"HOW LONG HAVE YOU BEEN HERE?" Tanong ni Marcus sa kanyang ama habang nasa isa silang kilalang hotel sa Maynila. He called him a few hours ago para makipagkita daw. Hindi niya naman maiiwasan ito kaya naman pinaunlakan niya na ito."Kadadating ko lang." he said. Hindi alam ni Marcus kung kailan nagsimula ang pagiging aloof nilang mag-ama sa isa't isa. His father just doesn't seem to accept any of his decisions.
"What is it that you want?" Gusto na din niyang umuwi ngayon kasi dadaanan niya si Lorie sa bahay nito kasi dalawang araw na itong work from home kasi may mga meetings at masama daw ang pakiramdam. Unang araw pa lang nitong hindi pumasok ay pinuntahan niya ito pero tulog na daw dahil masama nga ang pakiramdam.
"Masyado ka naman atang nagmamadali. We have company for dinner." Sabi na at may ibang motibo ito sa pagpapapunta nito sa kanya. This wouldn't be his father if there wasn't any ulterior motives behind his action.
"I came here to see you and not join you for dinner—" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng may magsalita mula sa likod niya.
"Good evening Tito," lumapit si Chloe sa upuan sa tabi niya at naupo. "Thank you for inviting me and my dad to dinner."
"Walang anuman," ngumiti ang kanyang ama at binati ang ama ni Chloe na naupo na din. "Kamusta ka Arturo?"
"Ayos naman ako Damian, it's good na finally ay makakausap na natin itong mga anak natin tungkol sa kanila. Chloe has been telling me good things. Mabuti at nagkabalikan na sila." Masaya nag hitsura ng tatay ni Chloe, as if pleased by all that is happening. Hindi nito alam ang totoong nangyayari.
"Nagkabalikan?" He asked. "We're far from that."
"Ikaw talaga Marcus," pinisil ni Chloe ang kamay niya. "Hindi pa official kasi Papa. Chill ka lang."
"Doon din naman papunta iyon. Ayos lang na huwag na ninyong madaliin yan." Sabi ng tatay nito.
"Am I late?" Napalingon si Marcus sa papalapit na pigura ng kanyang ina. Hindi niya akalain na pupunta ito gayong andito ang kanyang ama. Nilingon niya ang kanyang ama at nakita niya ang gulat sa mukha nito. "Mukhang hindi pa naman kasi wala pa kayong nao-order."
Naupo ang kanyang ina sa kabisera sa gitna nila ng kanyang ama. She looked like she's ready for war. Sa hitsura pa lang ng kanyang ama ay sigurado na si Marcus na hindi nito inimbitahan ang dating asawa sa dinner na to. She showed up on her own and his father needs to be scared. Iba na ang kanyang ina mula noong maghiwalay ang mga ito. She's learned a lot of tricks on her own.
"Pasensya ka na anak, hindi ko nasabi sayo na babalik ako tonight. Biglaan kasi ang dinner na ito ng Papa mo." Nilingon nito ang dating asawa. "Sorry I was late."
"I-it's okay." Sagot lang ni Damian.
"It's nice to see you again Ingrid." Bati ng ama ni Chloe.
"Same to you Richard." Ngumiti ang kanyang ina. "You too Chloe, long time no see."
"Oo nga po Tita eh." Mukhang naiilang na din si Chloe sa presensya ng nanay niya. "Oh, what is our agenda tonight?"
"Wala naman, pag-uusapan lang naman natin sana yung mga bata at yung mga palano nila, lalo na ang pagpapakasal." Paliwanag ng ama ni Chloe. He seems to be the only one who's clueless about everything.
"Kasal? Mukhang prepared na si Chloe ah." Nilingon ng nanay niya si Chloe. "Hindi ko alam na kayo na pala uli ng anak ko."
"Ah, eh hindi pa po uli siya official Tita."
"Ah, kaya naman pala. Hindi kasi nababanggit nitong anak ko sa akin." Tinawag ng nanay niya ang waiter na mabilis naman lumapit sa kanila. "We better eat."
BINABASA MO ANG
It's Always Been You | ✅
RomanceBFF Series #4: Loraine Gayle S. Pacifico Who would have thought na ang pagiging late ni Lorie for the first time ang magiging cause ng muli nilang pagkikita ni Marcus? Lorie never really had that much self esteem. Hindi niya alam kung bakit ganun...