THERE WERE A LOT OF people that Lorie have met since she started her post as Selbago's COO pero mas madami ang hindi pa talaga niya kilala, at all. Ang una atang naging goal ni Marcus ay ang ipakilala siya to as many people as he possibly cankasi sa bawat lumapit at kakausap dito ay siya ang una nitong bukambibig. He'll immediately introduce her as his girlfriend. Aaminin niya na noong simula ay sobrang awkward pero a few minutes later ay bumabalik na yung kilig niya dahil sa pagiging proud ni Marcus about her.
"Nakita mo na ba uli si Chloe? I'm curious kung sino yung date na sinasabi niya." He asked Marcus habang kumukuha sila ng pagkain.
"Ako nga din eh, Chloe changed a lot." Pag-sangayon nito sa kanya.
"Uy! Marcus, Lorie." Nagulat sila kasi bigla na lang silang kinalabit ng kung sino. They immediately recognized the guy as Kenneth a.k.a. her saviour from way back. "Sorry nagulat ko pala kayo."
"Okay lang, may iniisip lang kasi kami." Lorie smiled. "Nice seeing you here."
"Ayaw ko nga ng ganitong kainigay at ka-crowded na lugar eh." Pag-amin ni Kenneth sa kanila. "Nakita ko lang kayo and it felt comforting na may kakilala pala ako dito other than—"
"Kenneth! There you are. Kanina pa kita hinahanap." Napatingin sila sa kaliwa nila at mas ikinagulat nila ni Marcus ang nakita nila. It was Chloe, tenga sa tenga ang ngiti. Could Kenneth actually be the guy that tamed Chloe?
"Other than Chloe." Ngumiti si Kenneth sa kanila, as if confirming their hunch. "Hey, sorry may mga kausap ka kasi kanina kaya I thought I'd wander around."
"Oh!" Noon lang sila napansin ni Chloe. "Hey guys, you know Kenneth."
"Yup, we do." Sabi ni Marcus. Pigil nito ang pag-ngiti, halatang hindi makapaniwala na si Kenneth pa pala ang nakapag-tame kay Chloe. "And this is a surprise. Hindi namin mahuhulaan na si Kenneth pala iyong sinasabi mong—"
"Ahm, anong sinabi? Wala akong sinabi sa inyo. Oo nga pala, alam mo bang sila na?" Binaling nito ang tingin kay Kenneth.
"Yeah, napadaan sila sa coffeeshop noong isang linggo." So si Chloe yung ka-text ni Kenneth habang ngiting-ngiti ito. Kinakantyawan na nila ito ni Marcus pero ayaw umamin kung sino. Who would have thought that these two would be a pair? Katulad nila ni Marcus, they are an unlikely pair too.
Kita sa hitsura ng dalawa that they adored each other at kahit unlikely pairing din sila ay mukhang masaya naman sila. Excited siya na malaman kung papaano nabuo ang pairing na ito. She'll have to ask them in a more personal time.
"Oo nga pala, andyan na si Tita Ingrid and I think padating na ang mga ama natin. Be ready, they'll breathe fire after seeing us. Okay?" Bilin ni Chloe. "Before that, I'll enjoy muna. Okay?"
"Sige, hahanapin muna natin si Mama." Tumango naman si Marcus. Iyon lang at hinila na papalayo ni Chloe si Kenneth na wala na lang nagawa kundi ang kumaway sa kanila.
"Hindi ko inexpect to." She mumbled.
"Lalo na ako, akala ko karibal ko sayo si Kenneth eh." Nilingon naman niya ang nobyo.
"Wala kang karibal sa akin," she smiled. "Halika na, let's greet your mother."
Hindi nagtagal ay nakita na nila ang nanay ni Marcus. She looked so regal in her green dress and long hair, namiss niya tuloy ang mahabang buhok niya. Agad silang nilapitan at binati nito. Ipinakilala pa nga siya nito sa mga kausap as Marcus' girlfriend. Iba talaga yung sense of achievement na gusto siya ng nanay ng boyfriend niya. Sinabi na kasi niya noon pa man sa sarili niya na hindi siya magtatagal sa isang relasyon kung saan hindi siya gusto ng magulang ng karelasyon niya. Dakilang exemption lang talaga si Marcus, one parent pa lang ang boto sa kanya kaya naman paghihirapan niya yung boto pa ng isa pang magulang. She'll do this for love.
BINABASA MO ANG
It's Always Been You | ✅
RomanceBFF Series #4: Loraine Gayle S. Pacifico Who would have thought na ang pagiging late ni Lorie for the first time ang magiging cause ng muli nilang pagkikita ni Marcus? Lorie never really had that much self esteem. Hindi niya alam kung bakit ganun...
