31: Brave

4.4K 152 17
                                    


NANINIBAGO SI LORIE KASI NASA opisina na uli si Marcus. He's been here since 7 AM sabi ng guards sa baba. Hindi niya alam kung paano ba niya ito ia-approach kasi sa totoo lang gustong-gusto niya itong yakapin ng sobra. She wants to hold that face try to take away that sadness in his eyes. The longer she tries to look at him, the more she's confused kung tama ba talaga ang ginagawa niya.

"Eto yung ibang mga papeles na in-approve ko when you were gone. I read them but you might want to look over them again." Paliwanag niya ng ipatong niya sa gilid ng la mesa nito ang ilang folders.

"Thanks," hindi man lang siya nilingon nito.

"O-okay." She smiled. Parang ang laki na ng gap nila. Kasalanan niya to kaya kailangan niyang panindigan ng bonggang-bongga. Ito ang makakabuti kay Marcus. "Gusto mo ba ng merienda? Ngayon pa lang kasi ako kakain ng lunch, baka may gusto kang ipasabay."

"Wala naman, thanks." He said flatly. It breaks her heart na hindi man lang siya nililingon nito pero parte naman to ng pagbitaw niya diba? Kaya kailangan niyang tiisin.

"Alright, aalis na muna ako. Have Lily call me if you need anything." Nakita niyang tumango lang ito habang patuloy pa din na nagsusulat ng kung ano.

Hinihintay siya ni Kenneth ngayon sa ground floor ng office niya kasi nagtext ito kanina na nasa area daw and if she wanted to have late lunch together. Hindi na niya pinalagpas pa ang chance na yun kasi ayaw niya na actually na kumain nanaman na mag-isa. It's already 3 PM kaya naman gutom na din talaga siya.

"Oh, you look sadder than usual." Madalas niya kasing nakakasama si Kenneth kasi madalas siyang tumambay dun sa cafe nito na malapit sa kanila.

"Ah, hindi naman. Pagod lang ako." She smiled. Naglalakad sila ngayon papunta sa malapit na Jollibee doon. Nag-crave kasi talaga siya bigla, iba talaga kapag pagod, stress at ang matinding lungkot ang kalaban, sa pagkain ka talaga kakapit.

"Sus, ilang araw ka ng pagod na ganyan. You're sad. The first step is acceptance na malungkot ka o nasasaktan." She's become close with this guy kasi parang ang dali-dali lang na mag-confide dito. "Come on, tell me. Malungkot ka dahil kay Marcus?"

"Saan pa ba? Parang my heart is breaking every single time na makita ko siya." She sighed, pagod na din naman siyang umiyak at umarte na parang wala siyang nararamdaman kasi sa totoo lang ay ramdam na ramdam na niya iyon. She feels every single, terrible blow to her chest.

"Eh di ba ikaw ang bumitaw? Bakit kasi di mo ilaban?" Tanong nito habang kumakain sila.

"Oo ako nga pero kasi para naman sa kanya yun. His dad said na kapag natuloy ang merger he'll finally recognize Marcus and all his hard work. Marcus deserves that, he's worked so hard for it. Ayaw ko naman na dahil ayaw sa akin ng ama niya ay hindi niya makukuha yun." Pigil na pigil siyang maiyakan ang Chickenjoy na inorder niya, sayang naman kasi at nakakahiya dahil nasa restaurant sila.

"Choose your battles wisely, sigurado ka bang ito yung laban na aatrasan mo?" Tiningnan siya ni Kenneth bago ibinaling uli ang tingin sa kinakain. "Ikaw din, baka pagsisihan mo yan."

"Hay nako, wag mo na guluhin ang isip ko. Baka umasa ako niyan eh." Pagmamaktol niya. She just needs more time. All wounds heal naman diba?

"Kasi may aasahan ka naman," he smiled. "I bet Marcus will wholeheartedly fight for you if you just give him the chance to do that. I saw how he looks at you, mahal ka nun."

It's Always Been You | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon