"For the nth time Marcus, what is it?" this is the fourth time na pinatawag siya nito sa opisina, at wala pang tanghali.
Sinabi niya noon na papuntahin na lang siya sa office nito kaysa naman ito ang labas ng labas. It looked weird but apparently Marcus did not think that. The first time was reasonable, he was asking her about the report that she made. The second time, he asked about good restaurants where he can take business investors. The third time, he just wanted to ask where she'll eat for lunch. Ngayon hindi niya alam kung anong kailangan pa nito. She was about to go out to eat lunch pero nahabol pa siya ng assistant nito.
"Uy, ba't galit ka? Tatanungin ko lang kung lalabas ka na." he said while wearing the most adorable look on his face. Seeing him like this for the past three weeks is driving her insane, yung kabog ng dibdib niya everytime is getting harder and harder.
Last week sa telepono naman siya maya't mayang tinatawagan. Hindi niya alam kung anong trip nito ang sobrang kinukulit talaga siya. People are starting to talk and she's heard some things na hindi niya talaga gusto. Hay nako, kung alam lang nila kung gaano na niya katagal itong gusto pero hanggang ngayon ay wala pa din.
"Yes, I was just about to go and buy food." Nakita niyang tumayo ito at hinubad ang suot na coat. Damn, he looked sexy doing that na medyo napalunok siya. Kalma lang Lorie, kalma lang!
"Let's go, nagugutom din ako eh." Lumapit na ito sa kanya habang tinutupi ang mangas ng suot na polo. How can someone look this dashing in a plain colored polo? This should be considered as a talent.
"Huh? Wag na. bibilhan na lang kita ng pagkain." She said. Ayaw na niyang mapag-chismisan pa ng mga kaopisina.
"Why? Nahihiya ka ba na kasama ako?" ang mokong na to nagpaawa pa sa kanya.
"Ang drama mo, ikaw ang dapat na mahiyang kasama ako ano. Baka ma-chismis ka pa diyan." Sabi niya dito.
"Oh let them speak. Hayaan mo sila. When have you been too cautious about that? We're bros." Then it struck her like a 10-wheeler truck rushing towards her, na no matter what ay kaibigan lang talaga ang turing sa kanya ni Marcus. Yun ang rason kung bakit sa almost 10 years na pagkakakilala nito sa kanya ay hindi naging sila. Masakit na literal na masabi sayo na you are in the friendzone eternally. Hanggang dun ka lang and you will never, ever get out. Man, this just put Lorie down low. Di naman ito ang una pero grabe, bumalik yung lahat ng naramdaman niya when she first realized this.
"Oo nga naman," medyo nag-iba ang timpla niya dahil sa sinabi nito. "Kakain na ako. Sasama ka ba?"
"Oh, lalo ka atang nagsuplada." Komento nito. Kung alam niya lang na para siya nitong sinaksak dahil sa sinabi nito kanina. 'We're bros' shemay ang sakit nun.
"Tara na lang," then she walked out the office habang kasunod si Marcus.
Hindi sila sa canteen kumain kasi bigla na lang siyang hinila papalabas ni Marcus. They ate at this italian restaurant across the street from the office. She was too down to order anything heavy kaya salad na lang ang kinain niya. Ang down talaga ng mood niya. Never pa kasi noong college na Marcus classified her as a 'bro'. There were times she realized that they were just friends pero never na sa bibig ni ang hirap talaga na sobra kang aasa sa ganung bagay. Marcus is too good for her.
"Yan lang kakainin mo? You have so much work. Anong energy ang makukuha mo diyan?" he ordered a huge-ass steak for himself kaya nagtataka siguro ito kung bakit puro dahon ang gusto niyang kainin. Hindi mo naman siya masisisi, feeling niya mas gusto pa niyang maging baka kaysa sa andito siya.
"Yes, di ako gutom. Mamaya na lang." she said politely while picking out the leaves she wanted to eat. Sobrang yummy kaya ng salad, lasang nature.

BINABASA MO ANG
It's Always Been You | ✅
RomanceBFF Series #4: Loraine Gayle S. Pacifico Who would have thought na ang pagiging late ni Lorie for the first time ang magiging cause ng muli nilang pagkikita ni Marcus? Lorie never really had that much self esteem. Hindi niya alam kung bakit ganun...