"GOOD MORNING," bati niya kay Marcus when he woke up. Natawa siya kung paano muntik ng mapagulong pabagsak sa sahig si Marcus dahil sa gulat nito sa kanya. "Oh, baka mahulog ka diyan.""Malapit na," he said looking at her. There was something in his eyes that she can't quite explain. "Hindi ka umuwi?"
"Good morning din ah, aga-aga ang suplado nito. Umalis lang ako saglit kagabi pero di ako umuwi. What kind of person would I be kung iiwan kita dito?" Inalalayan niya itong bumangon ng tuluyan, mataas pa din ang lagnat nito kaya mukhang masama pa din ang pakiramdam nito. Ngayon niya lang actually nakitang nagkasakit ang lalaki. It was always him na nagpapagalit sa kanya kapag siya ang nagkakasakit which is madalas before. "Oo nga pala, you have to eat breakfast tapos may darating na Med Tech to get blood again."
"You should go home, rest. May trabaho ka pa with Adea diba?" tanong nito.
"Nagsabi naman na ako sa kanya." She said.
"I can manage here, baka nagugulo ko lang ang schedule mo." He still looks weak kaya asa naman na magawa niyang iwan ito.
"She knows naman na andito ako, okay lang sa kanya." She explained.
"Sorry naaabala pa kita, I can get someone to stay here." Gusto niyang pisilin ang pisngi nito kung hindi lang talaga ito masasaktan.
"Hindi rin naman ako magpapapigil." She smiled. "Pero siyempre baka ikaw naman ang may ayaw na ako ang nagbabantay sayo-"
"Nonsense, ayaw ko lang na maabala ka. I've bothered you enough." His eyes looked sad, hindi niya tuloy alam kung dahil may sakit lang ito o talagang ganun ang expression sa mukha nito.
"Kung yun lang problema mo, wag mo ng isipin. Bumabawi lang ako sa lahat ng pagbabantay mo noon sa akin. Dami ko utang sayo eh." She said as she went to the mini-kitchen in Marcus' room. Pa-sosyal na ng pasosyal ang mga hospital ngayon.
"Kulang pa nga yung mga yun eh." She heard him whisper. Hindi niya na lang pinansin ang pagdadrama nito.
"May gusto ka bang pagkain? Nagdala si Papa ng nilaga, lugaw, at yung sopas." She was rummaging through the containers.
"Nagpunta na din si Tito?" Tanong nito.
"Oo, dinalhan ako ng damit at yung pagkain tapos yung tawa-tawa tea daw." Bumalik muna siya sa tabi ni Marcus kasi gusto ata nitong tumayo. Tutupiin na sana niya ang kumot nito ng biglang hawakan nito ang kamay niya. Understatement of the century kung sasabihin niyang kumabog yung puso niya, tatalsik na ata yun mula sa dibidib niya.
"You might think I'm cliny again pero if only I can tell you how happy I am na andito ka, I would." He held on to her hand with that sincere voice and peircing look.
"Hinay ka ah, baka ma-in love ka." Then she stopped, hindi niya namalayan na lumabas yun galing sa bibig niya kaya naman tumawa siya ng malakas. Parang wala naman ito kay Marcus kasi ngumiti lang ito sa kanya bago pa niya mabawi ang sinabi. "Joke lang, baka mag-feeling ka diyan. Ano nga kasi gusto mong kainin?"
"Ikaw na bahala," he smiled.
"Okay," then she hurriedly walked back to the mini-kitchen. "Yung lugaw yung iiinit ko ah."
"Alright," he said. "Do you have my phone? Magpapakuha ako ng gamit sa condo."
"No need, I drove there last night. Kinuha kita ng mga damit. Sabi ng nurses baka daw 3-4 days ka dito so I got a lot. Nasa closet." Then she took at peek at him. "Hindi na ako nagpaalam kasi di ka naman papayag. Naglabas ako ng damit mo diyan sa may kama."
"Thank you," he said.
Dinala na niya ang nainit niyang ligaw sa la mesa sa tabi ni Marcus. She's here to take care of him, aalagaan niya ito hanggang pwede, hanggang may sense, hanggang kailangan siya nito andito siya. Yun ang sinabi niya sa sarili niya. Tanga naman na kasi siya kaya sasagarin na niya.

BINABASA MO ANG
It's Always Been You | ✅
RomanceBFF Series #4: Loraine Gayle S. Pacifico Who would have thought na ang pagiging late ni Lorie for the first time ang magiging cause ng muli nilang pagkikita ni Marcus? Lorie never really had that much self esteem. Hindi niya alam kung bakit ganun...