"HI LORIE! SABI NI Marcus hindi ka daw papasok?" Tanong sa kanya ni Chloe noong papasok siya ng sarili niyang opisina. Nakita niyang lumabas ito galing sa opisina ni Marcus. Ang aga-aga andito na agad.Sa totoo lang ayaw niya ng pumasok, wala ng point na pumasok pa siya kasi hindi na siya kailangan ni Marcus pero naisip niya na trabaho niya ito, she has invested a lot of time and energy here kaya bakit niya iiwan? Bakit niya tatalikuran? Yun nga lang kailangan niyang ipairal na 'trabaho lang, walang personalan'.
Noong makauwi siya kagabi matapos siyang ihatid ni Marcus ay humagulgol lang siya ng humagulgol sa kama. She needed to get everything out of her chest pero ang mali dun ay sobrang pugto ng mga mata niya noong umaga, mabuti na lang at umalis na ang lahat ng tao sa bahay nila. They all thought na hindi na siya papasok kasi alas sais na nakahiga pa siya at nagkukunwaring tulog. She barely had any sleep, ayaw matahimik ng utak niya. Umasa nanaman siya sa isang dakilang paasa.
"Hi Chloe, pasok tayo sa opisina ko." She smiled, mabait naman ito kaya walang rason para naman maging masama ang pakikitungo niya dito. Hindi naman nito kasalanan na hindi siya kayang mahalin ni Marcus the way she wants to be loved. "May meeting kasi ako kanina tapos pinaayos ko saglit yung buhok ko, masyado na mahaba kaya nakakasagabal na."
"This look suits you, sobrang bumata kang tingnan. It looks sexier pa." Sabi nito. "Don't get me wrong, your long hair looks pretty pero mas bagay sayo yan. Surely magugustuhan ng boyfriend mo yan."
Kanina habang nasa salon siya halos hindi siya makapasok sa pintuan kasi natatakot siyang maputol ang crowning glory niya pero she wants to do this kasi baka totoo ang sinasabi ng iba na kapag gusto mo mag-move on you have to have a clean canvass and a new haircut helps you achieve a sense of freshness. When she sat down the chair and heard the snipping sound of the scissors hindi niya talaga kinaya na buksan ang mata niya o tingnan ang ginagawa sa kanya. She wanted it the shortest it has ever been since she was five! This is he moving on process at tama nga sila kasi she somehow felt lighter and instantly fresher. Today is the start of her life without hope that Marcus will love her, matagal man patayin ang sakit at ang pagmamahal na nararamdaman niya ay magagawa niya din yun.
"Thank you, pero wala akong boyfriend." She smiled.
"Really? You're so pretty kaya! Baka naman workaholic ka din katulad nung kaibigan mo. He just works and works! Nakakatampo when he barely has time for me." Kwento nito sa kanya. "Kumain ka na ba ng lunch?"
"Hindi pa pe—" Hindi na siya nakabwelo sa sasabihin niya kasi nagsalita na uli si Chloe.
"Uy sumama ka na sa aming kumain, Marcus and I are going out and we would like it if you come with us. Baka nagugutom ka na from your meeting." Chloe seemed so bubbly pero today's not the day for any of these nonsense. Hindi niya gustong makita let alone makasama kumain si Marcus kasama pa ang nobyang hilaw nito. Hindi pa naman siya umabot sa ganung klaseng ka-martyran.
"Madami pa kasi akong gagawin, maybe next time?" She suggested.
"Ay, please? Pagbigyan mo na ako. Extra points to kay Marcus if I can make you go with us. I mean, I'm not using you pero it'll help. Tulong mo na lang for me?" She even pouted. Kung alam lang nito ang nararamdaman niya baka hindi nito gugustuhin na maging magkatabi man lang sila ni Marcus ng opisina.
"Extra points?" She wondered.
"Kasi syempre he will see na I am putting in extra effort to be part of his life again and that I'm now connecting with people in his life. I'll start with you kasi best friend ka niya and you seem like a good person." Paliwanag nito. It's awful to know na halos magkapareho sila ng ugali ni Marcus, baka nga sila ang bagay.
BINABASA MO ANG
It's Always Been You | ✅
RomantizmBFF Series #4: Loraine Gayle S. Pacifico Who would have thought na ang pagiging late ni Lorie for the first time ang magiging cause ng muli nilang pagkikita ni Marcus? Lorie never really had that much self esteem. Hindi niya alam kung bakit ganun...