12: Offer

4.3K 142 16
                                    


IRITANG-IRITA SIYA DAHIL kay Pia. As if naman hindi niya pa alam ang sinabi nito. She knows, kaya nga mas nakakainis. Lalo pa nitong pinamukha na hindi talaga possible o pwede ang iniisip niya. This is so frustrating. She's been thinking about it kaya naman kunot na kunot ang noo niya habang bitbit ang lapto at ang unang bungkos ng papelesna kailangan ni Marcus. Padilim na din kaya nagmadali siya para hindi naman mabored si Marcus na mag-isa sa kwarto nito.

Nang mabuksan niya ang kwarto ay nagtaka siya kasi sabi ng nurse ay may babae daw na pumasok doon and that the lady has been there since an hour ago. Wala naman siyang naisip na pupunta doon kasi wala naman may alam na na-confine si Marcus.

"Excuse me," she said noong makapasok siya. Nakatalikod kasi yung babae. Nang lumingon ito ay mabilis niya itong namukhaan, she aged pero halos wala halos naiba sa hitsura nito. "Tita Ingrid?"

"Hi Loraine, long time no see. Kanina pa kitang hinihintay." Sabi nito. Tumayo ito mula sa bedside ng natutulog na si Marcus. Napatagal ata ang tingin niya kay Marcus kasi nagsalita muli ang ginang. "His fever went up kanina, he had chills, they gave him meds and his temperature is better. Don't worry sweetheart."

"Ah, ganoon po ba?" She smiled then looked away and placed the bundles of paper in the receiving area of the suite. "Sorry po umalis po kasi ako dahil sa mga pinakuha ni Marcus. Ito po kasi ang deal namin para magpa-confine siya eh."

"Donkt worry about it. Ot's okay. Kamusta ka na hija? College pa kayo noong huli kitang nakita." Lumapit ito sa kanya.

"Oo nga po eh, wala naman po ako masyadong nagbago. Eto pa din po ako." She motioned, she quite distinctively remembered na sinabi nito noon na mas maganda daw siya if she'd lose the extra pounds. Hindi naman siya na-offend kasi mabait naman talaga ito. You can consider her as the typical tita who loves you pero mapuna lang talaga.

"Oh I beg to differ hija, you look lovely." She smiled and approached her to hug her. Medyo nagulat pa siya kaya hindi siya agad nakayakap. "Thank you for taking care of my son, as usual."

"Nako Tita, wala po yun." She smiled.

"Come on, let's eat. It's almost dinner time baka hindi ka pa kumakain. Sabi ni Marcus you left way after lunch, seeing na kababalik mo lang baka pagod at gutom ka na." Naglakad na ito patungo sa pintuan pero siya ay napalingon sa natutulog na si Marcus. "He will be fine hija. Come on, di naman pwede na parehas lang kayong magkasakit."

"Ah, yes po." Then she took one more glance to make sure na ayos lang si Marcus before going out the door with his mom.

"You have his keys diba?" Tanong ni Tita Ingrid.

"Opo, may gusto po ba kayong specific na kainan?" She asked, may pagkapihikan din kasi ang nanay ni Marcus na ito.

"I think Manila Pen is near, I assume food there is still good." Hindi na siya naka-react sa request ng ginang. Maliban sa traffc papunta doon ay di niya alam kung papaano lulunukin ang mahal na pagkain dun. Sa Jollibee pa nga lang satisfied na siya. Pero ano nga ba naman ang taste niyang medyo pangmasa sa taste nito na pangmayaman talaga?

Hindi niya maiwasan na isipin kung kamusta si Marcus. She knows na he is old enough to fend for himself pero nag-aalala pa din siya. Masyado sigurong halata kasi noong makalabas sila patungo sa loob ng hotel mula sa valet parking ay nagsalita ang nanay ni Marcus.

"Hija, stop worrying. The nurses there will look after him." Ngumiti ito sa kanya.

"Halatang-halata po ba?" Tanong nito.

"Very much," naupo sila sa may naglalakihang bintana ng Spice, ang asian fusion restaurant sa Manila Pen, overseeing the pool. "You might be correct, a part of you haven't changed at all. I mean, yung feelings mo. You still like my son."

It's Always Been You | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon