36: Special

4.4K 145 10
                                    


"EVERYONE'S STARING," bulong ni Lorie sa nobyo habang nagsasayaw sila.

They've been at it for nearly 10 months pero hindi pa din nila pinagkakalat. Professional sila sa opisina kaya naman wala siguro nakakahalata pero ngayong gabi it's quite evident especially now that they're slow dancing to a love song.

"Let them stare." Sabi lang ni Marcus habang nakahawak sa kanyang beywang. This is what Lorie likes most about their relationship. They don't give in to the pressure of what other people think, ang mahalaga palagi ay masaya sila at tanggap sila ng kani-kanilang mga pamilya. It's a really good formula if you want your relationship to grow. Hindi naman kasi kasama ang ibang tao kaya bakit kailangan pang isipin ang mga iniisip nila. "Naiinggit lang sila kasi I have the most beautiful girl in my arms tonight."

"Lalo naman ako, I have the sweetest, the kindest, the most loving at syempre ang pinakagwapong lalaki ngayong gabi." Kung maririnig siya ng mga kaibigan nila ay malamang nabatukan na siya ng mga ito. Hindi niya akalain na magiging sobrang corny niya pala. "Di lang pala ngayong gabi, palagi pala."

Noong huminto ang kanta ay bumalik na sila sa kanilang lamesa, malapit na din matapos ang gabi lalo na at tapos na lahat ng formalities ng party, this is the time everyone can dance, drink, and party all they want. Panandalian siyang nakipagkwentuhan sa mga kasama nilang guest sa table bago lumipat sa ibang mga table para naman mag-estima ng mga bisita.

Maya-maya ay kinuha niya ang cellphone niya sa kanyang bag at nagulat siya na may isang katerbang missed calls mula sa Mama ni Marcus at sa mga kapatid nito. She immediately scrolled her messages at nagulat siya sa nabasa. Medyo nanghina ang tuhod niya dahil na din sa takot at kaba. Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at hinanap niya na agad si Marcus.

"Marcus, halika muna." Hinila niya patayo ang nobyo at dinala sa labas ng function hall ng hotel na nirentahan nila.

"Love, ano yun?" Nag-aalalang tanong nito. Huminto sila sa mga may gilid ng floor kung nasaan ang event hall.

"Hindi mo ba dala ang cellphone mo? Tita has been calling us since an hour ago." Hindi niya alam kung papaano niya ipapaalam dito nag nangyari. Kahit siya ay naiiyak sa nalaman. "They rushed Tito to an hospital. He had a heart attack."

"Ano!?" Panic rushed all over his face. Lorie just wants to comfort him pero hindi niya din alam kung papaano kaya niyakap niya na lang ito.

"Let's call them okay?" Sabi niya noong bumitaw siya sa pagkakayakap ni Marcus. "Tito will be fine. Okay? Tatawagan natin sila to know what's happening."

Parang eternity yung tagal habang nagri-ring yung telepono. Hindi niya alam kung dahil long distance call ba kaya mas matagal o dahil mas kinakabahan lang sila. Finally after the nth ring ay sumagot na ang ate ni Marcus. She told the, what happened and you can hear na kakaiyak lang nito. Nasa ICU daw ang kanilang ama dahil nagkaroon ito ng massive heart attack and he's going to undergo a bypass operation. Mabuti na lang at magkasama na uli ang Mama at Papa ni Marcus dahil nagsimula na uling magkaayos ang dalawa kaya naman nakita ito agad at nadala agad sa ospital it could have been worse kung wala itong kasama.

"Anong gagawin ko Lorie?" Umupo ito sa upuan na naroroon. Hinarangan niya ito so that no one else can see him disoriented like that.

"You have to go there love," sabi ni Lorie, she could not think of anything else but that. His family needs him now, lalo na ang Papa nito. "Kailangan ka ng pamilya mo dun, lalo na ng Papa mo. You have to step up for him now."

Biglang tumunog muli ang cellphone ni Lorie. It's Marcus's mom kaya naman agad din niyang ibinigay ang telepono dito. Basa niya sa mukha nito ang sobrang pag-aalala. Matagal din nag-usap ang mga ito bago ibinaba ni Marcus ang tawag.

It's Always Been You | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon