IT'S AUDIT SEASON AND EVERYONE in the Finance Department is neck deep in a shitload of work lalo na si Lorie kasi karamihan ng mga papeles na hinahanda nila para sa external audit ay siya ang nag-asikaso. Maya't maya ay may mga utos na pinapakuha sa kanya o pinapahanap na file. Punyemas na mga boss niya to, hindi na nga sila ang gumawa eh hindi pa mahanap ng mga ito sa collective drive nila na ginawa at nilagay niya dun. Ang mantra ni Lorie ay 'matatapos din to at may bonus', paulit-ulit niya lang na sinasabi yun sa sarili niya.Hindi pa niya uli napupuntahan si Marcus mula noong isang araw kasi sa dami din ng ginagawa nito. Hindi lang naman ang Selbago ang hawak nitong company sa Pilipinas kaya hating-hati talaga ang attention nito sa trabaho. She's settled now with the thought na masaya na siyang ganito siya para kay Marcus. She's a confidante and she's okay with it. Okay na yun kaysa naman sa wala ito.
"Ms. Pia, kailangan ko lang lumabas kasi kailangan ko lang i-meet yung representative ng isa nating kusap na company. May hinihingi lang ako sa kanilang files. Babalik din ako kapag natapos na po ako dun." May nawawala kasi silang transaction slips and she's getting copies from the other company. Yun nga lang ay sa Malabon pa ito kaya malayo-malayo pang byahe iyon.
"Alright, may meeting din kami with sir Marcus kaya yan na muna ang asikasuhin mo." Then she turned back to her desk and continued reading the reports in front of her, mukhang nagpapakitang gilas ang mga to sa boss nila ah.
She immediatelt left the office at hindi na siya nagpaalam pa kay Marcus kasi busy din ito malamang. Last night he said his father called with complaints at inis na inis ito, he's trying his best pero syempre ang bigat ng responsibilities na binibigay dito. She just tries to comfort him and encourage him kaso yun nga lang may mga bagay talagang hindi mo kayang i-control, Marcus is frustrated.
***
MASAMA NA TALAGA SIGURO ang gising niya kaninang umaga, he was still pissed dahil sa dami ng trabaho na biglaan na binibigay sa kanya ng ama niya. He's struggling to keep up lalo na at hindi pa naman niya gamay ang lahat ng kailangan niyang gawin. He has Selbago and another company na apparently ay siya na din daw ang hahawak since his father is expecting him to be trained before he is fully trusted with the main corporation. Kung tatanungin naman siya ay masaya na siya sa isa, masaya na siyang may nagagawa siya pero to his father he can't seem to be enough.
"Andito na ba lahat?" he asked. Pinatawag niya kasi lahat ng mga managers ng limang teams sa finance department. It is almost audit season and they have to prepare for it the same way that their external auditors need to do their jobs. Mahirap ng malusutan ng kahit na anong problema. They have to anticipate the problems before there are any.
"Yes sir," masayang sagot ng lahat. He hates people who act like this in front of him. Sa dalas na mangyari nito ay alam na niya kung sino ang plastic at kung sino ang kaya niyang pagkatiwalaan. One of those few people is Loraine, she's been honest to him since day one.
Ang dapat na kausap niya ay ang Chief Finace Officer nila o ang CFO kaso naka-emergency health leave ito. She's in the US to seek treatments kaya naman ang mga managers ang kakausapin niya kasi kahit iba-iba ang mga hawak nito ay malamang ay mabubuo naman nila ang mga trends at issues kung magkakasama ang mga iba-ibang segments.
"So I called this meeting so that we can foresee any problems long before we get audited. Ayaw kong magkaroon ng mga problema kapag dumating ang audit season. That will be unforgivable." He said.
"Pero hindi ba trabaho ng auditors natin yun? They will notify us kung may problema naman." Sabi ni Albert, ang head ng international orders nila. He holds one of the biggest teams in this company and it involves a lot of money kasi doon galing ang majority ng kanilang mga kita.
BINABASA MO ANG
It's Always Been You | ✅
RomansaBFF Series #4: Loraine Gayle S. Pacifico Who would have thought na ang pagiging late ni Lorie for the first time ang magiging cause ng muli nilang pagkikita ni Marcus? Lorie never really had that much self esteem. Hindi niya alam kung bakit ganun...