37: One

4.3K 140 23
                                    


IT FELT LIKE FOREVER HABANG yakap-yakap niya si Marcus ngayon. Miss niya na ang lalaking to and it will still be an understatement kung sasabihin niyang sobra. Paano ba naman siya hindi rin kikiligin eh lalo na noong nakita niya ang biglang pagliwanag ng mukha nito noong una siyang makita.

"Missed you so much," bulong nito.

"I missed you too, kaya nga ako andito eh." She smiled. Bumitaw si Marcus sa pagkakayakap sa kanya and looked at her face. Before looking at Lisa who was still standing there.

"Lisa, please cancel my flight for tomorrow." At agad namang tumango si Lisa at bumalik na sa computer nito. Hinawakan na ni Marcus ang kamay niya at hinila siya papunta sa opisina nito. "I was supposed to go home tomorrow, kahit ilang araw lang basta makita kita. Naunahan mo nanaman ako."

"Sus, hindi naman paunahan to. What matters is hindi tayo nagkasalisi, that would have been a laugh." Natatawa niyang sabi. "And ako din naman saglit lang. I only have one week. Napakiusapan ko lang si Mr. Pontefino na siya muna ang bahala dun."

"One week is enough," pinalibot nito ang braso sa beywang ni Lorie. "All I want to do is kiss you."

"Oh, edi yan." She gave him a quick peck on the lips. "Happy ka na?"

"Happy naman na pero parang gusto ko mas matagal." Para silang mga batang sabik sa isa't isa. They were kissing like crazy na akala mo ay walang tao sa labas.

Naghahalikan pa sana sila ng bigla na lang may nagbukas ng pintuan. "Marcus! What the hell?! Who is that?"

Mabilis naman nabosesan ni Lorie ang pumasok kaya nilingon niya ito. Natatawa siya kasi gulat din ang hitsura ni Chloe noong makita siya. Alam niyang magkasama na ang dalawa sa trabaho dahil na din sa merger na inaasikaso nila. Wala naman siyang selos na nararamdaman kasi Chloe and Kenneth are still together, in fact sumunod nga dito sa Amerika si Kenneth noong nag-away ang dalawa.

"Akala ko naman kung sino na ang kinakalantari niyang si Marcus. Ikaw naman pala yan!" Natawa na lang din si Chloe sa naging reaction nito. "Kailan ka pa dumating?"

"Kagabi lang, I came here to surprise him para sa anniversary namin." She smiled bago inayos yung buhok niya.

"Yung lipstick mo smudged pa." Pang-iinis ni Chloe sa kanya. "Ang aga-aga naman kasi."

Nilingon din niya si Marcus na hindi maipinta ang mukha, malamang ay naiinis ito dahil sa biglang pagpasok ni Chloe. Sinipat niya kung may lipstick din ba ito sa labi at nang mapansin niyang meron ay pinunasan niya ito before smiling at him and running her fingers over his creased forehead. Ngumiti naman na ito bago tiningnan uli si Chloe.

"You barge in every morning like that." Sabi ni Marcus.

"Wala lang, trip ko lang." nagkibit balikat lang ito bago naglapag ng mga papeles sa la mesa ni Marcus. "I have the progress reports, nakausap ko na din yung consultants. I think okay naman na kami with the plan."

"So when do we meet with them?" He asked.

"They'll be available tomorrow pero I can go on without you, I'll bring Lisa para may notes ka na of the meeting. You can take a break. Alam kong miss mo na tong si Lorie." Ngumiti nmana si Chloe kay Lorie. Mabait naman talaga ito, she just wanted the wrong thing before. "Unless ayaw mo—"

"Gusto!" Nagulat sila bigla sa reaksyon ni Marcus. "Gustong-gusto, ikaw muna ang bahala. Okay?"

"Sobrang excited ah." Tumawa sila halos sabay ni Chloe. "Oh, sige na. I'll go. Have fun, you two. Okay?"

"Thanks Chloe, hopefully we can have dinner with you and Kenneth." Pahabol niya bago ito nakalabas ng opisina.

"Ay nako, sino yun? Hindi ko yun kilala." Then she was out the door.

It's Always Been You | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon