diba?" yun na lang. Yun na lang ang palusot niya. Alangan naman sabihin niya na nasaktan siya dahil sa sinabi nito na 'bros' sila. That is a big no-no. alam niya man na di sila pwede ayaw naman niyang itaboy ito. "And they've been bothering me na ayain kang kumain with us. Ayaw ko nga."
BINABASA MO ANG
It's Always Been You | ✅
RomanceBFF Series #4: Loraine Gayle S. Pacifico Who would have thought na ang pagiging late ni Lorie for the first time ang magiging cause ng muli nilang pagkikita ni Marcus? Lorie never really had that much self esteem. Hindi niya alam kung bakit ganun...