8: Stand

4.5K 147 8
                                    




"WHAT?! YOU QUIT YOUR JOB?" gulat na gulat si Addy noong i-kwento niya ang ginawa niya. Hindi na siya umuwi at dito na dumiretso. Nagpaalam na lang siya sa magulang niya na dito na lang siya matutulog kasi miss niya na ang kaibigan at tutulungan niya ito sa pag-aayos ng gamit.

"I did, nainis ako eh. Take a risk daw eh." Ngayon niya lang naiisip yung total na katangahan na ginawa niya. "I made the wrong decision. I did no? Oh no. Sinabayan ko pa kasi yung sapaw ng isang yun eh! Kasalanan to ni Marcus."

"Sabi kasi sayo i-resolve mo na yang nararamdaman mo na yan eh. Sabi mo okay ka lang na kasama si Marcus kasi hindi mo naman na siya gusto." Kumalma na uli si Addy at bumalik sa paghihiwa ng gulay.

"Wait nga, gusto ko lang malaman kung bakit 9 na ng gabi ay nagluluto ka pa. Hindi ka pa nagdi-dinner?" She was wondering kasi hindi lang simpleng late dinner ang niluluto nito. She was preparing sinigang for Pete's sake!

"Para kay Jake to. Utang ko na luto sa kanya. Okay?" hay nako. Nakalimutan niya na isa na nga pala sa mga bagong bestfriends daw nito si Jake. Na-issue na nga silang magka-live in pero heto at ang close pa din. Sabagay, hinulaan naman na nila na ito na ang susunod na magkaka-boyfriend uli kahit na ayaw na daw nito sa pagmamahal na yan. "Tsaka sige lang, kwento ka lang. Di ko naman gamit yung tenga ko sa paghihiwa ng gulay eh."

"I made the wrong choice no? Tawagan ko kaya?" akmang kukuhain na niya ang cellphone niya ng pigilan siya ni Addy.

"No! Wag mong tawagan. Hayaan mo naman na ma-experience mo na ikaw naman ang suyuin ni Marcus. When you two fight before ikaw palagi ang nagso-sorry. Hayaan mo siya ngayon. Give me your phone." At wala na siyang nagawa kaya naman iniabot na niya ang telepono sa kaibigan. "You still like him. Sure ako dun. Diba?"

"Eh kahit na gusto ko siya, ano naman? As if naman makaka-score ako ng spot sa buhay nun. Nakita mo naman na ang mga ex niya diba? They are all practically beauty queen material!" Hindi naman sa insecure siya pero grabe naman kasi yung difference niya sa mga yun.

Satisfied na siya with caring for him in the sidelines, if kailangan siya nito then she will be there. Kanina lang talaga pagod siya at talo pa ni Marcus ang may PMS kaya naman nainis siya. Ayaw niyang umalis ng Selbago, ayaw niyang umalis dun kasi andun si Marcus. Paano naman na siya babalik dun? Asa pa na si Marcus ang maunang makipagbati. Asa pa.

"See, hay nako Lorie. Alam mo, kung sinasabi mo yan kay Marcus baka may resolution ka na o kaya sagot kung yes or no." Addy sighed.

"Eh ikaw ba? Ano ba yang si Jake na yan para sayo?" she asked.

"Kaibigan ko, bakit?" she said nonchalantly.

"Nothing more?"

"Yes. Wala, di ko na forte yan love na yan. Magulo lang masyado. I don't want to get burned." Nilingon niya si Addy. She's looking intently sa niluluto nito. She's been hurt before kaya nagbago na ang tingin nito sa love.

"Oo nga pala, bukas yung reunion ah. 5 years from when we graduated." Sabi niya. Baka naman kahit papaano ay sumaya siya with a lunch out or something.

"Oh yes, di ako pupunta. Maingay pa masyado yung campaign ni dad. Ayaw kong isipin nila na andun ako to campaign for my father eh ganung ang tagal kong di man lang nagparamdam kahit kanino maliban sa inyo."

"Totoo ba?" she protested. "So ako lang yung pupunta?"

"Isama mo si Marcus since pusta ko bukas kakausapin mo na yun. Ganun lang katagal ang limit mo eh." Natatawang sinabi ni Addy sa kanya. She is just so predictable when it comes to Marcus pero ngayon hindi na. Hindi magtatagal ay may makikilala uli si Marcus and she has to get herself together for that. Kailangan ngayon pa lang ay tibayan na niya ang loob niya.

It's Always Been You | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon