Chapter 16 Stay with me

5.5K 123 2
                                    


She heaved a deep sigh. What just happened? Did that really happen? Napahawak siya sa nag-iinit na pisngi. Damn!

Did she let that happen? What was she thinking, God! Napasabunot siya sa kanyang buhok.

Her heart still beating rapidly. Napahawak siya dito. Could it be? Is she...? Nooooo. That will never happen! She should not let this happen to her. Falling in a death trap!

At her age, she should be wiser. She should know her limitations. She should know better than this. Love? Tsss... Huwag na lang. Baka lust, pwede pa. Sarili niya nga hindi pa niya maayos, yun pa kayang hayaan ang sariling mainvolve sa isang tao. Sa lalaki. Hindi lang basta lalaki. Gwapong kapre. Hmp!

For the few days that she had been here, how stupid could she get for letting herself......fall? Hindi pa nga umaabot ng isang buwan! For pete's sake George!

But, who is she to resist a delectable dish in front of her? What?! Ngali ngali niyang saktan ang sarili sa mga pinag-iisip!

She should admit, it's really difficult to resist such gorgeous being. Matangkad, fit, I mean,hot, at gwapo, hindi lang basta gwapo, nakakapanindig-balahibong kagwapuhan! Hindi! Kulang parin ang adjective na iyon!

Ughh! 

Para mawaksi ang mga nakakanginig na ideya ay tinungo niya ang isang tingin niya ay walk-in closet.

Magbibihis na lamang siya!

She found a huge wardrobe inside. Puro panlalaki ito at dahil sa amoy pa lang ay sigurado siyang kay Marcus ang closet na iyon.

Kumuha siya ng isang white long sleeved polo at boxers nito at pumasok sa banyo. Hindi naman siguro magagalit ang isang iyon. Siguro naman ay malinis na tao itong si Marcus...hmmm. Baka naman may....pumikit siya sa hindi magandang iniisip. Bahala na kaysa wala siyang suot!

Gumaan ang pakiramdam niya ng makapagbihis.

Sa pagod ay humiga siya sa kama at nakatulog sa pag-aantay kay Marcus.


Nagising siya nang maramdaman ang isang mabigat na bagay na nakadagan sa kanya.

Dahan-dahang iminulat ni George ang mga mata. She suddenly remembered what happened last night. Nilingon niya si Marcus na mahimbing na natutulog sa tabi niya. He looked hot even while sleeping!

Nakayakap ang kamay nito sa ibabaw ng tiyan niya habang nakadagan ang isang binti nito sa binti niya. Natatabunan ang katawan niya ng comforter habang si Marcus ay naka t-shirt at boxers lamang!

Magkatabi silang natulog?!Not that she expected him to sleep on the couch! Siguro naman ay may ibang kwarto naman dito diba?

Oh God!

Naalala niya bigla ang suot! Pinakiramdaman ang sarili. Napabuntong hininga siya ng makumpirmang walang kakaiba sa katawan niya.

Ughhh. Whatever George! 

Marahan niyang inalis ang kamay at binti ni Marcus. Natigil siya ng mapaungol ito ngunit hindi naman nagising. She sighed heavily at dahan dahang bumangon. Nakasuot pa rin siya ng polo nito at boxers! Wala nga pala siyang panloob! Dahil malaki ang polo ay umabot ito hanggang kalahati ng thighs niya, natatabunan ang boxers sa loob.

Medyo kumalam ang sikmura niya. Naalalang hindi pala sila nakapagdinner kagabi! Anong oras kaya nakabalik si Marcus dito sa kwarto? Sino kaya ang kumatok? 

Nang walang maisip na sagot ay lumabas siya ng kwarto at namangha sa ganda ng interior ng bahay. Kaninong bahay kaya ito? The house and the furniture have Spanish-inspired designs.

Ravages of Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon