"HINDI KO ALAM KUNG BAKIT kailangan mo pa akong sunduin?" Tanong niya kay Marcus habang binabaybay nila ang EDSA.It has been two days since Marcus was discharged. She was the one who drove him back to his condo, cooked food to last him a week, and specifically instructed him to rest. Mabuti na lang at Sunday kahapon kaya naman wala itong choice but to rest as she said. Pwede na ata siya pagawan ng estatwa sa pagkatanga niya sa lalaking to pero there's no denying na masaya siya sa ginagawa niya. Masaya siya na may ganitong opportunity uli siya. Whatever you wanna call it par kay Lorie pagmamahal niya to.
"I have to take care of my new COO, diba?" He said as he stole a gaze towards her direction.
"Given, pero hindi kasama dun ang maging driver ko. You live near the office, bakit ba dinayo mo pa ako sa Fairview?" Tanong niya dito.
Naiinis siya kasi pinapagod nanaman nito ang sarili. Plus, kinakabahan din siya sa pagpapakilala sa kanya as the new COO. Sabi naman sa kanya ni Tita Ingrid ay nakausap na daw nito ang Board of Directors and they are all okay with the idea. She presented them her qualifications and the work she's contributed sa Selbago, as little as it may be. May mga hindi bilib sa kanya but they are all willing to give her a chance. She will be there later to introduce her to everyone kahit naman halos lahat ay kilala na talaga siya.
"Because I want to." Sabi lang nito. In most times ay kikiligin siya pero ngayon mas namamayani ang kaba sa kanya.
"Marcus, nasusuka ata ako." Sabi niya dito. She can feel butterflies in her stomach. Bwiset naman oh.
"Buntis ka?" Muntik na niyang hampasin ng bag ang lalaki. Adik ba to? Paano naman siya mabubuntis? Ano yun immaculate conception?
"Siraulo talaga to. Nasusuka ako kasi kinakabahan ako at hindi buntis. Ano yun ka-level ko lang si Mama Mary? Bakit ko kasi tinaggap to?" She is in full panic mode ng biglang hawakan ni Marcus ang kamay niya. All her systems stopped but her heart went into overdrive. Bakit hindi na lang niya sa ibang lalaki naramdaman to? Bakit hindi na lang natigil sa pagiging best friend ang tingin niya kay Marcus?
"Forget I reacted that way. Wag ka mabuntis. Okay? Tsaka wag kang kabahan kayang-kaya mo to." Hindi niya alam kung hahampasin niya ba uli ito o ano. Wag mabuntis? Di niya na alam kung san nanggaling yun!
"Mas madali pa nga ata yun kaysa sa pinili kong to. Ikaw kasi eh." Sabi na lang niya habang panakaw na tinitingnan ang kamay nila ni Marcus na magkahawak pa din.
"Oh, anong ginawa ko?" Marcus asked while still holding her hand with one of his. Namamayani na yung kilig da kanya dahil sa pagho-holding hands nila. Pilit niyang pinapaalala sa sarili niya na walang malisya to at para matauhan siya ipapaulit-ulit niya lang sa utak niya na sabi ni Marcus noon na they are bros. They are just that, friends.
"Basta, kasalanan mo to." Alangan naman kasing sabihin niya na ginagawa niya lang to para maalagaan niya ang lalaki. Hindi tama na haluan niya ng personal niyang nararamdaman ang pagkakaibigan nila. "Pero kaya ko to. Kaya ko to. Ikaw nga kaya kong i-handle, ito pa kaya? Magagamit ko na din yun pinag-aralan ko sa MBA ko."
"I have no doubt na kaya mo talaga yan. Ikaw pa ba?" Lalo lang natabunan yung takot niya ng lakas ng loob. Kung naniniwala sila na kaya niya, edi ibig sabihin nun kaya niya talaga. "Ang stop thinking about pregnancy, not now."
"Ano ba pake mo? 26 naman na ako." Hay nako, palagi na lang silang ganito. Kung saan-saan napapadpad ang usapan. "Yun nga lang ay saan ako kukuha ng magiging tatay nun. Wait, alam ko na. Maghahanap na lang ako ng boyfriend. Baka naman may mairereto ka oh. You have a lot of friends."
"Stop thinking about it," he seemed irritated by the thought. As if naman sinabi niya na ito ang maging tatay ng mga anak niya. "None of them are good enough for you."
BINABASA MO ANG
It's Always Been You | ✅
RomanceBFF Series #4: Loraine Gayle S. Pacifico Who would have thought na ang pagiging late ni Lorie for the first time ang magiging cause ng muli nilang pagkikita ni Marcus? Lorie never really had that much self esteem. Hindi niya alam kung bakit ganun...