"PATI BA NAMAN SA KWARTO NI Marcus andun ka?" Tanong sa kanya ni Chloe with her eyebrow arched up. Sinusupladahan ba siya nito ngayon? Aba! "Iba ka nga rin naman manlandi.""Excuse me pero hindi to kwarto ni Marcus. This is my room." Sabi niya dito with a little bit of sungit factor, aba hindi naman siya magpapahuli dito. Wala naman siya ginagawang masama para sungitan siya. "At wala akong nilalandi."
"Sabi sa front desk ito ang kwarto ni Marcus. Sino ang nagsisinungaling sa inyo?" Sapatusin niya kaya ang isang to?
"Chloe, nakipagpalit ako ng kwarto with Lorie." Paliwanag ni Marcus. "What are you doing here?"
"Hindi naman ata ako papayag na siya lang ang tatalbog sa akin. I'm here to fight for you." Mariin nitong sabi. Hindi na ba itong dalawang to?
"Napag-usapan na natin to." Marcus said.
This is just a phase, okay? How can you want her more than me?" Tanong nito sa lalaki. Si Lorie naman ay napatingin kay Marcus. Ano daw? Want? Siya ang gusto ni Marcus. Wait, parang nagsisimula nanaman tumibok ng mabilis ang puso niya. Hinay lang, hindi pa tayo sure.
"Chloe, this is not a phase. Okay? I told you clearly." Nagulat si Lorie ng bigla siyang akbayan ni Marcus. "That's the truth."
"Anong truth?" She asked.
"See? Hindi mo pa nga nasasabi sa kanya. You are doubting what you feel." Hindi na alam ni Lorie kung anong nangyayari talaga. This is beyond crazy!
"Sandali nga. Ano bang nangyayari?" Lumayo siya kay Marcus. "I have a huge investor meeting tomorrow. Kung ano man ang problema ninyong dalawa please settle it elsewhere."
Nababaliw na ba itong dalawang to? Ni hindi niya gets kung anong pinag-uusapan ng dalawa. Ayaw niyang hayaan ang puso niya na maniwala nanaman sa mga fragments ng mga usapan na hindi niya alam kung saan hinuhugot. May mga mas importante siyang kailangan gawin kaysa sa intindihin ang puso niya.
"So you don't want Marcus?" Tanong ni Chloe.
"Hindi yun ang sinabi ko. Ano ba?" She irritatingly said. "Teka nga. Bakit ba kasi andito ka sa harap ng hotel room ko dala yang maleta mo? Hindi mo man lang ba inisip na dalhin muna yan sa kwarto mo bago ka sumugod? Ano yan props?"
"Doon ako matutulog sa kwarto ni Marcus." Pahayag nito. Aba, entitled pala tong isang to. Hindi naman ata siya papayag dun.
"Chloe, no. You can't do that." Singgit ni Marcus.
"So saan ako? The hotel is fully booked. Karamihan ng hotel dito booked na. Sinulog na sa isang araw!" Aba't nagawa pa nitong magmaktol. Susugod eh wala naman palang plano. "If my dad and your dad finds out about this lagot ka!"
"Sino ba kasing nagsabi sayo na sumugod ka ng walang plano. Chloe, you're too smart for that." Sabi ni Lorie dito.
"I will not sit at home habang inaagaw mo si Marcus sa akin."
"Wow, anong ginagawa ko?" Sakastiko niyang sabi dito. If Chloe's changed her attitude aba kaya niya din yun no!
"Wait nga lang!" Pigil ni Marcus. "Here's my keycard, you can stay there if you want."
"Ano? Bakit mo binibigay?" Bigla siyang napabaling kay Marcus. Inis na inis siya! Hindi niya man alam ang buong pinagtatalunan ni Chloe at Marcus ay naiinis siya na hahayaan nitong matulog si Chloe dun sa kwarto na magkasama silang dalawa. Hindi naman siya bata para di maintindihan na malaki ang possibility na may mangyari sa dalawa.
"I knew it, hindi mo pa din ako matitiis." Chloe smiled seductively. "Let's go."
Lumabas nga si Marcus sa kwarto pero hinila din siya nito. Hindi niya alam kung nananaginip lang ba siya o kanina pa talagang umaga may weirdong nangyayari sa paligid niya. Dapat nagbabasa siya sa kwarto o kaya naman ay kumakain pero heto siya at hinihila papunta sa elevator kasama ng real version ng Chloe na yun.
BINABASA MO ANG
It's Always Been You | ✅
RomanceBFF Series #4: Loraine Gayle S. Pacifico Who would have thought na ang pagiging late ni Lorie for the first time ang magiging cause ng muli nilang pagkikita ni Marcus? Lorie never really had that much self esteem. Hindi niya alam kung bakit ganun...