29: Love

4.1K 134 12
                                    

OMG. Thank you sa 10 k reads. Super, duper appreciate it! Hopefully I can continue updating at least twice or thrice a week. Abangan niyo how this love story unfolds. Thank you so much uli! 😘

"WALA PA DIN PO BA SI SIR MARCUS, MA'AM?" Tanong ni Lily sa kanya, ang secretary ni Marcus. It's been a couple of days at hindi pa din pumapasok si Marcus sa opisina.

Lorie is blaming herself for this. Sinisisi niya ang sarili niya dahil sa ginawa niya kay Marcus. Iniisip lang naman niya ang mas makakabuti dito in the long run. He'll be happy if his father accepts him wholly. Marcus will have his father's respect, he will somehow be free. He should be happy eventually, right? Besides, he's not the only one who's miserable now, siya din at baka habang buhay niya nang pagsisihan na ito ang pinili niya. Pero kung ito ang the best, dun siya.

"May sakit siya eh." Pagsisinungaling niya dito. She has absolutely no news about what he's doing now. "Madami na bang trabaho?"

"Opo ma'am, ang dami ng tambak sa table niya. Ang dami na nga din pong nagfo-follow up sa mga pinapipirmahan po sa kanya." Halatang stressed na din ito sa pag-aasikaso sa mga naiwan ni Marcus.

She's been dealing with a lot din lately kaya at parang nanu-numb niya ang sarili niya dahil sa pagod. That's good right? Eventually, the weariness beats the pain.

"O sige, ako na ang bahala. I will sign everything na lang on his behalf." Bahala na. Trabaho din to, it will numb her pain more.

"Dadalhin ko po ba sa opisina niyo?" Tanong nito.

"Wag na puno na din ang desk ko dun. Dito ko na lang gagawin yung trabaho niya sa opisina niya." She smiled and entered the room. Madami ngang trabaho na naghihintay sa kanya doon.

As she entered his office, she hurriedly took in that familiar scent of Marcus' perfume. Ilang beses na din niyang naaamoy ng malapitan ang pabango nito, she's hugged him a lot of times. She sighed as she looked around. She misses him pero hindi pwede, siya ang tumapos kaya kailangan niyang panindigan.

Naupo na siya sa may la mesa ni Marcus. Time to work. Pero hindi naman pupwedeng basta na lang niyang pirmahan ang mga papel na nasa harapan niya. She needed to read everything, open files, and check with people. It was a hectic day with just trying to cope with all that Marcus left behind, baka kasi maging rason pa to ng problema sa mag-ama. It's best na maging okay na sila.

"Loraine, there you are! We have a problem." Dire-diretsong pasok lang ni Mr. Pontefino sa opisina ni Marcus.

"If it's about these papers patapos na po ako. I've already finished half of his and half of mine—"

"No, hindi pa kinikita ni Marcus ang investor ng Clark factory ng Selbago. He's leaving tomorrow. Galit na siya dahil ilang beses na pala niyang tinatawagan si Marcus and he's not answering his phone." Halatang nag-aalala ito, maybe both for the company and Marcus.

"Nasabi niyo na po ba kay Mr. Sy, Marcus's father?" Malamang alam naman na to ng all knowing father ni Marcus. He knows her, paano pa kay ang ganitong bagay na business na ang concern?

"Alam mong andito siya?" Mukhang gulat ito. Hindi ba niya dapat malaman na andito ito? It's not as if naman she sought after him, he wanted to see her.

"Yes, I've met with him." She threw out a fake smile to match her fake enthusiasm. Kahit naman kasi desisyon niyang layuan si Marcus ay hindi niya sana iyon kakailanganing gawin kung hindi lang ipinamukha at pinaalala nito na hindi siya ang babaeng babagay at tama para sa anak nito. "Doesn't he know?"

"No, hindi niya din alam. Hindi niya pa uli nakikita si Marcus." Umiling ito. "I've avoided telling him kasi baka maayos mo muna. His father will go ballistic lalo na at malaking pera ang mawawala sa kompanya kapag hindi tumuloy ang investor ng bagong manufacturing facility."

It's Always Been You | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon